Chapter 47
3rd Person's POV
Bumukas ang pinto at pumasok nga ang parents ni Jasper kasunod ang dean. Napatayo sina Jasper."Buti naman nandito na kayo! Ang anak niyong walang—"
Napatigil ang ina ni Ceres sa pagsasalita matapos tanggalin ni Dahlia ang suot na sun glasses.
"Nagkita ulit tayo Mrs. and Mr. Victoria," ani ni Dahlia. Biglang nagbago ang expression ng ginang matapos makita ang tatlong babae sa harapan niya.
Ang pinakakilalang business tycoon sa buong mundo si Paris Rivas, ang international fashion model na si Dahlia Rivas at si Paige na hanggang sa kasalukuyang namamayapag sa acting career nito ng mahigit 18 years. Ang magkakapatid ni Rivas.
"Anong— anong ginagawa niyo dito Ms. Riva—"
"Ortega, ilang years ka ba sa Paris. Hindi ba nakarating sa iyo na kasal na ako at may anak na ako," ani ni Dahlia at pinakita ang wedding ring niya.
Nagkatagpo ang landas nila sa isang fashion show at si Dahlia ang isa sa mga judge. Na-shocked ang ginang. Walang may hindi kilala sa mga Rivas.
"Jasper? Anong nangyari sa pisngi mo?" tanong ni Paige matapos lapitan ang anak.
"Sinong sumampal sa iyo?" tanong ni Paige. Napatigil si Paris at Dahlia.
"Sinaktan mo ba ang anak ko!" sigaw ni Dahlia. Nagdilim ang mukha ng babae. Nagbago ang timpla ng mukha ni Paris at Paige.
"Tita Paris," ani ni Ceres. Naiyukom ng ginang ang mga kamao. Pumagitna na si Jackson at sinabing kumalma muna sina Dahlia.
"Kakalma! Ni minsan hindi natin napagbuhatan ng kamay ang mga anak natin tapos kumalma! Sinampal ng babaeng iyan si Jasp—"
Napatigil si Dahlia matapos ma-realize na nasigawan niya si Jackson. Sinabi ni Jasper na ayos lang naman siya.
Lumingon si Jackson sa mga Victoria. Walang expression ang mukha ni Jackson.
"Inaasahan ko na ito na ang un at huling magkikita-kita tayo at guguluhin niyo sina Jasper dahil kapag nagkaroon pa ng pangalawang pagkakataon hindi lang ang kompanya ng mga Victoria ang tatagilid pati na din ang mga Wu," ani ni Jackson. Sinabi ng babae na hindi nila pwede iyon gawin.
"Bakit hindi?" tanong ni Jackson at humaral sa mag-asawa.
"Sa tingin niyo may kaya bang hindi gawin ang mga Rivas at Ortega?" tanong ni Jackson. Puno ng pagbabanta nag expression nito. Nabalitaan ng ina ni Ceres ng nangyari sa mga Salvatore. Sa loob lang ng isang araw nawala ang bakas ng mga Salvatore sa society dahil sa mga Rivas.
"Ceres, sasama ka ba sa parents mo?" tanong ni Paris. Sinabi ni Ceres na wala na siyang parents. Napalingon ang ginang at sinabing sila pa rin ang ina ni Ceres.
"Wala akong pamilya!" sigaw ni Ceres. Napatigil ang mag-asawa.
"Kasi ni isang beses hindi ko naramdaman na nagkaroon ako ng pamilya at pinaramdaman niyo sa akin na nandiyan kayo."
"So? Tigilan niyo na ang lokohan na ito. Tigilan niyo na ang paga-act na para bang ang buti niyong ina at ama."
Susugurin ng ginang ang anak niya nang hawakan ito ng asawa niya at sinabing huwag ng mag-eskandalo.
"Simula ngayon wala na tayo anak," madilim ang anyong sambit ng lalaki bago hinila ang ginang paalis sa opisina. Umismid ang ginang at naglakad na palabas.
Napaupo si Ceres sa sofa. Nanginginig ang mga kamay nito hawak ang isang braso. Lumuhod si Jasper sa ibaba ng sofa at hinawakan ang kamay ni Ceres.
Napatigil si Ceres at napaangat ng tingin. Ngumiti si Jasper at sinabing hindi nag-iisa si Ceres. Tiningnan ni Jasper si Vesta at hinawakan din ang kamay ng babae.
"Simula ngayon magiging ayos din ang lahat," ani ni Jasper. Tiningnan ni Vesta si Ceres. Walang kinalakihan na pamilya si Vesta kaya ayos lang sa kaniya ang lahat ngunit sa sitwasyon ni Ceres mahirap iyon— magulang niya pa din iyong tumakwil sa kaniya.
Bumuga ng hangin si Dahlia at lumapit. Ginulo ni Dahlia ang buhok nina Vesta at Ceres. Napatingin ang dalawa.
"Nandito kami nina Paris. Hindi niyo kami parents pero ituring niyo na din kami na second mom— pamilya na tayo remember," ani ni Dahlia. Napangiti si Jasper.
"Tama, hindi niyo kailangan ng parents na tulad nila. Ginagawang decorations ang mga anak," ani ni Paige. Madalian lang na tinakwil ng mga magulang ni Ceres si Ceres at umalis sa opisina.
—"Bakit hindj ko nakilala si tita Dahlia. Internation fashion model talaga siya?" tanong ni Vesta. Nasa field sila ngayon— pinaalis na sila nina Jackson doon dahil kakausapin daw nila ang dean.
"Iba kasi ang mukha ni mommy sa nakikita mo sa mga billboards at magazine. Kahit ako hindi ko siya nakikilala kapag may make ups," ani ni Jasper. Nag-iibang tao ang mommy niya sa stage— mula ulo hanggang paa binabago ng mommy niya ang sarili— iyon ang definition ng mommy niya sa fashion.
Pero nag-iibang tao talaga ito pagdating sa bahay nila at sa harap ng daddy niya. Even lipstick hindi ito naglalagay. Natawa si Jasper.
"Ayaw daw kasi ni mommy na makalimutan ni daddy ang tunay na mukha niya kaya naman kapag kasama si dad ayaw niyang naglalagay ng make up," ani ni Jasper. Ganoon din ang mommy Paige niya.
"Ibang tao sila kapag kasama ang daddy mo. Hindi na nakakapagtakang hindi namin sila nakilala," ani ni Ceres. Si Paris sa magazine or billboards laging naka-office attire ito. CEO na CEO ang datingan ngunit kapag kasama ang tito Jackson nila napaka-sopistikada nito at mukhang teenager pa din.
Napatigil sina Ceres matapos maaninag na nila ang parents ni Jasper. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante na nadadaanan nila. Agaw pansin at talagang nagi-stand out.
Nakita nila na natawa si Jackson at tinatapik ang ulo ni Paris na napangiti na lang.
"How dazzling," bulong ni Vesta na naka-crossleg at nakahalumbaba.
"Hindi halatang may pito na silang anak," ani ni Vesta. Natawa si Jasper at sinabing alagang-alaga sila ng daddy niya.
"Masaya ba may pamilya puffin?" tanong ni Ceres. Napatigil si Jasper at lumingon.
"What do you think?" tanong ni Jasper pabalik. Sumagot si Ceres ng hindi niya alam.
"Naisip ko lang. Paano nga in future— kung magkakaanak tayo— magiging mabuti akong mommy katulad nina tita Paris," tanong ni Ceres. Natawa si Jasper at sinabing may perfect formula ba para maging mabuting parents.
Napatigil si Ceres at lumingon kay Jasper. Sumandal si Jasper sa sandalan ng bench. Nakatingin sa kaniya si Ceres at Vesta.
"Tao lang din ang mga parents ko at hindi sila perfect. Hindi sila 100% na mabuti silang parents palagi. Hindi ko sinabing masama sila ah pero may mga time na napapatanong ako kung parents ko ba talaga sila," ani ni Jasper na nakangiwi.
"Anong ibig mong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Strange Tides
Ficção GeralBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...