Chapter 14
3rd Person's POV
"Masyado ng malamig basa pa kayo. Bakit kasi nag-swim suit kayo mga hindi naman kayo nagdala kahit towel," ani ni Jasper. Bumahing si Ceres. Mas lalong nairita si Jasper. Iniiwasan ni Vesta matawa kasi iyon ang unang pagkakataon na nakita nilang mairita si Jasper."Doon muna kayo sa loob ng kubo. Medyo malayo dito ang cottage kukuha ko kayo ng makakapal na towel."
Sinabi ni Lucinda na huwag na. Nilingon sila ni Jasper. Naitikom ni Lucinda ang bibig. Salubong kasi ang kilay ni Jasper at halatang naiinis ito.
Hinila ni Jasper si Ceres at Lucinda patungo sa kubo malapit sa pool area. Sure naman siya na hindi gaanong humahampas doon ang hangin.
"Babalik agad ako— diyan lang kayo," ani ni Jasper. Nang makapasok sina Lucinda sa loob tumakbo na si Jasper palayo.
"Gosh, pigilan niyo ako. Mahahalikan ko si pumpkin. Paanong cute siya sa lahat," ani ni Lucinda habang hawak ang bibig. Natawa si Levi. Parang tatay kasi si Jasper kanina at ayaw sila payagan mabasa ng ulan.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Vesta kay Ceres. Napalingon si Levi.
"Paanong parang toro ka palagi kung umatake sa mga ka-schoolmate natin sa university tapos kaunting lamig lang sinisipon ka na," ani ni Levi. Bumahing si Ceres. Natawa lang si Vesta.
"Uy ayan na si pumpkin!"
Natawa sila kasi lahat iyon roba at yakap-yakap ito ni Jasper habang tumatakbo patungo sa kubo.
Noong makalapit si Jasper habol hininga nito na inabot sa apat iyong mga roba. Makakapal iyon at siguradong mababalutan sila. Napatigil ang apat at tinanong kung bakit puro buhangin ang braso ni Jasper at short.
Napatigil si Jasper at napatingin sa sarili. Nahihiyang napakamot sa likod ng ulo si Jasper at sinabing nadapa siya kanina.
"Idiot, hindi mo naman kailangan tumakbo para dalhin lang sa amin ito," ani ni Vesta matapos masuot ang roba. Ngumiti lang si Jasper ng malapad at sinabing bumalik na sila.
Tumalikod si Jasper at tinanggal ang mga buhangin sa braso at yumuko. Pinagpagan niya din ang mga tuhod.
Napatigil si Jasper matapos may yumakap sa likod niya at pinatong ang baba sa balikat ni Jasper.
"Huwag kang masyadong mabait. Baka ma-fall kami sa iyo. Wala ka ng kawala."
Nabato si Jasper sa kinatatayuan. Alanganin tumawa si Jasper at sinabing huwag magbiro ng ganoon si Ceres.
Medyo lumayo siya sa apat. Buti na lang medyo madilim doon kaya sure siyang hindi nakikita ng apat ang namumula niyang mukha.
"Sinong nagbibiro?" tanong ni Ceres. Napatigil si Jasper. Sinabi ni Lucinda na alam nila na type sila ni Jasper at sinabing okay lang sa kanila kahit anong set up.
"Ano— it's ah— kakaiba ako. This is kind of insane but— meron akong mga kakaibang hobby at wala din akong gaanong kayang gawin specially sa mga house chores. I don't know kung magagawa ko bang maging mabuting boyfriend sa inyo o deserve niyo ako. Hindi ako athletic type, hindi ko kayo maipagtatanggol kung may mga mambu-bully sa inyo, mahina ang katawan ko, lampa tapos— mas mukha pa akong babae sa inyo."
"Sino sa atin ang may alam sa ganito?" tanong ni Ceres. Nilingon si Vesta. Napataas ng dalawang kamay si Vesta.
"Need pa ba niyo ng speaker, tangna niyo," ani ni Lucinda. Napa-pokerface si Levi.
"Hindi mo naman need i-explain iyan sa amin. Isa pa— ang mahalaga lang naman mutual ang feelings natin hindi ba? Hindi mahalaga kung magbe-blend ba ang personality natin lima o magiging mabuti ka bang boyfriend— as long as magtutulungan tayo para mag-work out ang relasyon na ito walang magiging problema," ani ni Levi. Napa-palakpak si Lucinda.
"Ahm, masyadong mabilis—"
Napakamot sa pisngi si Jasper at umiwas ng tingin. Hindi nga niya alam kung paanong nagustuhan siya ng apat at dumating sa puntong papayag sila sa ganoon na set up.
"It's okay hindi naman kami nagmamadali. Take your time," ani ni Levi. Umapila si Lucinda.
"No! Gusto ko na maging boyfriend si Jasper!" ani ni Lucinda. Napa-pokerface si Vesta.
"Paladesisyon ka?" tanong ni Vesta. Sinabihan ni Ceres at Levi na itikom na lang ni Lucinda ang bibig niya.
"But excited na ako pumasok iyong hotdog ni Jasper sa pempem ko."
"Feel ko malaki eh," bulong ni Lucinda kina Ceres. Namula ang tatlo.
"Lucinda Everell!"
Namula ang mukha ni Jasper kalaunan ay natawa matapos makitang namumula sina Ceres at sabay na sinigaw ang pangalan ni Lucinda.
Careless, reckless at clumsy siya madalas. Natatakot siya sumubok ng mga bago dahil takot siya magkamali. Paano kung maraming magalit, paano dumating iyong time na matapos ang araw na ito at hindi na nila kilala si Jasper. Nilalamon si Jasper palagi ng what if ngunit nang makilala ni Jasper sina Ceres doon na-realize ni Jasper na hindi masama maging kakaiba, hindi masama maging masama minsan na tao, hindi masamang magalit o gumanti sa kapwa kapag na-argabiyado.
Kahit ganoon ang tiyura niya at kakaiba may mga babae pa din na tatanggap kung ano siya. Hindi masama maging second place, magkaroon ng wierd preference and hobby. May mga tao pa din na tatanggap sa iyo at mananatili sa tabi mo.
—
Kinabukasan,
Nagsuot si Jasper ng white t-shirt na pinatungan niya ng pink na polo. Nagsuot din siya ng bulaklakin na short at inipitan ang buhok.Lumabas na siya ng kwarto at pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya sina Ceres. Nakita niya sina Ceres. Naka- oversize t-shirt ang mga ito at panty.
Natulala si Jasper. Ngumisi si Ceres at tinanong kung nagugustuhan ba ni Jasper ang view.
"Oh my! Ang cute mo pumpkin!"
Tinalunan siya ni Lucinda at niyakap. Agad na namula si Jasper matapos maramdaman ang malaking dibdib ni Lucinda sa dibdib niya.
"Lucinda, tigilan mo ang habit mo na iyan sa pangha-harassed kay Jasper lalo na nandito ang parents niya. Mahiya ka," ani ni Vesta. Napanguso si Levi at niyakap ang leeg ni Jasper.
"Anong masama kung yakapin ko ang future boyfriend ko."
Sa isip ni Jasper gusto niyang sumigaw ng masama. Nagwawala na ang alaga niya tirik na tirik pa ang araw.
"Tuloy niyo lang iyan. Huwag niyo kami pansinin."
Napahiwalay si Lucinda. Napaayos ng tayo sina Ceres. Nakita nila na naglalakad palapit sa kanila ang parents ni Jasper since iisa lang naman hallway doon.
"Hoho, nababalutan ng positive energy dito," ani ni Dahlia at nakatakip ang bibig. Nilampasan niya sina Ceres na namumula.
"Ang mga kabataan ngayon napaka-productive," ani ni Paige. Ngumisi pa ito kay Jasper na sinapo ang mukha.
"Normal lang ang sex. Tao tayo eh at mga bata pa kayo. Pero huwag muna mag-anak. Mahirap mag-alaga ng mga bata— aral mun mabuti," ani Paris. Nilampasan niya din sina Ceres. Tumalikod na si Levi at humarap sa pader.
"Bakit ba ako nandito."
"Jasper, usap tayo mamaya."
Napatigil si Jasper matapos marinig ang sinabi ng ama. Nilingon ni Jasper ang ama nito na si Jackson na pababa din ng hagdan.
"Pumpkin, sorry hindi ko alam—"
Lumingon si Jasper at pinisil ilong ni Lucinda. Ngumisi si Jasper at sinabing walang ginawang masama si Lucinda.
"Balak ko din naman kayo ipakilala sa kanila in future."
BINABASA MO ANG
Strange Tides
General FictionBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...