08

690 20 0
                                    

Chapter 08
3rd Person's POV
"Anong ginawa ko! Levi! Pag-usapan natin ito! Ilang years ba tayo itatapon mo na lang iyon!" sigaw ni Daniel at hinahawakan sa braso ang babae. Hinila ni Levi ang kamay at tinaasahan ng kilay si Daniel.

"Ako pa nagtapon? Hindi mo 'man lang iyan naisip noong gumugulong ka sa kama kasama ang ibang babae," ani ni Levi. Sumama ang timpla ng mukha ni Daniel. Sinabi nitong sige makipag-break si Levi.

"Babalik ka din naman sa akin," ani ni Daniel. Inirapan siya ni Levi at tumalikod. Bago umalis bahagya siyang lumingon kay Daniel.

"By the way ibalik mo na ang susi ng condo at kotse na binigay ko sa iyo last anniversary natin," ani ni Levi. Nalaglag ang panga ni Daniel matapos marinig iyon— taas noo na umalis doon si Levi at tinahak ang daan patungo sa building kung saan ang next class niya.

Levi Everell, she always make a decision according to her plan and principles. First love niya si Daniel and first boyfriend— gusto niya si Daniel na maging first and last kaya kahit may isa't kalahating gago si Daniel ay pinagtatiyagaan niya ito.

Itinaas ni Levi ang kamay matapos may tumama sa pisngi niya ang sinag ng araw. Nakatayo siya ngayon sa lilim ng puno at nakatingin sa liwanag.

"Kahit papaano gumaan din ang pakiramdam ko," ani ni Levi. Hanggang sa maya-maya may naramdaman siyang mainit na likido sa pisngi niya. Bumaba iyon hanggang sa pisngi niya.

Napatigil si Levi may nag-abot kasi sa kaniya ng panyo na may design na bunny.

Napatingin si Levi sa nag-abot— nakita niya si Jasper. Kinuha iyon ni Levi at ipinunas sa pisngi niya.

"Anong gingawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ni Levi. Ngumiwi si Jasper at lumingon. Tinuro niya ang cafeteria at iyong mga kasamahan niya na papalabas ng cafeteria.

"Hindi kita sinusundan. Galing akong cafeteria kasama mga friends ko galing sa art room," ani ni Jasper. Lumingon si Levi. Nakita niya na puro babae iyon at tinatawag si Jasper.

"Playboy ka talaga," ani Levi. Napangiwi si Jasper at sinabing hindi siya playboy.

"Bahala ka nga diyan," ani ni Jasper at tumalikod na. Lakad-takbo ni Jasper na tinungo ang grupuhan. Bago pa si Jasper makarating sa gitna— lumingon si Jasper kay Levi na ngayon ay nakatingin sa panyo na hawak.

"Levi," tawag ni Jasper. Napatigil si Levi at napaangat ng tingin. Narinig niyang tinawag siya ni Jasper at kilala siya nito. Ngumiti si Jasper.

"If you feel uncomfortable o may bagay kang hindi gusto— just say it,  don't do it and if you feel want to give up— just give up. Don't ever hesitate and let yourself free," ani ni Jasper bago tumalikod muli at tumakbo. Kumakaway na lumapit si Jasper sa mga kasamahan at nag-sorry dahil natagalan siya.

"I guess tama ang desisyon ko," ani ni Levi at pinako ang tingin kay Jasper. "Wala na akong rason para bumalik kay Daniel," ani ni Levi. Hinawakan ni Levi ng mahigpit ang panyo. Nakita ni Levi na tumawa si Jasper at napalibutan ng mga babae.

Before lunch,
Iniunat ni  Jasper ang mga braso. As usual siya na naman ang naiwan sa classroom. Minasahe ni Jasper ang balikat niya.

Inayos ang jacket niya na maroon — this time nagsuot siya ng jacket na walang hood. Lagi kasing hinigila nina Levi iyong hood niya kapag nakakasalubong niya iyong apat.

Napahawak si Jasper sa mahaba niya ng bangs. Wala siyang dalang ipit— kinuha ni Jasper ang bag niya at maghahanap sana doon kahit rubber bond nang may makapa siyang hairband. Manipis lang iyon at stainless.

Naalala niya na binili niya iyon sa ale na nasa labas ng university. Hindi naman siya mahilig doon ngunit naaawa siya sa matanda dahil kahit pagabi na nagtatrabaho pa din.

Sinuot niya iyong hairband. Lahat ng buhok niya nadala. Walang ipit kaya iyon na lang ang ipanghaharang niya sa buhok.

"Oh my gosh! Ang cute mo Jasper! Look girls!"

Napangiwi si Jasper matapos siya palibutan ng mga kasamahan at kuhanan ng litrato. Natawa na lang si Jasper at sinabing bumalik na ang mga ito sa table.

"Wala ka ba talagang gamit na skin care? Gosh, napaka-natural ng skin mo."

Pinisil pisil ng mga babae ang pisngi niya. Hindi na siya nasanay. Pinagkakaguluhan si Jasper ng mga girls— napatigil ang mga ito matapos may tumikhim.

Nandoon si Vesta kasama sina Ceres. Naglakad ang mga ito papasok ng room. Inutusan ni Levi ang mga babae na umupo na.

Nagkani-kaniyang balik ang mga babae sa upuan. Napatingin ang apat kay Jasper— namula si Jasper at umiwas ng tingin.

Bigla siyang nahiya— iyong sa mga babae sa classroom kanina tinitigan siya ng ganoon hindi naman siya nahiya bakit kina Ceres tinatamblahan siya ng hiya. Na conscious siya bigla sa tiyura niya.

May mga sinabi lang si Ceres about sa schedule ng competition na gaganapin one week from now. Lahat sa classroom na iyon kinakabahan at the same time nae-excite.

Nagpaalam na sina Ceres after ng ilang words about sa competition. Naiwan si Vesta at lumapit sa table niya na malapit kay Jasper.

Tahimik lang doon— ganoon ang nangyayari kapag nandoon si Vesta o isa sa mga miyembro ng student council.

Nakatingin si Jasper kay Vesta na ngayon ay nagi-start na mag-paint. Lumingon sa kaniya si Vesta. Napaayos ng upo si Jasper at agad na kinuha ang pallet niya para mag-start na nag-painting. Namumula ngayon ang tenga ni Jasper. Napangisi si Vesta at tiningnan ang board na nasa harapan niya.

"Patapos ka na?" tanong ni Vesta. Siya lang naman nasa side ni Vesta kaya alam ni Jasper na siya ang kausap nito.

"Medyo, i think mga 3 or 4 days tapos na ito," ani ni Jasper. Sinabi ni Vesta na bagay kay Jasper ang hairband. Napatigil si Jasper at lumingon. Nasabi na ba ni Jasper na pang-model nag datingan ni Vesta at natural beauty. Walang suot na kahit anong make up si Vesta ngunit lutang na lutang ang natural flaw skin nito, red lips at mahabang mga pilikmata.

"Wala kang matatapos kung titigan mo lang ako," ani ni Vesta at nakangising lumingon kay Jasper. Nanlaki ang mata ni Jasper at natarantang tumingin sa board na nasa harapan niya at nag-sorry. Pulang-pula ngayon si Jasper— hindi niya kasi napansin na nakatitig ma pala siya kay Vesta.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon