30

675 16 0
                                    

Chapter 30
3rd Person's POV
Nakulong lahat ng taong nagmolestiya nga kay Lucinda. Lahat din ng mga batang sa nasabing orphanage ay inilipat sa ibang lugar at binigyan ng mga bagong tahanan na under ng mga Rivas

Nagkayakap si Lucinda at Levi matapos agad na naproseso ang kaso at hindi na magkakalayo si Levi at Lucinda. Todo pasalamat sina Lucinda kina Paris.

"Para saan pa at pamilya na tayo dito," ani ni Paige. Naiiyak sila niyakap nina Lucinda. Napanguso si Jasper at sinabing inaagaw ng mga mommy nila ang mga girlfriend niya.

Nakaupo lang si Ceres sa sofa at hawak nag phone. Tahimik lang ito habang hawak ng mahigpit ang phone.

"Ceres, anong problema?" tanong ni Vesta. Nasa tabi ni Jasper si Vesta. Napalingon si Jasper sa direksyon ni Ceres.

Napatingin si Ceres at ngumiti lang. Sinabing wala lang. Tumayo si Ceres at lumapit kina Jasper.

"Magse-celebrate ba tayo ngayon?" tanong ni Ceres. Tumawa si Jasper ng oo. Nago-orde na ang mommy nila ng mga kakainin nila ngayong dinner at nagluluto na sina Fider.

Napangiti na lang si Ceres at tiningnan sina Levi na natawa habang kausap sina Paris.

"Ceres inuman ulit tayo ngayon. Marami akong hawak na beer-"

"Phinea, nakakalimutan mo na yata usapan natin?" ani ni Jackson. Napatigil si Phinea at tinago iyon sa likuran niya.

"Hindi na iinom sina Ceres. Hindi niyo sila pwede lasingin," ani ni Jasper na natatawa. Maya-maya may na-realize siya.

"Wait anong usapan?" tanong ni Jasper. Lasingera mga kapatid niya na panganay. Tiningnan ni Jasper si Palisia na salubong ang kilag na nakaupo sa sofa habang hawak ang plastic ng candy.

"Gusto ko manigarilyo," ani ni Palisia. Si Phoebe naman nakaupo at ngumunguya ng bubble gum.

"Wait- may boyfriend na kayo?" tanong ni Jasper. Tinanong ni Jasper kung sino ang malas na lalaki.

"Naririnig kita Jasper. Anyway, nandito na iyong pizza na pina-deliver ni sir Jackson."

Lumingon si Jasper at nakita niya si Adonis na papasok. Tumakbo si Jasper kay Adonis at hinawakan ito sa balikat.

"Tell me, binigyan ka ba nila ng death threat? Sabihin mo Adonis tinatakot ka ba nila?" tanong ni Adonis. Natatawa na lang naman si Fider na nasa kusina at may sinusuot na apron.

"Hindi-"

May lumipad na unan at tumama iyon sa ulo ni Jackson na napamura na lang.

"Tingin mo sa amin Jasper? Kami ba iyong mananakot ng tao para maging girlfriend kami! Tangna mo umalis ka sa harap ko naggigil ako sa iyo," ani ni Palisia. Mainit ang ulo walang sigarilyo.

"Palisia, tama na ang candy. Baka sumakit ang ngipin mo," ani ni Adonis. Ini-expect ni Jasper na babatuhin din ni Palisia si Adonis o bubulyawan ngunit binaba nito ang candy at umismid.

"Jasper, Adonis- tulungan niyo na lang ako maghugas dito ng gulay. Sunog na niluluto ko," tawag ni Fider. Kinaladkad ni Jasper si Adonis papasok ng kusina at sinabing marami itong ipapaliwanag.

"Bawal ang inom- coke? Barbecue?" ani ni Phoebe. Nakasalampak si Phinea ngayon sa sofa at sinabing gusto niya na mamatay.

"Sinabi ko na tigilan niyo ang bisyo niyo kung balak niyo magpamilya. Hindi iyan maganda sa katawan," ani ni Paris. Tatawa-tawa na lang sina Lucky at Destiny inaasar pa nito ang mga kapatid.
-

Maingay ang mansion ng mga Ortega. Kasama na din kasi sa celebration na iyon ang welcome party para kay Adonis.

"Wala pa kayong isang buwan. May chance ka pang umatras," ani ni Jasper at tinapik-tapik ang balikat ni Adonis na natatawa na lang.

"You idiot! Hindi pa kami ikakasal at anonh atras! Akala mo ba maswerte sa iyo sina Ceres? Isa ka rin naman latak ng mga Ortega!"

Nakatingin lang naman si Adonis, Desiree, Fider at sina Ceres matapos magrambulan ang mga kapatid sa sala. Napa-pokerface si Paris at inutusan ang mga kapatid niya na patigilin ang mga bata.

"Kayo na mga anak niyo iyan," ani ni Dahlia. Sinabi ni Paige na may anak din si Dahlia doon.

Napasapo si Desiree sa noo. Nahihiya siya para sa mga kapatid niya. Nilingon niya ang mga future in law niya.

"Sure na ba talaga kayo sa mga ito?" tanong ni Desiree which is ang pino-point niya ay sigurado na ba ang mga itong aasawahin nila ang mga kapatid.

Tiningnan ng mga kapatid si Desiree. Nawala na lang bigla si Desiree sa tabi nina Ceres na ngayon ay nakikipaghampasan ng unan sa mga kapatid. Natawa na lang sina Ceres at pinanood na lang ang mga ito habang kumakain sila ng barbecue.

"Akala mo ang bait mo- pinunit mo gown ni mommy," ani ni Phinea na ngayon ay pabitong sinasakal si Desiree.

"Ikaw sumira ng car ni daddy binangga mo sa gate."

Natigil lang ang mga ito matapos lumabas sa kusina si Jackson na may hawak na pizza. Nagkahiwa-hiwalay ang magkakapatid at parang walang nangyari na sumigaw si Jasper ng pizza.

"Malakas ba masyado ang aircon? Anong nangyari sa buhok niyo?" tanong ni Jackson sa mga anak niyang nasa sahig.

Ang mga Ortega- ehemplo ito ng mabuti at masayang pamilay. In some reason naiinggit si Ceres. Hinawakan ni Ceres ng mahigpit ang hawak ng can ng softdrinks.

Bahagyang tiningnan ni Vesta si Ceres. Nakatingin si Ceres kay Jasper na nakikipagtawanan sa mga kapatid. Hindi alam ni Ceres kung swerte ba na nakilala ni Ceres si Jasper o bagong simula na naman iyon ng bagong sigalot sa buhay niya.

Bumakas sa mukha ni Ceres ang lungkot at pagsisisi. Iniinom ni Ceres ang hawak na coat. Pilit na inalis sa utak ang mga aalahanin at problema.
-

Ini-unat ni Jasper ang mga braso. Last week niya na iyon sa university na iyon at lilipat na siya sa university na pinapasukan nina Ceres. Maraming teacher ang tinanong kung sigurado na siya- may iba pa na pinipigilan siya. Walang nagawa su Jasper kung hindi tumawa dahil kahit ang mga mommy niya ay hindi nagawang baguhin isip niya.

Lumabas na si Jasper sa classroom niya hindi niya kasama si Fider dahil tinawag ito ng mga ka-team niya before mag-end ng class para mag-practice.

Pababa na si Jasper sa school building niya nang makita niya si Loki, Tiago at Azure Lucero. Magkakapatid ito na Lucero- nasa ibaba ang mga ito at napapalibutan ng mga babae. Tinatanong ng mga ito kunh napano ang mukha ng tatlo.

Napataas ng kilay si Jasper. Umiwas ng tingin si Jasper at bumaba ng hagdan. Pakialam niya sa tatlong iyon.

Noong nakababa na siya ng hagdan tinahak niya ang daan patungo sa kabilang building ang dami kasing nakaharang patungo sa field.

"Jasper! Wait!"

Tumakbo palapit sina Tiago kay Jasper. Humarang ang mga ito sa daanan ni Jasper. Ngayon nakikita ni Jasper ang mukha ng tatlo nagdadalawang isip na siya na paalisin ang mga ito.

"Anong nangyari sa mukha niyo?" tanong ni Jasper. Napakamot sa pisngi si Tiago at yumuko.

"Nabugbog kami ng kakambal mo," ani ni Tiago. Na-shocked si Jasper at tinanong kung anong nangyari.

"Kasi ang totoo kinuha namin siya para pumunta ka at kausapin kami pero promise! Hindi namin siya sinaktan o hinawakan!" ani ni Loki at nakataas ang kamay. Napa-pokerface si Jasper.

Ibig sabihin si Loki nga ang tumawag sa kaniya at sinabing hawak nga ang isa sa mga kapatid niya. Tinawagan niya si Desiree kahapon sumagot naman ito at inakala niya na prank calls lang talaga iyon.

"Hindi ko alam ngayon kung maiinis ako sa inyo ngayon o maaawa," ani ni Jasper. Sinapo niya ang noo. Dapat pala pumunta siya kahapon atleast napigilan niya ang kakambal.

"So? Ano ngayon ang gusto niyong gawin ko? Bigyan kayo ng pang-hospital fees?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Loki na kung pwede kausapin sila at hayaan mag-explain.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon