36

919 20 1
                                    

Chapter 36
3rd Person's POV
Sinabi ni Jasper na inaantok pa siya. Naunang bumaba si Jasper ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang apat.

Naka-civillian si Jasper dahil balak niya sa university na lang bumili ng uniform isa pa pupunta din naman siya sa office para kuhanin ang schedule at school I.D niya.

"Sana magkaklase tayo para hindi boring sa room," ani ni Levi. Natawa si Jasper at sinabing sana nga may kaklase si Jasper kahit isa sa girlfriend niya.

"Posible lang naman maging kaklse mo si Levi at Vesta," ani ni Ceres. Hawak ni Jasper lahat ng bag nina Ceres— pinagtitinginan siya dahil nagmukha siyang P.A.

"Uy! Cafeteria!"

Parang bata na tumakbo si Jasper at tinungo ang cafeteria. Hinayaan lang naman siya nina Ceres at walang imik na sinundan si Jasper.

"Gusto ko dito sa cafeteria niyo may aircon tapos may ice cream," ani ni Jasper. May ilang estudyante ang natatawa. Dami kasing dalang bag ni Jasper. May nakasabit pa sa leeg niya.

"Jasper, ang aga-aga bibili ka ng ice cream?" tanong ni Levi. Lumapit siya— bumibili nga ang lalaki.

"Hindi ako nakatikim ng ice cream kaninang umaga. Ubos na stock natin," ani ni Jasper. Naglapag si Levi ng card at sinabing siya na magbabayad. Nasa bag kasi ni Jasper ang pera niya.

"Ang student councils," bulong ng mga estudyante. Pumasok sina Ceres sa loob mg cafeteria.

Inuwang ni Jasper ang spoon ng ice cream cup na hawak niya sa labi ni Levi. Sinubo iyon ni Levi ng walang tingin-tingin since nasa phone ang atensyon niya.

"Bilisan mo na samahan ka pa namin sa office," ani ni Levi. Napanguso si Jasper at sumagot ng okay. Pagkakuha ni Levi ng card niya umalis na sina Jasper doon.

"The best talaga ang strawberry flavor palagi."

Kinuha na ni Jasper ang schedule, books, I.D, locker's key niya at uniform sa opisina. Si Vesta ang kaklase. Sinabi ni Levi ang sarap magpalipat ng room. Natutuwa si Jasper dahil may isa nga siyang kaklase sa mga girlfriend niya.

"Breaktime at lunch sabay-sabay naman tayo  kakain," ani ni Jasper. Nakasimangot kasi sina Levi kahit sina Ceres at Lucinda na mas matas ang grade level sa kaniya na imposible maging kaklase niya.

Nagpaalam na sina Ceres. Sinabing kita-kita na lang sila kapag breaktime. Medyo kabado si Jasper dahil feeling niya first day of school niya ulit.

Pumasok si Jasper sa room since naunang pumasok si Vesta. Saktong nasa loob ang mga teacher. Maraming lalaki ang natawa matapos makita si Jasper.

Nakasuot kasi ng pink sweater si Jasper tapos hairband ngunit wala ng pakialam si Jasper.

"Mr.Ortega, masaya ako dahil tinanggap mo ang offer ng university namin at nag-transfer ka dito," ani ng teacher at napaayos ng tayo matapos makita si Jasper.

Iniimporma ng dean ang mga teachers about kay Jasper. Sinabi pa ng teacher na maswerte ang klase niya ngayong year.

Nasa room ba naman nila anv first at second place noong last  art competition isama pa na maganda ang mga grado ni Jasper. Ngumiti si Jasper at nag-thank you.

Nagpakilala si Jasper at nagsabi ng ilang bagay tungkol sa sarili niya.

"Bakla."

Nagtawanan ang ilang boys sa likuran. Sinabi kasi ni Jasper na hilig niya magtahi at sa make up bukod sa pagpipinta.

Hindi sila pinansin ni Jasper. Pinauupo na siya ng teacher. Nakita ni Jasper na walang katabi si Vesta at sabi nga nito tabi sila.

Natutuwang lumapit si Jasper sa row kung nasaan si Vesta. Nasa last row ito malapit sa bintana.

Napatigil si Jasper at agad na napadapa sa sahig matapos may naghara ng paa sa daanan niya.

"Mr. Ortega! Mr. Ramos! Ano sa tingin mo ginagawa mo!" sigaw ng teacher. Nagtawanan ang mga kabarkada ng lalaki. Tumayo ang lalaki at sinabing hindi niya sinasadya.

Tumayo si Jasper at kinuha ang mga gamit niya. Pinagpagana ang suot na pantalon. Nilingon ni Jasper ang lalaki.

Nagulat siya matapos may lumipas na makapal na libro sa gilid ng ulo ng lalaki. Natumba ang lalaki napasigaw sa sakit.

"Sinong may gawa 'non!" sigaw ng lalaki at lumingon. Napatigil ang lalaki matapos makitang nakatayo si Vesta at may hawak pa na isang libro.

"Oops, sorry. Hindi ko sinasadya. Dumulas ang libro na hawak ko," ani ni  Vesta. Namutla ang mga estudyante matapos makita si Vesta. Hindi nila napansin kanina ang babae na pumasok.

Lumapit si Jasper kay Vesta. Lumingon si Jasper at nilabas ang dila. Inaasar pa nito iyong mga nam-bully sa kaniya.

Natuwa ang teacher dahil nga sinabing mukhang mag-kaibigan si Jasper at Vesta.

"He's a good friend anyway," ani ni Vesta na nakangisi. Napaubo si Jasper. Naramdamam niya kasi ang kamay ni Vesta sa loob ng sweater niya. Hinihimas ang tiyan niya.

Nag-start na mag-discuss ang teacher. Hinawakan ni Jasper ang kamay ni Vesta at natatawang sinabi na huwag siya molestiyahin doon.

"Wala naman nakakakita. Boring ang klase," ani ni Vesta. May harang ang bawat table— nasa likuran sila at kahit anong gawin nila doon sure sila walang makakakita.

Binitawan ni Jasper ang kamay ni Vesta at hinayaan ang babae. Napangisi si Vesta matapos makitang nanginginig ang kamay ni Jasper habang sinusubukan nito isulat ang nasa white board.

"Mukhang nage-enjoy ka sa ginagawa mo," ani ni Jasper at nilingon si Vesta na pinipigilan matawa. Naninigas na kasi ngayon ang alaga ni Jasper— sinabi ni Vesta na wala siyang ginagawa na masama. Hinihimas niya lang.

"Anong tingin mo sa alaga ko something na lucky item or what?" ani ni Jasper. Sinabi ni Jasper na hindi swerte ang binibigay ng alaga niya kung hindi baby.

Namula ang pisngi ni Vesta at agad na kinuha ang kamay. Natawa na lang si Jasper at bahagyang nilingon si Vesta na nakahalumbaba at pilit ng nagpo-focus sa klase.

Iyong next class vacant class nila. Time iyon para gawin ang projects, mag-self study mag-relax at mag-prepare sa next subject nila.

Nakahilig si Vesta sa table. Inaantok ang babae. Nakasandal si Jasper sa upuan at kasalukuyang may binabasang novel.

Tiningnan niya si Vesta. Nakapikit na ang babae at mukhang natutulog. Inabot ni Jasper ang ilang hibla ng buhok at nilagay sa likod ng tenga ng babae.

Kinuha na ni Jasper ang kamay at nagpatuloy sa pagbabasa. Maya-maya may lumapit kay Jasper na mga babae. Tinanong kung totoong kasali ito sa last art competition.

"2nd place ka? It's mean ikaw iyong guy na nakakuha ng score na sobrang lapit sa score ni Vesta. Ang galing," ani ng isa sa mga babae. Ngumiti lang si Jasper at sinabing naka-tiyamba lang siya.

Maraming babae ang pinagmaguluhan si Jasper. Maraming lalaki ngayon ang masama ang timpla ng mukha at hindi maganda ang expression habang nakatingin kay Jasper.

"Papapansin."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon