06

698 19 0
                                    

Chapter 06
3rd Person's POV
"Jasper lunch na. Hindi ka pa bababa?" tanong ni Jasmine kasama ang iba pang girls. Kaharap pa ni Jasper ang board at ginagawa ang entry niya.

"May baon ako ayos lang ako," ani ni Jasper. Kumaway lang ang mga babae at sinara na ang pinto. Naiwan si Jasper sa loob.

Kinuha ni Jasper ang phone niya na nakapatong sa table matapos mag-vibrate iyon. Nabasa niya ang text ni Fider at tinanong kung dadalhan ba ito ng lunch.

Medyo madumi ang kamay niya kaya nag-dial na lang siya. Agad na nasagot iyon ni Fider. Naka-loudspeaker.

Sakto naman bumukas ang pinto. Pumasok si Vesta kasunod si Lucinda. Natulala sandalo si Jasper. Kinindatan siya ni Lucinda— agad na namula si Jasper.

"Jasper, may lunch ka ba? Busy ka? Dalhan kita ng pagkain diyan," ani ni Fider. Sinabi ni Jasper na huwag na.

"Nasa bag ko pa iyong iyong nga foods na nilagay mo sa bag ko kanina. Hindi ako nag-breaktime," ani ni Jasper at pilit na nag-focus sa ginuhuhit niya.

"Okay, anong oras ka bababa? Baka magalit na naman mga kapatid mo kapag naghintay kami ng ilang oras sa labas ng building mo," ani ni Fider. Tinawag ni Fider si Lucky.

"Mga 5pm na siguro. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko," ani ni Jasper. Sinabi ni Fider na sige then pinatay na ang tawag.  Nagpatuloy si Jasper sa pagguhit niya hanggang sa napatigil si Jasper noong pinatong ni Lucinda ang baba niya sa balikat ni Jasper. Nabitawan niya ang hawak na sketchpad.

"Sino iyang babae na ginuguhit mo? Ang ganda," ani ni Lucinda. Namula si Jasper at bumulong. Sinabi nito na mga kapatid niya iyon.

"Lucinda," tawag ni Vesta. Napatayo ng maayos si Lucinda at umismid. Sinabing ang boring ni Vesta.

"Ikaw na lang bumalik. Dito muna ako. Kakausapin ang little pumpkin ko— awww!"

Hinila ni Vesta ang buhok ni Lucinda at kinaladkad ito palabas habang sinasabing hindi marunong makiramdam at walang mata.

"Kung kasing laki sana ng suso mo iyang utak mo wala sana tayong problema at hindi kita kailangan bantayan 24/7," ani ni Vesta. Kapag nakakawala kasi si Lucinda sa paningin nilang tatlo kung sinu-sinong lalaki kinakalantari nito at kahit sa student council nakikipag-make out. Sinong may matinong pag-iisip na gagawa 'non sa office, library at sa hallway.

Napangiwi si Jasper matapos marinig iyon. Nagsara na ang pinto at narinig niya pang minumura ni Lucinda si Vesta.

Ilang araw na lang ay last event na. Last na entry niya na iyon kaya kailangan niyang mas galingan pa.

As expected hindi pa din ni Jasper natapos ang entry niya na iyon at 5pm na. Kinuha na ni Jasper ang bag niya at phone. Niligpit ang mga gamit at naglakad na palabas ng silid. Siya na lang naiwan doon dahil maaga umalis ang mga kasama niya.

Lumabas siya ng building. Napatigil si Jasper sandali matapos makita si Levi kasama iyong guy na nakabangga niya sa restroom. Galing ang mga ito sa gymn.

Magkahawak ang kamay ni Levi at noong guy. Nagkibit-balikat si Jasper at naglakad na patungo sa kabilang direksyon para hanapin sina Fider.

Kinabukasan,
Maaga pa lang ay pumasok na si Jasper. Marami pa siyang kailangan tapusin sa entry niya. Naglalakad na siya patungo sa building kung nasaan ang art club.

Nakita niya si Levi na may mga dalang kahon at nakita niya iyong boyfriend ni Levi na tumatakbo paalis para puntahan ang mga kabarkada.

Mukhang patungo si Levi sa office nila at dadaan iyon sa kinatatayuan niya. Napabuga na lang ng hangin si  Jasper— lumapit si Jasper kay Levi at tinanong kung kailangan nito ng tulong. Napatigil si Levi at lumingon.

"Ah, hindi ayos lang. Kaya ko na ito," ani ni Levi. Nilampasan ni Levi si Jasper— napakamot ng ulo si Jasper. Sinundan ni Jasper si Levi— hindi niya na ito pinilit.

Sarado pa ang mga ilaw sa building kung nasaan ang  office— may kadiliman pa sa mga oras na iyon at mukhang uulan.

Napatingin si Levi matapos makitang tumatakbo na si Jasper paalis. Hindi na ito pinansin ni Levi. Pagdating niya sa building bumubukas na ang ilaw hanggang sa pangalawang palapag. May mga ilaw na din sa hagdan.

Noong makarating siya sa ikatlong palapag kung nasaan ang palapag ng office ng student council nakita niya si Jasper na pinipindot ang mga switch.

"Akala ko sira na," ani ni Jasper. Napatigil si Jasper at lumingon. Sinabi ni Levi na hindi na niya kailangan ng tulong.

"Hindi naman kita tinulungan magbuhat."

Nilampasan ni Jasper si Levi. Lumingon si Levi at nakita niya si Jasper na tumatakbo pababa. Mukhang pumasok ito para tapusin ang entry niya ngunit pumunta pa ito doon para buksan lahat ng ilaw dahil marami nga siyang dala.

Pinigilan ni Levi mapangiti. Nailing na lang si Levi at lumapit sa pinto ng office. Binaba niya ang mga dalang kahon at binuksan na ang pinto.

Hindi na bumababa si Jasper para tapusin ang entry niya. Hindi na din naman ni Jasper napapansin ang oras.

Noong kumukulo na ang tiyan niya 1pm ay napilitan ng bumaba si Jasper. Ayaw niya naman na kasi makisuyo pa kay Fider dahil 100% sure siya sasakalin siya ng mga kapatid na babae.

Pababa na siya mula pangalawang palapag nang makita niya si Levi sa hagdan. Nakatayo ito doon at nakatalikod— lumapit si Jasper. Tatawagin niya ito nang may makita siyang dalawang tao sa madilim na parte ng hallway.

Iilan lang naman kasi ang pumupunta doon since ang building na iyon ay mga club room. Busy ang lahat sa art room at tapos na ang lunch kaya imposible na may mga estudyante pa doon.

"Lucinda, hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan?"

Napataas ng kilay si Lucinda at sinabing huwag siyang hawakan. Sinabi ni Lucinda na lahit iisa na lang si Daniel sa mundo hindi niya ito papatulan.

"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo kapatid ko ang girlfriend mo gusto mo maisumbong kita," ani ni Lucinda. Tumawa si Daniel at tinanong kung sa tingin ni Lucinda maniniwala si Levi.

"Pagkatapos mo sa kaibigan niya sa akin naman? Nakakasuka talaga kayong mga lalaki," ani ni Lucinda na nanggagalaiti.

"Kung binibigay lang ng kapatid mo iyong gusto ko at kasing wild mo siya sa kama eh di sana wala kaming problema diba? Masyado kasing pa-virgin kapatid mo— boring."

Lilipad ang kamao ni Lucinda sa mukha ni Daniel nang may lumipad na lalagyan ng tubig sa ulo ni Daniel. Napaluhod si Daniel at napamura sa sakit. Nanlaki ang mata ni Daniel matapos may makitang dugo sa mga palad.

Nakita ni Lucinda si Jasper na hila-hila si Levi paalis doon. Sumigaw si Daniel na tulungan siya ni Lucinda at tumawag ng doctor.

"Tumawag ka mag-isa mo dapat lang iyan sa iyo," ani ni Lucinda. Kinuha ni Lucinda ang tumbler at lakad-takbo na umalis doon. Hindi niya pinansin si Daniel na tinatawag ang pangalan niya.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon