Chapter 44
3rd Person's POV
"Ganito ba palagi karaming tao dito kapag may practice?" tanong ni Jasper. Nakasuot pa din ng purple na hood ang lalaki at nakatingin sa court."Hindi sila interesado sa laro kung hindi sa mismong mga naglalaro. Tingnan mo iyong mga boys oh halos lumuwa na ang mata katitig sa legs ng mga player," ani ni Lucinda at napairap na lang.
Malaki ang court ngunit nahahati iyon sa tatlo. Iyong isa court para sa practice ng mga boys at sa kabila iyong sa girls. Iyong sa kabilang bahagi bakante.
"Para saan iyong space na iyon na may screen?" tanong ni Jasper at tinuro iyong bahagi ng court malapit sa stage.
"Para sa cheerleeding's squad ng university. Mukhang hindi pa tapos meeting nila," ani ni Lucinda. Napapalakpak si Jasper matapos maka-shoot si Ceres. Tumawa ito at nakipag-apir kay Vesta.
Napatigil si Lucinda matapos may maramdaman na humahawak sa legs niya. Nilingon niya kung sino iyon— isa sa mga ka-flings niya dati.
"Ngayon na lang ulit kita nakita Lucinda. Mas lalo kang gumanda," bulong ng lalaki. Inalis ni Lucinda ang kamay ng lalaki at sinabing mag boyfriend na siya.
"Ikaw may boyfriend? Sinong matinong lalaki papatol sa iyo? Halos lahat na ng estudyante sa university na ito natikman ka," ani ng lalaki at natatawa. Hahawakan nito muli ang hita ni Lucinda nang may sumalo ng kamay niya at hinila si Lucinda.
Napaupo si Lucinda sa hita ni Jasper at hinagis ang kamay ng lalaki.
"Huwag mo hahawakan ang girlfriend ko kung ayaw mong mawalan ng kamay habang buhay," malamig na sambit ni Jasper at kinuha ang bag niya. Tinakpan niya ang hita ni Lucinda na agad namula. Napatingin kasi kanila ang ilang mga estudyante na nanonood.
Napaalis ang lalaki kasama ang mga barkada nito. Napairap si Jasper at niyakap ang bewang ng babae.
Akala ni Lucinda hindi siya mapapansin ni Jasper— hindi kasi inaalis nito ang tingin kina Vesta na naglalaro.
"Wala na sila. Hindi ka gaanong makakanood kung nakaupo ako dito at hindi ba ako mabigat," ani ni Lucinda. Napaismid si Jasper.
"Para mabastos ka na naman. Dito ka na lang. Nakakanood ako at hindi ka naman mabigat," ani ni Jasper. Sinabi ni Jasper na ang ganda ng view. Actually, dibdib na lang ni Lucinda ang nakikita niya.
"Gago," ani ni Lucinda na natatawa. Hindi na kasi si Jasper sa game nakatingin kung hindi sa dibdib niya.
"Nagbibiro lang ako," ani ni Jasper na natatawa at pinaikot niya si Lucinda. Nakatalikod ngayon si Lucinda kay Jasper habang nakayakap ang lalaki sa bewang niya. Nakapatong ngayon ang baba ni Jasper sa balikat ni Lucinda at nanonood.
Nakasandal si Lucinda sa dibdib ni Jasper. Mas komportable siya doon kaysa sa dati niyang upuan.
Sinabi ni Jasper na ang gagaling nina Ceres maglaro. Maya-maya pumasok na sina Levi. Naka-white t-shirt si Levi, skirt at leggings na above knee.
"Hindi ko masisi ang mga estudyante sa university na ito bakit kahit tapos na ang klase pumupunta sila para manood lang ng practice. Look, ang sexy ni Levi," ani ni Jasper. Napatingin si Levi sa side niya at nakita pa ni Jasper na ngumisi ang babae.
Maya-maya umalis na sina Vesta at Ceres sa court. Patuloy pa din ang iba aa pagpa-practice. Sinundan ng mga estudyante ng tingin sina Ceres na umakyat at tumabi kay Jasper.
"May dala kaming towel at bottled water. Nandiyan sa bag," ani ni Jasper. Tinanong ni Vesta kung kulang ba ng upuan doon at magkapatong iyong dalawa.
"Inggit ka lang," ani ni Lucinda na nagawa pang mang-asar. Sinabi ni Jasper na binabastos ng mga lalaki si Lucinda.
BINABASA MO ANG
Strange Tides
Narrativa generaleBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...