Limos (teaser)

28 1 0
                                    


"Kuya, akin na lang yan." sabi ng batang paslit sa lalaking naka suot ng puting uniporme ng medical student.

"Binili ko nga 'to kse uhaw ako eh," sabi ng lalaki, dala ang juice na kabibili lang sa tindahan. "Ba't ba nandito ka, wala ka bang school?"

"Kanina pa pong umaga, kuya. Gutom na nga po ako eh..."

"Eh, ba't di ka pa umuwi?" tanong ng lalaki, "Gabi na ha?"

Natahimik ang bata.

Napatingin ang lalaki sa paligid at nakita ang lugawan sa may kanto.

"Lika, sunod ka sakin."

"Oy, bata, ano yan ha?" sabi ng guard na lumapit sa kanila. "Kinukulit mo pa yung tao."

"okay lang kuya, naguusap lang po kami." nakangiting sabi ng lalaki.

Sinama nito ang batang babae sa lugawan at pinapili nang kakainin.

"Pabalot nalang kuya." sabi ng paslit.

"Akala ko ba gutom ka na?" sagot ng isa, "Sabay na tayong kumain."

May bitbit pa ang bata nang matapos sila. Nakita ng guard ang lalaking nagbibilang ng barya matapos nilang kumain. Maayos at maputi ang suot na uniporme nitong long-sleeve, mula sa malapit na medical school sa lagar na iyon.

"O, may pamasahe ka pa ba?" pabirong tanong nito sa estudyante. Tumingin ito sa kanya at napangiti.

"Meron pa naman po." nahihiya nitong sinabi.

Nandoon nanaman siya kinabukasan.

"Kuya, kain uli tayo?"

Ngumiti lang ang lalaki at sinama sya lugawan.

"O, may take home nanaman?" sabi ng guard nang makaalis na ang bata.

"Okay lang po, may extra pa naman po ako..." sagot ng lalaki na nagbibilang ng pamasahe. "Pauwi nanaman po ako."

"Ingat ka sa mga yan, maraming lokong bata ngayon." sabi pa ng isa.

"Hindi naman po siguro, ang bata pa nya e..." muling nangiti ang lalaki.

"Yung bata, eh kaso may mga nag uutos sa mga yan."

Natahimik panandali ang lalaki. "Oo ngaho eh..." sabi nya, "Kaya po pagkain ang binibigay ko." napatingin sya sa parating na jeep ang pinapara iyon. "Sige po kuya."

Nang sumunod na araw, sa loob ng drugstore ng guard nakita ang lalaki. Nagkakagulo doon, may mandurukot daw na nahuli.

"Anong nagyari?" tanong ng guard sa isang matandang lalaking nag hihisterikal sa loob.

"Etong tarantadong 'to nahuli kong dinudukot ang pera sa bulsa ko!"

Nagulat ang guard ng makita ang lalaking med student.

"Sigurado ka ba, manong?" tanong nya sa matandang may bitbit na lumang backback. "Kilala ko po ito eh, baka naman nagkamali lang kayo?"

"Hindi ah, kitang-kita ko na nasa bulsa ng bag ko ang kamay nya!"

Tumingin ang guard sa lalaki. "Totoo ba to, boy?" tanong nya.

"May..." mahina ang boses ng lalaki, "Nahulog lang po yung pera nya... kaya binalik ko..."

"Anong binalik?!" singit ng matanda, "Mandurukot yan! Tignan nyo bulsa nya, dalawang-libo ang pera ko, pero limang-daan nalang ito! Kapkapan nyo yan, chip!"

"Tignan nalang kaya natin ang CCTV?" suggestion ng guard, sabay senyas sa babae sa likod ng counter.

"Hmph! Hindi na!" biglang sabi ng matanda, "Nagmamadali ako! kailangan ng gamot ng apo ko!" Ibinulsa nya ang limang-daan at naglakad na palabas, "Ikulong nyo yan ha?!"


==============================

Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 8

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mga Kuwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon