original stories mainly of a dark nature
mga kuwentong masarap pagsaluhan sa dilim.
This is a collection of one shot short stories written in Filipino.
Ano man ang inyong piliing basahin, sana ay matagpuan ninyo ang kilabot na inyong hinahanap
====...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang Minsang Magkunwari Kaming Tagapaslang ng Dragon at may Dragon Ngang Sumugod sa Amin
(that time we pretended to be dragon slayers and a real dragon actually showed up)
"Handa na ba ang lahat?" Pabulong kong itinanong kay Itok na hinihingal pa sa pag takbo.
"Oo, Tasyo, nasa posisyon na si Atong sa may gubat," pabulong din niyang sagot sa akin. "hinihintay na lang niya ako pumasok sa bayan para mag simula ng gulo."
Tumingin ako sa aking tabi kung saan tahimik na naglalaro ang aking munting anghel – ang aking pinaka mamahal ng prinsesa! Ang bituin sa aking langit! Ang sanhi ng lahat ng aking lakas! Ang –
"Oo na, Tasyo, alam na ng buong mundo kung gaano mo kamahal ang kapatid mong si Ikang, 'di mo na kailangan pang isa-isahin ang mga linya mo."
"Alam nyo na ba ang gagawin?" tanong kong muli kay Itok.
"Papasok ako ng bayan na sugatan, tapos ay sasabihing may dragon na humahabol sa akin..." sabi ni Itok.
"Tapos ay darating si Atong na nag-anyong dragon..." patuloy ko.
"Tapos noon ay papasok ka naman at ililigtas ang bayan sa dragon."
"Tama." napangisi ako sa ganda ng aming plano. "At sa sobrang pasasalamat ay siguradong bibigyan din tayo ng reward ng mga tao sa bayan na 'to."
"Nasaan na si Orang?" tanong ko sa paligid.
"Nandito ako."
Napatingin ako sa tabi ni Ikang kung saan gumalaw ang mga ugat ng malaking punong balite na kasalukuyan naming kuta. May kakayahang mag balat-kayo si Orang. Kaya niyang gayahin ang kulay at itsura ng mga nasa paligid nya.
"Ingatan mong mabuti ang kapatid ko," sabi ko sa kanya. "Pu-puwesto na kami sa bayan." Hinarap ko ang aking munting bituwin. "O Veronica! O Ikang ng aking buhay, aalis muna ang kuya para mag-trabaho." Ngumiti sa akin ang aking kapatid, tila isang bulaklak na namumukadkad ang ganda.
"Bye-bye kuya!" niyakap niya ako, sabay halik sa aking pisngi.
"Ahh! Napaka lambing talaga ng aking anghel!"
"Tasyo, iniwan ka na ni Itok..." Paalala ni Orang.
"Ah, oo nga pala." Pilit kong tinalikuran ang aking kapatid na nakakapit pa rin sa aking binti. "Siya, mauna na muna kami. Ikaw na ang bahala kay Ikang."
Pag pasok ko ng bayan ay nagkakagulo na ang lahat. Isang malaking dragon ang maaaninag sa dilim, mataas pa siya kesa sa mga kubo sa paligid.
"Aba, mukhang ginalingan ni Atong ang abilidad nya ngayon ha? Ang laki ng dragon na ginawa niya!"
Kaming mga mag-kakaibigan kasi ay may kanya-kanyang kakayahan. Sa daigdig na ito, may ilang mga taong pinapanganak na may kapangyarihan na kagaya ng mga enkantong namumuno sa amin. Si Orang na nag babalat-kayo, si Atong na nag iibang-anyo, si Itok na nakakapag pakita ng iba't ibang ilusyon, at ako na may kakaibang kalakasan.