Chapter 25
3rd Person's POV
Ilang beses naglabas-pasok si Jasper sa store para ilabas ang mga pinamili at ipasok sa sasakyan.Hindi naman nagreklamo si Jasper ngunit nakikitang pagod na ito at pawisan. Pwede naman sila umupa ng mga staff galing sa loob para ilagay nag mga iyon sa sasakyan ngunit naiinis sila sa idea na nagagawa pa ni Jasper tumingin sa ibang babae.
"Tapos na nailagay ko na lahat sa loob ng sasakyan," ani ni Jasper. Sobrang bigat ng mga dinala niya kanina. Inutusan ni Levi si Jasper na pumasok na sa sasakyan pupunta pa sila sa bookstore.
Tiningnan nina Ceres si Jasper na sinara ang sasakyan. Tinanong ni Lucinda kung mabigat.
"Ha? Nope. Hindi mabigat," ani ni Jasper at tinaas ang braso niya.
"Kayang-kaya iyon ng muscle ko," ani ni Jasper. Kaya naman ni Jasper ngunit hindi niya kaya ng hawakan iyon ng ganoon na katagal at madami.
"Massage na lang kita mamaya," ani ni Lucinda at kumindat. Natawa si Jasper at sinabing okay. Gusto niya ng massage.
Kalaunan sinabi ni Jasper na hindi siya sa babae nakatingin. Doon siya nakatingin sa grupuhan ng mga lalaki.
"Ah ganoon, sa mga lalaki— Ceres mamili ulit tayo mamaya. Mukhang marami pa tayong kailangan bilihin isa pa nandiyan naman si Jasper," ani ni Levi. Nataas ni Jasper ang kamay at sinabing mga nakatingin iyon kay Levi.
"Noong lumapit kami kay Levi maramimg guy na nagtutulakan at gusto lumapit kay Levi doon ako nakatingin!" ani ni Jasper. Ayaw niya na magbuhat feeling niya kakalas na ang buto niya sa pagbubuhat.
"Then dapat sinabi mo diba," ani ni Levi. Nag-oo nga si Vesta at inirapan siya ni Ceres. Naitikom ni Jasper ang bibig.
—
"Hindi na nga lang ako nagsalita kasi baka mas lalong awayin ako," ani ni Jasper. Nakahiga siya ngayon sa kama at nasa tenga ang phone— nasa kabilang linya si Fider na kasalukuyang tumatawa."Buti naman sumunod ka sa instinct mo kasi siguradong kapag sumagot ka pa mas malaking away iyon. Ganoon din sina Lucky kasalanan mo pa kung hindi ka agad nakapag-explain hindi ka naman binigyan ng chance magsalita," ani ni Fider. Tumawa si Jasper at sinabing mahirap makipag argumento sa mga babae.
"Sila ang gusto laging tama," halos sabay na sambit ni Jasper at Fider. Tumawa iyong dalawa. Maya-maya may kumatok sa pinto ng room ni Jasper.
"Dinner na yata. Kain na ako. Bye Fider, sabihin mo na lang kina mommy tumawag ako baka pagalitan na naman ako pag-uwi."
Tumawa si Fider at sinabing sige. Pinatay na ni Jasper ang tawag. Bumukas ang pinto at pumasok si Lucinda.
"Masakit pa din ba ang braso mo?" tanong ni Lucinda. Ngumisi lang si Jasper at sinabing hindi niya maigalaw ang braso niya.
Lumapit si Lucinda— hinawakan ni Jasper ang kamay ni Lucinda at hinila. Napatili si Lucinda matapos siya maihiga ni Jasper at patungan.
"Sabi mo masakit braso mo," ani ni Lucinda na tatawa-tawa. Niloloko siya ni Jasper.
"Oo nga kaso biglang nawala noong nahawakan kita."
Mas lalong natawa si Lucinda noong halikan siya ni Jasper sa pisngi at niyakap. Humiga ito sa dibdib niya na parang bata.
"Hey hindi unan ang dibdib ko," ani ni Lucinda. Tumawa si Jasper at sinabing ang lambot doon.
"Siraulo."
"Talagang yayakapin mo lang ako?" tanong ni Lucinda. Sinabi ni Lucinda na nag-practice siya mag-blow job.
"Feeling ko marunong na ako," ani ni Lucinda. Napa-pokerface si Jasper— siguro kailangan niya na din masanay kay Lucinda.
"Maawa ka sa junjun ko Lucinda. Kapag nawala ito paano ko mabibigyan ng isang dosenang apo ang daddy ko," ani ni Jasper. Na-shocked si Lucinda.
"Wait! Isang dosena talaga? Balak mo ba bumuo ng dalawang basketball team," ani ni Lucinda. Tumawa si Jasper at sinabing kapag mga lalaki oo.
"Pero mas prefer ko mga girls kasi mas malaki iyong chance na maging kamukha nila kayo," ani ni Jasper. Nasa labas ng pinto sina Levi, si Vesta at Ceres na mga napangisi na lang matapos marinig ang sinabi ni Jasper.
Kumatok si Ceres sa pinto at sinabing dinner na.
"Kung ano mang ginagawa niyo diyan mamaya niyo na tapusin iyan. Kakain na tayo," ani ni Vesta. Bumukas ang pinto.
"Wala pa kaming ginagawa," ani ni Jasper na nakanguso. Tinanong ni Vesta kung masakit braso ni Jasper.
"Nagbibiro lang naman ako kanina. Hindi masakit," ani ni Jasper at inakbayan si Vesta at Ceres sinabing baba na sila at kakain.
"Huwag mo ako hawakan baka pinanghawak mo iyan kay Lucinda," ani ni Ceres. Sinabi ni Jasper na wala nga silang ginagawa ni Lucinda.
"Mukha ba akong walking virus sa paningin mo. May nakakahawa ba ako na sakit something," ani ni Lucinda at umirap. Sumabat si Levi ng aids. Nasapok siya ni Lucinda at sinabing malinis siya.
Naunang bumaba si Jasper. Sinabing nagugutom na siya. Napatigil si Jasper noong pagbaba niya may dalawang lalaki doon na napatigil din matapos siya makita.
"Pumpkin? Bakit parang nakakita ka ng mult—"
Pagbaba ni Lucinda kasunod si Levi napatigil din sila matapos makita ang dalawang lalaki. Umilap ang tingin ni Lucinda at tinanong ang mga ito kung anong ginagawa doon.
"Hindi ka ba tinawagan ni mommy about sa pag-uwi namin? Sinabing dito muna kami magi-stay sa inyo?" tanong ng lalaki na ngayon ay nakangisi at nakatingin kina Levi.
"May mga kasama pala kayong chix dito at isang— tennant niyo?"
Jake at Jairus— pinsan buo nina Levi at Lucinda. Sinabi ni Levi na hindi sila pumayag na doon tumira sina Jake.
"Kung wala kayong pera para kumuha ng hotel ito ang credit card," ani ni Lucinda at tinapon iyon sa sa table. Natawa ang lalaki.
"Ganiyan ba dapat kayo umasta sa mga taong kumupkop sa inyo? Para titira lang kami dito pinagdadamot niyo," ani ni Jake. Naiyukom ni Levi ang kamao.
"Lucinda, hayaan mo na. Sa unit ko na lang tayo mag-stay. Malapit lang din iyon sa school," ani ni Ceres. Malaki din iyon hindi lang sila doon nanatili dahil nagrereklamo si Vesta na laging under maintenance ang elevator. May trauma si Levi sa mga elevator.
"Hey hindi niyo kailangan gawin iyon. Pwede naman tayo magsama-sama dito," ani ni Jairus. Hindi gusto ni Jasper ang ngiti ng mga ito.
"Tatawagan ko si mommy Paris. May resthouse ang mga Ortega dito doon na lang tayo," ani ni Jasper. Hinawakan ni Jasper ang bewang ni Lucinda para ayain ang mga ito pataas ng hagdan.
Napatigil si Jasper matapos hawakan ng isa sa mga lalaki ang braso niya at hilahin.
"Sino ka? Bagong toy boy ni Lucinda?"
Napatigil si Jasper. Hinawakan ng lalaki ng mahigpit ang braso ni Jasper.
"Bwisit ka nasasaktan ako," ani ni Jasper. Nagulat sina Jairus ng sabunutan ni Jasper si Jake at hilahin ang tenga nito.
Bumagsak sila sa sahig. Nagsisigaw si Jake. Maya-maya biglang tumawa si Lucinda at Levi. Nate-tense lang ang mga ito kanina ngunit bigla iyon nawala matapos nga biglang makipagsabunutan si Jasper kay Jake.
Hinawakan ni Ceres ang bewang ni Jasper at inilayo kay Jake na pinagmumura si Jasper.
Humarang si Levi at Vesta sinabing aalis na sila. Nagpapasag si Jasper at sinabing hindi pa sila tapos ni Jake. Nagtatawa pa din si Lucinda kahit si Ceres ay natatawa matapos nga makitang sinabunutan ni Jasper si Jake.
![](https://img.wattpad.com/cover/357979405-288-k245815.jpg)
BINABASA MO ANG
Strange Tides
قصص عامةBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...