original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
Pinagmasdan ni Deo ang tutang umiiyak sa may kanal.
"Bakit sya umiiyak? May masakit ba sa kanya?" tanong nya.
"May sakit yan." sagot ng tyuhin sa tabi nya.
"Anong sakit?"
"Tignan mo yung tyan, ang laki. May parasitiko sa katawan yan." sagot muli ng tyuhin nya. "Parang ikaw, parasitiko. Lamon lang nang lamon, walang silbi."
Napatingin si Deo sa tyuhin habang bitbit lahat ng kanilang pinamili sa palengke.
"May dadaanan pa ba tayo, tiyo?" ibinaba nya panandalian ang mabibigat na dalahin.
"Wala na. Tumawag ka na ng tricycle.
Sanpung taon na si Deo. Mula ng namulat sya, ang tito Benny na nya ang nakagisnan nya. Iniwan daw siya ng nanay nyang puta at sumama kung kanino. Hindi na raw sya binalikan nito, kaya ngayon, ang pamilya ng tyuhin nya ang nag-aalaga sa kanya. At kailangan nyang magpasalamat dahil doon.
"Deo! Ano ba?!" sigaw sa kanya ng tita Linda nya. "Bakit wala pang sinaing dito?! At nasaan na yung pinapa-plantsa ko sayong uniform nila May-may?!"
"Sandali lang po..." sagot ni Deo na nagmamadaling itinupi ang huling uniporme.
"Ikaw talaga! Napaka kupad mong kumilos!" Tinuktukan si Deo ng tyahin nya sa sintido. "Sa susunod na mahuli ka, 'wag ka nang kumain ha?!"
Walang nagawa si Deo kundi tumango. Pumunta syang kusina at agad tumakal nang bugas para isaing.
"Deo!" tawag ng pinsan nyang si Jan-Jan. "Ipasok mo nga yung bag ko, andun sa may terrace." utos nito, palibhasa ay nakikita ang trato ng magulang nya sa pinsan.
"Sige na, mamaya ko na gagawin." sagot ng isa.
"Ngayon na!" sigaw nito. "Gagawa pa ko ng homework! Dali!"
Napa buntong hininga nalang si Deo. Pinagpag nya ang kamay sa kawali at lumabas ng bahay.
Sa kanyang pag-labas, may narinig syang parang kakaibang tunog sa may halamanan. Nilapitan nya ito at inusisa.
May isang insektong kakaiba na nasa may ugat ng punong banaba. Nahirapan pa syang hanapin ito dahil kakulay sya ng lupa, pero sinundan nya ang tunog at nahanap din siya.
[TIK]
"Kakaiba ka..." sabi ni Deo sa insekto na mukhang kulang ng binti. "May ibon ba na pilit kumain sayo?"
[TIK]
"Deo! Ano ba?! Ang sinaing!" sigay ni tita sa loob.
Agad ibinulsa ni Deo ang insekto at hinatak ang mabigat na bag ng pinsan nya papasok ng bahay.
Nang gabing iyon, pinagmasdan ni Deo ang bago nyang alaga.
[TIK]
Nasa two inches ang haba nito, may walong binti na kulang ng tatlo, at may pakpak na nakalabas sa kanyang likod, mukhang nasira ito kaya't 'di makalipad. May malalaki rin itong pangil na tulad ng sa salagubang, pero ang katawan nito, mukhang malambot, walang shell.
"Anong insekto ka kaya?" tanong nya habang naglalagay ng dahon ng banaba sa loob ng bagong bahay nito na garapon. "Iyan ba ang pagkain mo?"
Hindi pinansin ng insekto ang dahon.
[TIK]
"Ayaw mo?" natawa si Deo. Bukas ihahanap kita ng ibang dahon.
Tumayo si Deo at pumunta sa kanto ng maliit na bodegang kanyang kwarto. Tuwing gabi ay kinukulong sya ng tiyuhin nya rito. May kinuha syang bote sa tabi at umihi rito.
"Ano bang dahon ang kinakain mo? O baka gusto mo insekto rin? Maraming lamok dito kung gusto mo..." nilapitan nya muli ang bote at naisipang ilabas ang alaga nya. "Gumagawa ka kaya ng sapot?"
Habang hawak ang insekto, bigla syang kinagat nito.
"Aray!" sigaw ni Deo.
Napatakip sya agad ng bibig. Baka magising sila tita! Sa sobrang nerbiyos, 'di nya naisipang alisin ang insekto sa palad nya, at nagulat nalang ng makitang hinuhukay nito ang palad niya!
Agad nyang hinatak paalis ang insecto at ihinagis ito pabalik sa bote.
"T-tao ba kinakain mo?!?" tanong nya sa isekto.
[TIK]
==============================
Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 8
'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.