Chapter 28
3rd Person's POV
"Lighter?"Napatigil si Ceres na hinahanap ang lighter sa suot niyang skirt. May nagsindi ng lighter. Lumingon si Ceres at nakita niya si Desiree. May hinihithit din itong sigarilyo.
Kinuha iyon ni Ceres at nagsindi ng sigarilyo. Binalik kay Desiree na agad naman kinuha ng babae.
Nakasandal sa poste si Ceres habang di Desiree ay nakasandal sa kotse.
"Naninigarilyo ka. Hindi ka pagagalitan ng parents mo?" tanong ni Ceres. Napangiwi si Desiree at ibinaba ang sigarilyo niya.
"Si dad ang strict hindi sina mommy. Kahit sina ate naninigarilyo hindi lang talaga sa harap ni dad dahil siguradong pare-pareho kaming matatanggalan ng allowance," ani ni Desiree. Hindi na umimik si Ceres.
"Ayaw ni Jasper ng lasa ng sigarilyo either nakakaamoy. Last time na nakita niya ako nanigarilyo almost 4 months niya ako hindi pinansin," ani ni Desiree. Nabitawan ni Ceres ang sigarilyo niya matapos marinig iyon. Nahulog ang sigarilyo ni Ceres sa sahig. Natawa si Desiree.
"Niloloko mo ba ako?" tanong ni Ceres na napa-pokerface. Sinabi ni Desiree na hindi.
"Natawa lang ako dahil sa expression mo kanina. Para kang nakakita ng multo pero totoo iyon," ani ni Desiree. Kinuha ni Ceres ang isang candy sa bulsa niya at kinain iyon.
"Hindi ako makapaniwalang kakambal ka ni Jasper," ani ni Ceres. Sinabi ni Desiree na hindi lang si Ceres ang hindi makapaniwalang kakambal siya ni Jasper.
"Hindi ko nga din alam kung bakit ko naging kakambal ang gunggong na iyon," ani ni Desiree at nagpatuloy sa paghithit ng sigarilyo.
"Hindi ko din alam kung bakit interesado kayo kay Jasper like wala naman ako nakikita sa sira ulo na iyon. Pa-baby masyado at walang kayang gawin kung hindi mag-akto na cute. Malakas pa ako doon physically," ani ni Desiree. Sinabi ni Ceres na totoo iyon.
"Wala kayong tinira na tapang kay Jasper," ani ni Ceres na natatawa. Malinaw na nakikita ni Ceres ang pagkakaiba ni Jasper sa mga kapatid niyang babae.
"Pero iyon siguro ang reason bakit namin siya nagustuhan. Who knows, hindi ko din alam bakit ako nandito at sa dami ng lalaki si Jasper pa," ani ni Ceres habang nakasandal sa poste. Tumingin si Desiree.
"Ayan din ang laging sagot sa akin nina mommy at nina Destiny kapag tinatanong ko sila," ani ni Desiree. Nagpatuloy sa paghithit si Desiree ng sigarilyo at tumingin sa medyo madilim na langit.
"Ate, nakita mo si Ceres?" tanong ni Jasper. Napaayos ng tayo si Desiree at naitapon ang hawak na sigarilyo. Napalingon si Ceres.
"Wala ba sa loob?" sagot ni Phinea na nakaupo sa hood ng sasakyan niya at umiinom ng beer.
"Wala," sagot ni Jasper at lumingon-lingon. Sinabi ni Phinea na baka nagpapahangin lang. Wala din si Desiree at baka magkasama ang dalawa.
"Hahayaan mo mag-stay dito sina Lucinda?" tanong ni Phinea kay Jasper. Sinabi ni Jasper na hindi.
"Nakausap ko sina mommy magi-stay sila sa mansion dito lang din sa pampanga," sagot ni Jasper. Kinuha ng lalaki ang phone niya.
"Balak ko na din mag-transfer ng school para makasama mo sina Ceres," ani ni Jasper. Napataas ng kilay si Phinea at tinanong kung payag ang parents nila.
"Yes hindi din tumutol si daddy. Feeling ko pinalalayas na nila ako," ani ni Jasper na ngayon ay naka-pokerface.
"Noon ka pa naman pinalalayas ayaw mo lang talaga umalis kasi sabi mo hindi mo kasama si Fider," ani ni Phinea. Namula si Jasper at sinabing huwag iyong ipaalala.
"Bakit? Wait— sure ka na ba talaga? Aalis ka ng mansion?" tanong ni Phinea. Sinabi ni Jasper na oo.
"Sabi din ni daddy lalaki ako. Dapat pagtungtong ko ng 18 nagi-start na ako patagin iyong mga plano ko sa buhay. Actually, worried ako pero tuwing naiisip ko na hindi lang iyon para sa akin para din kina Ceres nagkakaroon ako ng lakas ng loob at mas magsikap pa."
Natawa si Phinea at sinabing ayaw niya din umalis si Jasper sa bahay. Balak niya din nga kausapin si Jasper.
"Ngayon narinig ko ito at mukhang mas makakabuti nga sa iyo nasa labas ka— sige, support na lang kita. Worried lang talaga kami sa iyo since weak ka nga, hindi marunong magdesisyon para sa sarili mo pero siguro dapat magtiwala kami sa iyo," ani ni Phinea at tumayo. Naglakad palapit kay Jasper at tinapik ang balikat ng kapatid.
"Goodluck little bro. Malaki ka na nga talaga," ani ni Phinea. Nilampasan niya si Jasper at pumasok na sa loob.
"Jasper."
Lumingon si Jasper. Nakita niya si Ceres na naglalakad na palapit sa kaniya. Nasa likod ni Ceres si Desiree. Napataas ng kilay si Jasper at tinanong si Desiree kung saan ni Desiree binitbit ang girlfriend niya.
"Gago tingin mo sa akin. Nagkwentuhan lang kami ng kaunti. Ikaw mawala lang sa paningin mo sina Ceres ikot na iyang pwet mo," ani ni Desiree at inirapan si Jasper. Tatawa-tawa lang si Ceres matapos tangkain ni Jasper hilahin ang buhok ni Desiree.
"Ang lamig dito sa labas tapos ganiyan lang ang suot mo," ani ni Jasper at hinawakan ng kamay ni Ceres para ayain ito sa loob.
"Narinig kita kanina. Magta-transfer ka at aalis sa puder ng family mo?" ani ni Ceres. Napatigil si Jasper at lumingon. Hindi si Ceres nagpapahila papasok sa loob.
"Bakit?" tanong ni Ceres at iniangat ang tingin. Nagtama ang mata nila ni Jasper.
—
Pumunta sina Ceres at Jasper sa garden. May maliit na pond doon. Sinabi ni Jasper na para makasama sina Ceres."Pumayag din naman sina daddy as expected," ani ni Jasper. Tumingin si Ceres at tinanong kung ayos lang iyon kay Jasper.
"Why not? Kasama ko kayong apat at isa pa hindi naman pwede na habang buhay ako nakasandal kina mommy," ani ni Jasper. Sinabi ni Jasper na may usapan sila ng daddy niya.
"Kapag nagpakasal ako wala akong makukuhang kahit na kaunti sa kanila nina mommy. Bata pa lang ako sinabi na iyon sa akin ni daddy kaya daw dapat magsumikap ako. Susuportahan nila ako hanggang sa makatapos ako susundin nila lahat ng luho ko habang wala pa akong asawa," ani ni Jasper. Sinabi ni Ceres na hindi niya alam na ganoon ka-strict ang parents ni Jasper.
"Way lang siguro nila iyon para madisiplina kami at maturuan. Katulad ng kina ate— sina ate Phinea— kapag may mga boyfriend na sila bawal na ang hangout, clubs at barkada. Kaya nga siguro hanggang ngayon wala silang dini-date," ani ni Jasper na natatawa. Napatingin si Ceres.
"It's mean kapag umalis ka sa puder ng family mo—"
"Magi-start na ako isipin ang future at mga bagay na makakabuti sa ating lima. Magiging independent ganoon," ani ni Jasper. Lumingon si Jasper at tiningnan si Ceres.
"Huwag mo na isipin iyon. Desisyon ko iyon isa pa ayokong tawagin niyo akong mama's boy noh. Gusto ko maging responsableng asawa in future," ani ni Jasper na natawa. Nakatitig kang si Ceres kay Jasper at bahagyang napangiti matapos marinig iyon.
"Kahit hindi ka gaanong mag-effort magiging responsable kang asawa," ani ni Ceres na natatawa. Sinong aakalain na makakapagsalita siya ng ganoon at manggagaling iyon sa mismong bibig ni Ceres na ni minsan hindi naisip mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Strange Tides
Genel KurguBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...