Silip (teaser)

19 1 0
                                    

"Ano ba talaga kasi ang nangyari, ha, Ryan?" tanong ni aling Tinay na kilalang chismosa sa kanto.


"Gan'to po kasi yun, tita Tinay," Sagot ni Ryan na iisa lang ang tsinelas sa paa. "Naglalaro lang po kami ng taguan dito sa bakanteng lote nina Noel at Tonton..."

"Nagkukulitan lang po kami ng bigla nalang bumagsak si Tonton..." singit ng kasamahan niyang si Noel na tumutulo na ang uhog sa kaka-iyak.

Napa tingin sila sa batang nakahandusay sa madamong lupa. Tulala ang bata, nakatitig sa kawalan, nakangiwi ang mga labi at hindi gumagalaw.

"Ay lintek! Ilang beses ko na kasing sinabi sa inyo na 'wag kayong pupunta rine?!" pagalit na sermon ng matandang si mang Jose na nakakunot ang noo. "Alam nyo namang walang makapag patayo sa lote na ire dahil maraming nakatirang laman-lupa rine!" dagdag pa niyang pabulong. "Sinabi ko na nga na 'wag kayo lalapit man lang sa lugar na ire, lalung-lalo na sa malaking punso sa paanan ng punong mangga, at kung kailan mag tatakip-silim pa!" nag buntong hininga ang matanda, sabay iling at punas sa kanyang mukhang puno ng pag-aalala. "Malamang sa hindi eh, namatanda yang batang iyan!"

"Ay nako 'tang," ani aling Nena na apo ni mang Jose. "tigilan nyo na nga po yang mga kalokohan ninyong 'yan! Wala namang mga laman-lupa sa mundo, eh! Guni-guni lang yan at mga pamahiin ng matatanda para ipanakot sa mga batang matitigas ang ulo tulad ng tatlong 'yan!"

"Puwes, kaya mo bang ipaliwanag kung bakit ang lahat ng nagtangkang mag linis sa bakanteng lupang ire ay biglang tinatamaan ng lagnat?" hamon ni mang Jose sa kanyang apo. Tumingin siyang muli sa mga batang nanlalaki ang mga mata habang nakikinig sa kanyang mga salita. "Alam nyo bang panahon pa lang ng mga Kastila eh, andiyan na ang punong mangga na iyan?" dagdag pa niya ng pabulong.

"Talaga po, tata Jose?" tanong ng dalawang bata.

"Abay Oo! Totoo lahat iyon, at ng panahon naman ng mga Hapon ay dine ibinibitay ang mga isinusuplong ng mga makapili! Marami ring nagsasabing may tikbalang na nakatira sa punong balite sa gilid, na s'ya namang madalas nakikipag-away sa higanteng kapre na doon nakatira sa mga punong kawayan sa may dulo ng lote..." napatingin sya sa apo niyang napapailing nalang sa kanyang mga kuwento. "Maraming kababalaghan ang nangyayari sa loteng ire," dagdag pa niya, "kita nyo nga, si ka-Pablo eh namatay nalang bigla ng mabali ang leeg, samantalang natalisod lang siya habang binabalak tabasin ang punong mangga na may punso!"

"Tang, alam nyo naman po na kilalang sunog baga si mang Teban e, malamang lasing lang yun ng maisipang tabasan yung punong mangga," sagot ni Aling Nena. "Baka naman yang si Tonton e tumama kung saan ang ulo ng nadapa. Napaka kulit kasi ng batang 'yan eh! Kaya nga't 'wag ninyo s'yang gagalawin hanggat di dumarating ang ambulansya."


==============================

Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 8

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mga Kuwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon