Dahil Mahal Kita -- Revised (teaser)

20 1 0
                                    



Dahil mahal kita, gagawin ko ang lahat, bumalik ka lang sa akin.

Kaya hindi ako nagdalawang isip nang nakasagap ako ng balita tungkol sa matandang katiwala sa bakanteng lote sa tabi ng bahay 'ko.

Kakalipat lang nya, mga tatlong buwan na ang nakalipas. Sabi ni mang Joey sa may tapat, may pagka-wirdo daw yung matandag yun, bihirang lumabas, at 'di pa makatingin ng diretso tuwing kinakausap.

May naikwento rin si Pareng Egay na lasengero sakin.

Pauwi na raw sya minsan ng madaling araw, nang may naaninag syang malaking aso na nakaupo sa tapat ng bahay nila aling Jenny na buntis.

'Di daw nya ininda yung aso ng una, kaya lang nung medyo malapit-lapit na sya, napansin daw nya na parang iba yung korte ng aso.

Pumulot daw sya ng bato para paalisin yung aso, at nasapol ito sa ulo, nang bigla daw humarap sa kanya yung mukha.

"Putcha!" Napa mura daw sya sa takot! Tao pala yun, hubo't-hubad, pero nababalot sa balahibong itim! Nawala daw bigla pagka-lasing nya!

Sumingasing daw yung aswang, tapos tipong tatalunin sya, kaya kumaripas sya ng takbo. Hinabol daw sya ng aswang, naririnig pa nya yung hingal at singasing nito. Sa sobrang takot, nahulog sya dun sa malaking open canal sa kanto, at kahit ano pa raw ang gawin nya, 'di sya makaakyat palabas!

Akala daw nya katapusan na nya! Nanginginig daw sya sa takot, hanggang sa mapansin nya na tahimik na sa paligid. Sa huli, pag-akyat nya sa canal, basa ang pantalon nya kahit matagal nang hindi umuulan.

Pagka-kwento sakin nun ni Egay, naisip ko bigla yung matanda sa kabilang lote. Dati naman kasi walang ganyan sa lugar namin, eh, oo nga't maraming tambay dito, pero harmless naman kami.

Maliban dun, may iba pa akong naisip – sa probinsya kasi namin, may nakatira dating magaling na mambabarang. Sabi nila magaling din daw sya sa mga gayuma at sa pagpapabalik ng mga kumakaliwang asawa, at kaya daw sobrang galing, eh dahil may lahing aswang. Kaya naisipan kong pagmatsagan mabuti yung matanda.

Kabilugan ng buwan ngayon, malamang ngayon 'to mag kalat ng lagim. Handa ako, ba, maraming nag titinda ng page sa pier, at dalawa na binili ko panigurado.

'Di kataasan ang pader sa pagitan ng loteng binabantayan ng matanda at ng bahay ko. Nang mag a-alas-dose na ng hating gabi, sinilip ko sya sa kabila. Walang tao. Mukhang naghahanap nang mabibiktima. Nag ober-di-bakod ako dala ang dalawang buntot pagi at naghanap ng matataguan.

'Di ko alam kung katagal ako doon, nang may narinig akong kumaluskos.

Tumingin-tingin ako sa paligid, nang masanay na yung mata ko sa dilim, may nakita akong parang anino ng tao sa may puno ng saging sa likod bahay. Naka squat sya sa lapag at may dala-dalang kung ano na hinihimas-himas nya. Pilit ko pa syang inaaninag ng may narinig akong tunog na parang taong naglalaway. Sakto naman lumabas yung buwan, at nakita ko sya ng mas mabuti.

Maitim sya, hindi lang basta anino. Naka hubo't-hubad sya, tulad nung kwento ni pareng Egay, at nababalutan ng itin na balahibo. Naka bukang malaki yung bibig nya, na para bang bali ang panga nya, tumutulo ang laway nya, at pilit nyang ipinag kakasya yung ulo ng isang bata sa loob ng bunganga nya.

Kinilabutan ako mula batok hanggang sa tuktok ng ulo ko at sa balahibo sa 'king paa.

Akala ko 'di ako makakatayo non, sobrang lakas kasi ng nginig ng katawan ko, eh, pero nagawa kong tumayo at tumalon sa kanyang harapan.

"Ano yang dala-dala mo?!" Sigaw ko sa aswang.

Ang gulat nya, nanlalaki ang pulang mga mata at napa-gapang sya patalikod. Pero di nya binitawan yung bata na naka subo pa rin sa malaking bunganga nya.

Hinampas ko sya ng buntot pagi sa braso. Sumingasing sya at nabitawan yung bata na dumulas mula sa bunganga nyang naglalaway.

Hinatak ko agad ang bata palayo. Buhay pa, humihinga pa e, pero tulala.

"Anong ginagawa mo sa bata?" tanong ko sa kanya habang naka-ambang mamamalo ng buntot pagi, "Aswang ka no? Kakainin mo sya ano?"

"H-hinggdiii..." singasing nung aswang, mukhang hirap syang magsalita dahil sa laki ng bunganga nya. "Hingggdiiii bahtaaah..." sabi nya.

Napa tingin uli ako sa bitbit ko.

Laking gulat ko nang makita kong isang malaking isda pala yung dala ko!


==============================

Basahin ang buong kuwento sa Librong Itim Vol. 8

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide.

'Librong Itim 8' is available in Precious Pages stores (physical and online) as well as in Lazada and Shopee and other major bookstores nationwide

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mga Kuwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon