42

645 18 0
                                    

Chapter 42
3rd Person's POV
Nagpaalam sandali sina Phinea. Pagkasara ng pinto tinanong ni Vesta kung anong ginawa ni Yuri sa kaniya at nasaan si Yuri.

"Hindi ko alam kung nasaan si Yuri," ani ni Ceres. Sinabi ni Ceres na binugbog siya ni Yuri at pingtangkaan siya ng masama ngunit naglaban siya. Ilang beses din siya niligtas ni Brent. Sunod-sunod na nag-sorry si Jasper. Napatigil si Ceres at tiningnan si Jasper tinanong kung bakit ito nagso-sorry.

"Wala akong magawa," ani ni Jasper habang nakayuko. Sinaktan ni Yuri sina Ceres ngunit wala siyang nagawa para protektahan ang mga girlfriend niya. Tumawa ng mahina si Ceres. Napatigil si Jasper at napaangat ng tingin.

"Ang cute mo," ani ni Ceres na nakangiti. Natawa din sina Levi. Sinabi ni Levi walang dapat ihingi ng sorry si Jasper.

"Nadala ka lang din sa magulong sitwasyon na ito. Kung wala ka at ang pamilya mo— hindi namin alam kung paanong malalampasan lahat ng ito," ani ni Ceres. Iyon ang totoo. Sila dapat mag-sorry dahil kung hindi sa kanila hindi madadawit sa gulo nila ang mga Ortega at si Jasper.

"Ha? Para saan ang sorry?" tanong ni Paris. Kaharap nila ngayon ang apat.

"Kung hindi dahil sa akin hindi masasaktan si Jasper. Nahihiya ako kasi— hindi ko naprotektahan si Jasper. Nadadala namin sa mga gulo si Jasper," ani ni Ceres. Napayuko sina Lucinda. Ang dami ng nagawa ng mga Ortega para sa kanila sa kabila 'non puro kapahamakan lang ang dala nilang apat kay Jasper

"Nahihiya na kami sa inyo," ani ni Vesta. Mabuting tao si Jasper. May kalayaan ito, maganda ang future at kung tutuusin maswerte ito sa lahat ng bagay.

Kung hindi sila dumikit-dikit kay Jasper walang masamang mangyayari dito ag hindi madadawit sa gulo ang mga Ortega at si Jasper.

"Napag-usapan na namin iyang tatlo actually. Sa ugali ni Jasper at sa inyong apat— sobrang nag-aalala kami. Hindi si Jasper katulad ng mga kapatid niyang babae na kayang gumawa ng sariling desisyon like kung iiwan mo si Jasper sa isla mamatay iyan sa gutom o makakain ng mabangis na hayop. Hindi niya kayang alagaan either protektahan ang sarili niya ibang tao pa kaya," ani ni Paige at nagkibit-balikat.

"Hindi namin alam kung kami ba ang may mali dahil masyado namin siyang ini-spoil at hindi namin siya hinahayaan humarap sa mga difficulties mag-isa like nandiyan ang mga kapatid niya para protektahan siya," ani ni Dahlia. Spoild si Jasper dahil iisa ngang lalaki.

"Nasanay siya tumatakbo sa mga problema like noong na-bully siya noong grade 6 siya— imbis lumaban sinabi niya na gusto niya mag-transfer sa ibang school without saying the reason. Hindi 'man lang siya nagsumbong sa amin o sinabi ang problema," dagdag ni Dahlia. Sinabi ni Paris na ganoon lumaki si Jasper.

"But— nagbago iyon noong nakilala niya kayong apat. Katulad ng sinabi ni Jack magbabago si Jasper once na may bagay o tao na siyang kailangan protektahan. Hindi lang naman kasi nabubuhay ang tao para sa sarili niya."

"Nagsisimula ng mag-take ng mga responsibilities si Jasper katulad ng kausapin ni Jasper si Jack about sa paggi-girlfriend niya. Iyong iniwan niya ang mansion kung saan buhay prinsipe siya like nandoon si Fider na ihahanda ang mga susuutin niya, ipagluluto siya at kami na bini-baby siya. Naalala ko noong 11 years old siya sinabi niya ba hindi siya mag-aasawa that time sinabi nga ni Jack na kapag nag-decide na si Jasper mag-asawa wala ng makukuha si Jasper na support galing sa amin," dagdag ni Paris. Natawa si Paige.

"Iyong issue nina Lucinda kinausap ako ni Jasper. Sinabi ni Jasper na kuhanin ko na lahat ng allowance niya for the 5 years pati iyong ipon niya sa bank para magbayan sa attorney at makipag- negotiations sa pamilya ni Lucinda," ani ni Paige. Na-shocked sina Ceres.

"Then noong nagising siya at nakita niya nga na nawawala pa din si Ceres halos lumuhod siya sa harap namin para hanapin si Ceres at ibalik sa kaniya," dagdag ni Paige. Ngumiti si Paige at sinabing bigboy na ang anak nila.

"Hindi si Jasper iyong tipong masyadong reckless para sumabak sa gulo ngunit tingnan niyo nangyari. Nagsisimula na siyang maging tunay na lalaki for me magandang development iyon para kay Jasper at dahil iyon sa inyong apat," ani ni Paris. Sina Ceres ang malaking alon na humila kay Jasper palabas ng comfort zone nito.

Dahil kina Ceres nakikita ni Jasper na ang tubig ay hindi basta asul, payapa,  nanatiling mababaw at hindi lang isda ang nakatira.

Sina Ceres iyong alon na either itulak ka pabalik sa lupa para hindi makalapit sa dagat o kabigin ka patungo sa gitna at hindi ka na makakabalik pa.

"Sinasabi niyo? Papakasalan ko pa kayo remember?"

Napatigil sina Ceres. Ngumiti ng malapad si Jasper at sinabing hintayin lang siya maka-graduate tapos makaipon ng maraming pera. Bibili siya ng singsing tapos isusuot iyon kina Ceres.

Napatigil si Jasper matapos siya biglang yakapin ng apat. Sinabi nina Lucinda na huwag mangako si Jasper dahil baka umasa sila.

"Hey, mga sira ba kayo? Tingin niyo sa ginagawa natin bahay-bahayan lang. Don't tell me iiwan niyo ako matapos niyo kuhanin ang virginity ko? Susumbong ko kayo kina daddy!"

Natawa si Ceres at nasampal ng mahina si Jasper matapos ito sabihin ng engot.

"Lalaki ka babae kami," ani ni Ceres. Sinabi ni Jasper na ano naman kung lalaki siya kailangan nina Ceres i-take ang responsibility at pakasalan siya in future.

"Kahit pa napapahamak ka dahil sa amin? Wala kaming magandang dulot sa iyo," ani ni Lucinda. Napatigil si Jasper at bahagyang lumayo sa apat.

"Sa tingin niyo hindi ako aware doon? Si Ceres na bayolente,si Lucinda na lagi akong hina-harassed, si Vesta na sobrang talas ng dila at si Levi na moody. Sa ugali niyo pa lang alam ko ng mahihirapan akong i-handle like— gusto ko ng simple lang na relationship at mahinhin na girlfriend liks maria clara ang dating pero wala— imposible iyon. Before ako pumasok sa ganitong relationship— expected ko na gugulo ang buhay ko at the first place may mga kapatid akong babae kaya aware akong problema talag ang mga babae," ani ni Jasper. Umamin si Jasper na minsan naisip niyang boyfriend na lang hanapin niya.

"Pero wala—  kayo ang nakaagaw ng atensyon ko, sa inyo ko pinili mag-take ng risk then nawan na ako ng pakialam sa iba pang bagay," ani ni Jasper at ngumiti ng malapit.

"Silly right— alam ko. Na-in love ako sa inyo anong gagawin ko. "

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon