12

737 18 0
                                    

Chapter 12
3rd Person's  POV
Noong araw din na iyon nakarating kina Ceres ang nangyari. Nadala sa hospital si Daniel dahil sa nasira nga daw ang tiyan nito. Halos ayaw nga din nito magpakita sa mga kaklase dahil sa ginawang pagkakalat nito sa court.

Tawa ng tawa sina Lucinda matapos nga mabalitaan ang nangyari. Ngayon alam na nila kung bakit nagkakagulo na kanina.

Hindi na nila nakita si Jasper 'non since uwian na din naman then kinabukasan ng umaga— maaga si Jasper pumasok.

Napataas ng kilay sina Vesta matapos may makitang tatlong babae. Natawa si Jasper habang hawak sa pisngi ang isa sa tatlong babae. Maganda ang mga babae at may maangas na aura. Nakatingin ang tatlo kay Jasper.

"Ayusin natin mamaya ate make up mo. Sino ba kasi nag-make up sa iyo. Muntikan na kita hindi makilala," ani ni Jasper. Kausap niya ngayon ang tatlong ate niya. Hinihintay nila sa field  ang kakambal, mga mommy ni Jasper at ang daddy ni Jasper na si Jackson.

"Jasper, nandito ka pala."

Napatigil si Jasper at lumingon. Nagdilim ang mukha nina Phinea matapos makita ang apat. Hindi naman nagpatinag ang apat matapos sila titigan ng tatlo ng masama.

"Ceres!"

Natingin si Phoebe kay Jasper. Maliwanag ang mukha nito matapos makita ang apat. Pinakilala ni Jasper sina Phinea.

"Mga ate mo?" tanong ni Lucinda. Nagtaka si Jasper.

"Diba sabi ko nga sa inyo may anim ako na kapatid na babae. Nakilala niya na sina Lucky then sila mga ate ko. Iyong twin sister ko na lang ang hindi niyo pa nakikita," ani ni Jasper. Napa-pokerface si Levi. Gusto niya magtanong bakit iba-iba ang mukha nila. Hindi mapagkakailang maganda ang lahi ng pamilya ni Jasper ngunit nagtataka si Levi bakit iba-iba ang mukha.

"Hindi naman kayo half sibling or something right?" tanong ni Lucinda. Nabatukan ni Levi si Lucinda. Kahit kailan iyong kapatid niyang iyong walang common sense.

"Ow, hindi—"

"May tatlong mommy kami at isa ang daddy namin— it's make sense kung nagkaiba-iba mukha namin," ani ni Phinea. Napa-what si Jasper at lumingon sa kapatid.

"Ate bakit mo sinabi iyon?" tanong ni Jasper. Nilingon ni Phinea si Jasper.

"Kinahihiya mo pamilya natin?" tanong ni Phinea. Sumagot si Jasper ng no.

Lumingon si Jasper kina Ceres. Hindi niya mabasa ang expression nito.

"Ano— Ceres—"

"I found it cool," ani ni Ceres. Tumawa si Vesta ng mahina. Sinabing nagulat siya ng kaunti.

"Kamukha mo ba daddy mo pumpkin?"  tanong ni Lucinda. Tumawa ito at sinabing kung oo hindi na siya nagulat kung maraming babae ang papayag mag-share-share sa iisang lalaki.

Nahilot ni Levi ang bridge ng ilong matapos batukan ni Vesta si Lucinda. Natawa ng mahina si Jasper dahil doon.

"Wait, nandiyan na sina mom," ani ni Phinea. Hinawakan ni Phinea ang kapatid na lalaki. Nilingon ni Jasper sina Ceres at kumaway.

"Goodluck Vesta! Galingan mo," ani ni Jasper. Sumunod si Phoebe at si Palisia ngunit bago pa tuluyan makalayo si Palisia nilingon niya ang apat.

"Si Jasper— alalahanin niyo anim ang ha-hunting at dudurog sa buto niyo kapag sinaktan niyo si Jasper. Iisa lang iyan lalaki," ani ni Palisia. Tuluyan ng tumalikod ang babae at naglakad paalis. Saktong nakatingin din sa kanila si Phoebe.

Tingin pa lang ni Palisia sa kapatid nila na si Jasper alam ni Palisia na type ni Jasper ang apat kanina.

"Hindi din masama ang taste ni Jasper hindi ba?" tanong ni Palisia kay Phoebe. Nagkibit-balikat si Phoebe.

"Naunahan na naman tayo ng mga kapatid natin. Ganiyang age nakikipaghabulan pa tayo ng tubo sa mga professor sa university natin."


3rd Person's POV
Nag-second place lang si Jasper ngunit hindi ito malungkot. Hindi ito nakaramdam ng kahit kaunting pagkadismaya dahil nakikita niya na proud na proud sa kaniya ang buong family niya.

Daig niya pa ang nakakuha ng first place dahil doon. Hindi rin naman nage-expect si Jasper na mananalo siya dahil may isa siyang tao na kilala na imposible na matalo niya. Nakita niya ang entry nito at doon pa lang alam niya na kung sino ang panalo.

"Congrats."

Lumingon si Jasper. Si Vesta iyon kasama sina Ceres. Ngumiti si Jasper at nagpasalamat. Inabot ang kamay niya sinabing congrats din kay Vesta. Ngumiti ang babae at inabot iyon.

"Ikaw iyong nag-first place? Ang ganda ng artwork mo," ani ni Paige. Medyo nahiya si Vesta matapos marinig iyon.

"Yeah, noong nakita ko ang artwork niya alam ko na hindi ko na makukuha ang first place," ani ni Jasper at tumawa. Nakatitig si Vesta kay Jasper.

"By the way— may celebration ba kayo?" tanong ni Dahlia. Napatigil ang babae at lumingon kina Ceres.

"Mommy," ani ni Jasper at tiningnan si Dahlia. Wala doon ang parents ni Vesta. Nasabi ni Vesta minsan na naiinggit siya kay Jasper dahil may mga parents siya na super ang support sa kaniya like pumupunt ang mga ito doon bawat event.

"Bakit hindi kayo sumama sa amin ngayon. Pupunta kami ngayon sa isa sa mga resort namin dito sa pangasinan. Magse-celebrate kami baka gusto niyo sumama. Kami-kami lang din naman at naikwento ni Jasper na naging mabait kayo sa kaniya. Pagbabalik na rin namin iyon ng favor sa inyo. Weekend naman bukas," ani ni Paris. Ngumiti si Jasper at sinabing sumama na sila.

Tumawa si Vesta at nagpasalamat. Hindi sila makakatanggi sa mga ito. Natuwa si Jasper matapos marinig iyon. Sasama sa kanila sina Ceres.

"Inform niyo mga parents niyo kung need niyo ng help para kumbinsihin sila lapitan niyo ako," ani ni Paris. Yumuko ang mga ito at nagpasalamat.

So? Nagkaayan na nga sila paalis ng university. Sakto naman dalawang van ang gamit nila.

Si Adonis ang driver sa isang van kung saan sasakay sina Fider, Lucky and Destiny kasama sina Vesta at Jasper. Sa kabilang van sina Jackson kasama ang mga anak at ang mga asawa.

Sa likod sina Vesta, Lucinda at Levi. Sa unahan si Jasper at Ceres. Sinabi ni Jasper na napagod siya. Nakasandal ang lalaki sa van.

"Matulog ka na mu—"

Lumingon si Ceres. Kita niya na nakatulog na si Jasper. Bumagsak ang ulo ni Jasper sa balikat niya.

"Grr, gusto ko din makatabi si pumpkin. Dapat talaga nagpahuli ako," ani ni Lucinda. Sumabat si Levi.

"Kung ikaw katabi ni cutiepie sure akong hindi siya makakatulog at makakapagpahinga. Malikot kamay mo," ani ni Levi. Nagsalita si Lucinda at parang napipikon na sa kapatid.

"Hey, kung makapagsalita ka parang napaka-pervert kong babae," ani ni Lucinda. Ngumisi si Levi at tinanong kung nakailang lalaki na ba si Lucinda.

"Manahimik na kayong dalawa. May mga tulog. Ang ingay niyo," ani ni Vesta. Nakahilig sa balikat ni Levi si Vesta na sinusubukan na din matulog. Umismid si Lucinda.

"Atleast ako hindi ako masokista na tulad mo na kung umarte parang ubos na ang lalaki."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon