Epilogue

1.9K 39 4
                                        

Epilogue
"Mommy! Nasaan ang bag ko!"

"Mommy! I don't know how tie my shoes!"

Umagang-umaga nagkakaingay sa mansion nina Jasper. Hindi naman magkauga-ugaga sina Ceres na iniiwasang mapamura na lang.

"Mommy! I'm hungry!"

Bumukas ang pinto ng mansion. Pumasok si Jasper na galing sa business meeting nito sa Paris. Nagulat siya matapos makita ang mansion at makitang maiyak-iyak sina Ceres.

"Anong nangyari?" tanong ni Jasper. Hindi makasagot ang apat. Nawala si Jasper ng halos apat na araw para sa openning ng bagong shop niya sa Paris at nakipag-business meeting na din. Naiwan ang mga anak niya at sina Ceres sa pilipinas.

Sabay-sabay na sumigaw ang mga bata galing sa iba't ibang sulok ng mansion.

Napa-pokerface si Jasper at bahagyang niluwagan ang suot na kurbata. Sumipol si Jasper.

Nagulat sina Ceres matapos makarinig sila ng mga yabag at nagtatakbuhan pababa ang mga anak nila galing sa kung saan bahagi ng mansion.

"Anong ginagawa niyong lahat sa mommy niyo?"

Naghanay-hanay ang mga bata at kasama na doon iyong nasa 2 years old pa lang na kaisa-isang babae sa mga anak ni Jasper.

Dinampot ito ni Jasper na may nakasabit na panloob ng lalaki sa ulo.

"Hindi ba sinabi ko na magbe-behave kayo kasi ang mga mommy niyo ang magbabantay sa inyo?" ani ni Jasper. Agad na sumagot si Casimir na nagkakamot sa ulo at sinabing binibiro lang nila ang mommy nila.

"Biro?" ulit ni Jasper. Napa-pokerface ang lalaki.

"Meron kayong 10 minutes para maglinis dito at mag-prepare sa school. Sa loob ng 10minutes at hindi pa kayo nakakabalik dito— no gadgets at grounded kayong lahat," ani ni Jasper. Nanlaki ang mata ng mga batang lalaki.

"No way dad! 10 minutes? Dad—"

Nag-start na magbilang si Jasper at tiningnan ang wristwatch niya. Naglaho ang mga anak nina Jasper at magkani-kaniya ang mga itong linis sa living room, nagluluto na din si River at Duke ng breakfast nila.

Hinila nina Baron ang mommy nila paupo sa sofa at kinuha ang hawak ng mga ito na isang pirasong sapatos, kutsara, bag tapos shampoo.

Nasa edad sampung taon pababa ang anak nina Jasper. May 12 silang anak at iisa lang ang babae kaya naman pasakit sa ulo ang mga ito lalo na at karamihan sa mga ugali nito ay nakuha sa ina.

"Tara na Agepe! Swimming na tayo!" ani ni Duke. Kinuha ni Duke ang kapatid na babae at tinakbo pataas ng hagdan.

Tinanong ni Ceres kung anong nangyari. Lahat kasi ng mga anak nilang lalaki kumikilos like— hindi nila alam na marunong ang mga ito magluto,  maglinis at magbihis ng sarili nila.

"Sinabi ko na sa inyo na tawagan niyo ako kapag may ginawang kalokohan sina Conrad hindu ba?" tanong ni Jasper at lumapit sa mga asawa niya. Hinalikan niya sa pisngi ang mga asawa na muntikan na niyang hindi mga makilala.

"Jasper! Huwag ka na ulit aalis!"

Niyakap ni Lucinda si Jasper na parang bata. Natawa si Jasper dahil mukhang na-trauma sa pag-aalaga ng mga anak nila ang mga asawa.

Pagkapaanak kasi nina Lucinda halos si Jasper na ang nag-aalaga sa mga anak. Ayaw ni Jasper ma-stressed ang mga asawa lalo na at halos sabay-sabay ang mga ito nagbubuntis.

May mga work din ito kaya naman si Jasper ang laging naiiwan sa mansion para alagaan ang mga anak nila kahit may botique siyang pinatatakbo.

Hinalikan niya sa noo sina Ceres at sinabing magbihis ang mga ito

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon