"Remedios? Handa ka na ba?"
Hawak ang dalawang pirasong tingting, ihahampas nya ito sa lupa, sabay sa awit nya ng 'Sarumbanggi'.
"'Isang gabing maliwanag..."
Tatayo ang mga ginupit nyang papel na korteng tao at iikot at sasayaw sa kanyang awit.
"... Ako'y naghihintay sa aking magandang dilag..."
Tuwang-tuwa ako tuwing pinapanood ko iyon at ngingiti naman sya sa akin habang umaawit, ang batang lalaking laging natatakpan ng anino ang kalahati ng mukha... Nakakatuwang panoorin ang maninipis na taong papel na sumasayaw, ngunit tuwing hahawakan ko sila, bigla silang nahuhulog, at 'di na muling gagalaw pa...
"Remedios..."
TITITITITTITITITITITTI!!!
Tumunog ang alarm.
Babangon ako sa kama, mag babanyo, iinom ng kape, kakain ng konti, at magba-byahe sa traffic papasok sa call center.
Pagdating sa trabaho, uupo ng ilang oras sa tapat ng PC para murahin ng mga taong hindi ko kilala.
Tapos, magbya-byahe pauwi, kakain, iinom ng kape, mag babanyo at babalik sa kama para matulog.
Pero, minsan, 'di nyo ba nararamdaman na para bang 'di ka bagay sa lugar na pinamumuhayan mo sa ngayon? Na para bang ang bawat araw ay paulit-ulit lang?
'Yan mismo ang iniisip ko nang matanggap ko ang tawag mula sa probinsya.
"Hello?" sinagot ko ang telepono sa ika-limang ring.
"Hello? Remy?" sabi ng boses sa kabilang linya. "Tiyo Isko mo ito! Buti naman sa wakas naabutan din kita!"
"Tiyo Isko?" tanong ko, pilit inaalala ang pangalan nya.
"Oo, ang tiyo mo rito sa Bicol, asawa ng tiya Monsing mo!"
"Ah, tama, tito," sagot ko, nang maalala rin sya sa wakas, "Kamusta na tiya Monsing? Ang lolo? Kamusta na rin?"
"Naku, yun na nga ang itinawag ko 'eh..." sabi nya, "Ang lolo Pili mo, wala na."
"Ho?"
"Yumao na ang lolo mo ng isang buwan pa," paliwanag nya, "Ilang linggo ka na nga namin hinahanap at tinatawagan para masabihan, tapos na ang lamay, ngayon lang namin nakuha ang bagong number mo..."
"Umuwi ka naman muna dito sa probinsya," patuloy nya, "Kahit madalaw mo man lang ang puntod ng lolo mo, at ikaw ang hinahanap nya ng naghihingalo! Sadyang wala lang talaga kaming contact sayo," nagbuntong hininga ang tito. "Ano bang nagyari? Bakit pati ang mga pinsan mo dyan, hindi alam kung nasaan ka?"
Natahimik ako.
Hindi ko maikakaila na unti-social ako, pati ang mga sarili kong kamag-anak naiilang sakin, kaya nga kahit sila bihira kong kamustahin at kausapin.
BINABASA MO ANG
Mga Kuwento sa Dilim
Mistério / Suspenseoriginal stories mainly of a dark nature mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim. This is a collection of one shot short stories written in Filipino. Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap ====...