Tour

0 0 0
                                        

TORI'S POV

In all fairness kay Darryl, okay naman sya kasama, at magaling talaga syang tour guide.

Antok na antok ako pero kinakabahan ako sa daanan. May nakita pa kaming collision ng bus and motorcycle sa Nueva Vizcaya kanina, ang dilim ba naman kasi dun, sa sobrang lakas ng impact, as in my gosh yung naput0l na part ng body nya, sa malayo na nakita! Hayyy sorry about that. Dahil dyan, hindi na ako makatulog.

How about matulog ka na muna. Do not worry, I know kuya Ronie, dati ko din syang partner sa previous agency where I work, so I know.

Nagpatugtog si kuya ng mga 80s and 90s songs after. Doon ako inantok. Mahaba pa ang byahe kaya sana mawala na ang kaba ako at makatulog na.

Dumating na kami doon, umaga na. Pinagpahinga na muna namin ang mga tourist kasi mga hapon pa naman daw magsisimula mag tattoo session si Apo. Meanwhile kami ni Da, nag prep na for lunch.

Yes, part nito na magluto kami which is wala namang problema sa akin. Marunong naman ako but not necessarily magaling. Decent naman mga lasa ng luto ko at sure ako na hindi ako makakalas0n ng tao haha!

Nag kwentuhan muna kami while eating breakfast and making mice en place. Pinoy na pinoy kumilos si Da. Well sorry naman, ngayon lang kasi ako nagkaroon ng colleague na may lahi so may pagka ignorant ako sa part na yun.

Nagising na ang mga tourist at sabay-sabay na kaming kumain. Ang mga 1st ever clients namin are a group of friends in ages 20-26 na foreigners and may dalawang pinoy na kasama. Remote workmates pala sila from various countries and they decided na sa Pilipinas mag start ng 1st ever annual travel nila. Nagpaiwan daw ang boss nila because he's not a fan of uphill climb at sumasakit na nga ang mga tuhod. Biro pa nila, nasa mid-30s pa lang daw yun at madami na raw kaagad na sakit sa katawan.

What happened today is nagpa-tattoo muna sila sa mga tiga roon before kay Apo. Hindi tulad ng mga nakikita natin sa TV, Apo can only do three dots na lang dahil na rin sa katandaan. They commended them kasi ang gagaan ng mga kamay nila. May nakita pa nga akong nasa senior high pa lamang pero sya ang pinaka in-demand dahil sa bilis at linis gumawa, at sa gaan ng kamay na almost they didn't feel pain.

Interested to have a tattoo?

Ah no, thanks. Ayoko sa mga tusok-tusok. Injection pa nga lang takot na ako e. Ikaw ba meron na dito?

Wala pa. But we'll see, baka soon, ma-convince ko na ang sarili ko.

After the session, hinayaan na namin sila on their own at tomorrow, sa Sagada na ang punta namin. Pupunta daw kami sa isang pottery place, Marlboro Hills and Lemon Pie House, among others.

I went sa tindahan na may rent-a-wifi. Nag cha-chat si Ice sa akin about his whereabouts pero hindi naman nya ako finlood ng message. Nag message na rin ako sa kanya, sa parents ko pati na din kay Nanay na nakarating na ako and I'm safe.

To be honest, hindi ako nakaligo ng maayos. We're using a restroom na walang heater and sobrang lamig ng tubig! What's good is ang sabi ng local doon is galing sa ilog ang tubig, na same source ng panligo at inuming tubig... Pero hindi ko talaga kinaya ang ligo. Sa Sagada na lang, may heater daw yung transient doon.

---

Maaga kami umalis sa transient papuntang Marlboro Hills. 4 AM nandoon na kami. Sobrang lamig! Buti na lang pagdating namin doon, may mga tindahan ng kape at cup noodles. Maputik ang dinaanan namin kasi umulan kagabi, we're glad na nagpakita ang haring araw at nakita namin ang sunrise with the sea of clouds. What a surreal experience! Afterwards, nag breakfast, went to the remaining spots sa Sagada and ended the day with bonfire at kwentuhan. Nagdala ang may ari ng transient ng mga alak pero hindi na ako uminom at natulog na.

The next day, sa Banaue naman kami. But before kami umalis, binigyan kami ng owner ng mga halaman na nasa garden nila, sana lang mabuhay ang mga 'to sa Manila knowing na mainit ang panahon doon.

Lagay mo sa ref!

Baliw!

Maigsi lang ang tour namin sa Banaue, nag picture with the locals, dumaan sa upside-down house at nag kape na rin, at bumili ng souvenirs. Since first time ko mag tour dito, bumili na din ako para kila Tita at sa parents ko. Binilhan ko na rin yung mga farmers ng souvenir shirt. Nakabili rin ako doon sa Sagada. Bumili din ako ng lemon pie para matikman ni Ice pagkita namin.

Sa isang araw pa ako pinapapasok ni Ms. Kath, buti na lang kasi sumakit ang binti ko. Sanay naman ako sa matagal na pag tayo at paglakad but obviously, di ako naging ready walking uphill.

Next time kasi, wag mamili ng equipment sa gym!

Just wait Darryl, next tour ko dito I will be better!

Better lang? Do your best!

--

Finally! Nakauwi na rin ako at makakapag pahinga! Whew! But honestly, hindi lang mga tourist ang nag enjoy, pati na rin ako. Oh, the previlage!

Nilagay ko na sa ref ang lemon pie, pati na rin ang halaman at baka mabigla sa init ng panahon. Natatawa ako sa sarili ko, I really prepared myself physically para sa akyatan, pero iba pala pag uphill so next time, I'll try the stair climber naman. Alam ni Da na hindi ko pinapansin yun whenever nasa gym kami kaya nagsisisi tuloy ako. Though nagagawa ko naman sya sa treadmill, I still need talaga to use it.

After all ng ligpitan, humiga na ako and itinaas ko ang legs ko on stack of pillows until I fall asleep.

---

There is someone frantically knocking on the door. I checked my phone, almost 10 minutes pa lang akong tulog. My gosh, sino naman to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last ChanceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon