39

634 18 0
                                    

Chapter  39
3rd Person's POV
Lunch break, susugurin ni Brent si Jasper nang pigilan siya ni Yuri at sinabing huwag ng gumawa ng gulo.

"Sorry, na-offend lang naman ako sa sinabi mo kaya sinumbong kita," ani ni Jasper. Maraming babae ngayon ang masama ang tingin kay Brent. Sinabi  ng class president na huwag na lang pansinin si Brent.

May kumatok sa pinto. Napatigil si Ceres na kasama si Lucinda. Napalingon ang lalaki at si Brent.

"Ate Ceres," tawag ni Brent. Agad na lumapit si Brent kay Ceres. Napatigil si Jasper matapos makitang lapitan ni Yuri si Ceres.

"Nandito ka ba para makita ako?" tanong ni Yuri. Hindi maipinta ang mukha ni Ceres at tinanong ang mga ito kung anong ginagawa doon.

"Masama ba puntahan ang fiance ko?" tanong ni Yuri. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng classroom.

Bahagyang yumuko si Yuri at nilapit ang bibig sa tenga ng babae.

"Ceres, mag-isip isip ka. Lahat ng tinatamasa mo ngayon mawawala once na magmatigas ka pa," ani ni Yuri. Hinawakan ng lalaki si Ceres at hihilahin ito paalis nang may humawak sa kabilang bahagi ng braso ni Ceres.

Napatigil si Ceres at Yuri. Lumingon si Yuri— binulyawan ni Brent si Jasper at sinabing bitawan ang pinsan niya.

Tinulak ni Brent si Jasper at napaupo ang lalaki sa sahig. Napatakbo si Lucinda at Levi palapit kay Jasper.

"Huwag ka mangialam dito kung ayaw mo masaktan," ani ni Brent. Hinila ni Ceres ang kamay niya sa pagkakahawak ni Yuri. Napatigil si Yuri.

"Ate Ceres," ani ni Brent at nilingon ang pinsan. Sinabi ni Ceres na hindi siya sasama sa mga ito.

Pilit na tumayo si Jasper. Nasa labas na sila ngayon pare-pareho ng classroom.

"Sa ayaw at gusto mo sasama ka sa akin Ceres!" sigaw ni Yuri. Hinila niya si Ceres. Sinubukan ni Ceres pumalag. Pinaigkas niya ang paa ngunit agad iyon nasalag ni Yuri. Black belter si Yuri— magkalaban palagi si Yuri at Ceres sa sparring ngunit ni minsan hindi nanalo si Ceres.

"Bitawan mo si Ceres!" sigaw ni Vesta. Inatake nina Vesta si Yuri ngunit madali lang iyon naiiwasan ni Yuri. Nagkabanggaan si Lucinda at Levi na parehong bumagsak.

Masusuntok ni Vesta sa mukha si Yuri nang umigkas ang paa ni Yuri at nasipa si Vesta sa sikmura.

"Vesta!" sigaw ni Ceres. Napamura si Ceres matapos mamilipit si Vesta sa sakit. Hinawakan ni Yuri ang hita ni Ceres matapos nito tangkain na sipain sa mukha si Yuri.

Ang hindi inaasahan ni Yuri. Inatake siya ni Jasper na nasa likuran ni Ceres.

Sinakal ni Jasper si Ceres at kinagat ang kamay ni Yuri na nakahawak kay Ceres.

Mahina si Jasper sa mga atake like masyado siyang malambot. Naihagis ni Yuri si Jasper ngunit ang hindi inaasahan ni Yuri tatama ang likod ng ulo ni Jasper sa pintuan.

"Ja-Jasper," ani ni Ceres. Napasigaw ang maraming estudyante matapos makakita ng maraming dugo galing sa likod ng ulo ni Jasper.

"Jasper!" sigaw ni Ceres. Pinagmumura ni Ceres si Yuri na bigla na lang siyang sinampa sa balikat. Nagsimula si Ceres na umiyak at pinaghahampas si Yuri sa likod.

"Ceres!" sigaw ni Vesta. Hindi niya alam ang gagawin kung susunod ba siya para iligtas si Ceres o tatawag ng doctor.

"Vesta! Dalhin niyo sa hospital si Jasper please!" sigaw ni Ceres bago siya ibinaba ni Yuri sa hagdan.

Nanginginig na nag-dial si Vesta at tumawag ng ambulansya. Tinawagan niya din ang pamilya ni Jasper. Naiiyak ang babae habang kausap si Paris.

"Oh my god! Jasper! Wake up baby! Jasper!" iyak ni Lucinda. Hindi niya alam kung paano hahawakan si Jasper. Patuloy ang pagdugo ng ulo nito.

"Jasper!" sigaw ni Levi. Walang malay ngayon si Jasper. May mga dumating na teachers— binigyan agad ng first aid kit si Jasper ngunit kailangan pa din ito dalhin sa hospital. Masyadong maraming dugo ang nagkalat sa sahig.


Nadala sa hospital si Jasper at agad na pinasok sa emergency room. Mangiyak-ngiyak sina Lucinda habang nasa labas ng kwarto at naghihintay.

Maya-maya dumating sina Jackson. Tinanong nina Paris kung anong nangyari kay Jasper. Sinabi ni Vesta ang lahat pati na din kung paano kinuha nina Yuri ng sapilitan si Ceres.

Parang pinagbagsakan ng langit ng lupa sina Phinea matapos marinig ang ginawa ng fiance ni Ceres kay Jasper.

"Sinaktan din ba niya kayo?" tanong ni Fider. Puro sugat sina Levi. Hindi sumagot sina Levi dahil iyak lang ang mga ito ng iyak. Sinabing kasalanan nila iyon lahat.

"Mommy, si Ceres," ani ni Desiree.  Sinabi ni Paris na hindi makakaalis ng bansa sina Ceres.

Nilingon ni Paris sina Phinea. Sinabi nina Phinea na siya na ang bahala kay Ceres.

May mga taong pinababantay si Paris kay Jasper sa labas ng university. Umalis sina Phinea, Phoebe at Palisia. Naghintay silang lahat sa labas ng emergency room.

Makalipas lang ang ilang oras lumabas na din ang doctor. Tinanong kung sino ang parents ng pasyente. Sabay-sabay na sumagot sina Paris, Dahlia at Paige. Nagkatinginan ang tatlo kahit ang doctor ay napatigil.

"Ako ang tatay ng pasyente. Anong kondisyon ng anak ko?" tanong ng Jackson na lumapit sa doctor. Sinabing ligtas na ang pasyente at natahi na din nila ang sugat.

"Ngunit kailangan pa ng pasyente na mag-stay ng ilang araw dito para sa ilang check up," ani ni ng doctor. Nagpasalamat si Jackson. Sinabi ng doctor na ililipat na ng room si Jasper.

Pinatahan na nina Paige sina Vesta at nanginginig pa din dahil sa takot. Akala nila napano na si Jasper at may masamang nangyari dito.

"Sinusumpa ko! Mga hayop kayo kapag may nangyari kay Jasper lalo ka na Yuri! Papatayin kita!" sigaw ni Ceres. Malakas niyang inuntog ang isa sa mga tauhan na may hawak sa kaniya.

Malakas na sinampal ni Yuri si Ceres habang nasa loob ng sasakyan. Nagulat si Brent. Namaga ang kalahati ng pisngi ni Ceres at sinigawan ni Yuri si Ceres ng manahimik.

Ngunit hindi nagpatinag si Ceres. Inuntog niya ang ilong ni Yuri. Napamura ang lalaki matapos dumugo iyon.

Sasampalin ni Yuri ulit si Ceres nang biglang pumireno ang driver ng van at muntikan na sila tumalsik paunahan.

"Anong nangyari! Bakit tumigil ang sasakyan!" sigaw ni Yuri na ngayon ay hawak ang ilong niya.

"Boss! May itim na sasakyan ang humarang!"

Napatigil si Ceres matapos makitang bumaba sina Phinea. May hawak ang mga itong baseball bat, tubo at kadena.

"How about bumaba kayong lahat diyan at makipagkwentuhan sa aming tatlo."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon