46

670 18 0
                                    

Chapter 46
3rd Person's POV
"Hindi ka pumasok ng klase mo? Sabi ng mga kaklase mo nag-half day ka lang," ani ni Troy. Napakamot sa ulo si Jasper at sinabing tinulungan niya sina Ceres ayusin iyong budget plan at gupitin ang mga tickets na totoo naman pero siyempre pagkatapos iyon ng mini session nilang lima.

Inaya na siya nina Troy sa auditorium. May mga katulong naman din sila na staff ng university. Nag-start na din si Jasper ng first part time job niya.

Masasabi ni Jasper na wala ngang madaling trabaho ngunit masaya siya sa ginagawa niya. Tinutulungan niya kasi minsan si Troy mag-decorate at si Raven na pumili ng mga gagamitin nilang decorations.

"Whoa, hindi ka pa napapagod?" tanong ni Joey. Tinutulungan ni Jasper ngayon si Joey na magbuhat ng ilang kahon galing stockroom. Hindi naman iyon mabigat kaya ayos lang kay Jasper.

"Hindi naman why?" tanong ni Jasper. Bumagsak ang balikat ni Joey at sinabing sana may stamina siya katulad ng kay Jasper.

Hindi kasi nakita ni Joey si Jasper umupo at magpahinga then ayon nagpabalik-balik pa sila para kuhanin iyong ilang decorations.

Napatigil si Jasper matapos may makitang pamilyar na bulto. Nakita niya si Ceres, may kasamang sopistikada na babae at isang lalaki.

"Joey, mauna ka na sa loob. May titingnan lang ako," ani ni Jasper. Pinatong niya iyong kahon na hawak niya sa hawak ni Joey at tumakbo.

"Sinabi ko na mom. Hindi ako sasama. Sumunod lang ako dito dahil ayoko ng eskandalo," ani ni Ceres matapos sila makarating ng parking lot.

"Tita."

Lumapit si Vesta. Niyukom ng ginang ang kamao at sinabing ano bang pagkakamali niya kay Ceres para lumaki itong suwail.

"Isa ka pa Vesta. Pagkatapos kitang palakihin, bihisan, bigyan ng tirahan at pakainin ito ang isusukli mo sa akin. Kunsintihin ito si Ceres sa kahibangan sa lalaki!" sigaw ng ginang. Pilit ang pagpipigil ng ginang kanina dahil kay image siyang iniingatan at ayaw niya ng issue.

Sa isip ni Ceres kung malaman nito na iisang lalaki lang ang boyfriend niya at ni Vesta siguradong aatakihin ang ina niya. Napa-pokerface si Ceres— wala siyang pake.

"You know what mom. Tigilan mo na ang pag-acting na para bang ang buti niyong parents sa akin ni dad," ani ni Ceres. Napatigil ang ginang at ang kasama nitong lalaki which is ang daddy ni Ceres.

"Ceres, ayan ba ang natutunan mo sa hampas lupa mong boyfriend? Ceres! Ano bang nangyayari sa iyo?" ani ng ginang. Hindi siya siniseryoso ng parents niya.

"Ceres."

Napatigil si Vesta at Ceres matapos marinig ang boses ni Jasper. Lumapit si Jasper— bahagya niyang inayos ang sarili dahil gusot ang uniform niya at pawisan siya.

"Ayan ba ang pinagmamalaki mong boyfriend Ceres? For god's sake— pinagpalit mo si Yuri sa lalaking iyan?" tanong ng ginang. Nanlalaki ang mata nito na nakatingin kay Jasper. Napatigil si Jasper matapos may ma-realize. Parents ito ni Ceres.

"Jasper Ortega? Gosh, anong buhay ang maibibigay sa iyo nan Ceres?" tanong ng ginang. Lumapit ang ginang kay Ceres.

"Umuwi na tayo Ceres," ani ng ginang. Humarang si Jasper at sinabing hindi sasama si Ceres.

Napatigil si Jasper matapos siya sampalin ng ginang. Nagulat si Jasper either sina Ceres.

"How dare you para sumagot sa akin at harangan ako? Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ng ginang. Masyadong mapagmataas nag ina ni Ceres.

"Mom! Lumayo kay Jasper!" sigaw ni Ceres at hinawakan si Jasper.

"Hindi ako sasama! Buntis ako!" sigaw ni Ceres. Napatigil ang ginang— napatingin si Vesta at napatingin din si Jasper. Mas lalong nagulat yata siya sa sinabi ni Ceres.

"Sa hampas lupa na iyan buntis ka!" sigaw ng ginang. Parang hihimatayin ang ginang matapos marinig iyon.

"Ceres! Ngayon din sasama ka sa akin. Ipapalaglag natin iyang bata!" sigaw ng ama ni Ceres. Pinigilan ng ginang ang asawa.

"Maraming may alam na anak natin si Ceres. Paano kung may doctor na makakilala sa kaniya. Hindi pwede. Dadalhin natin siya sa states. Doon niya ipapanganak ang bata at ipapaampon," ani ng ginang. Hindi makapaniwala si Ceres matapos marinig.

Niyukom ni Ceres ang kamao. Hindi siya makapaniwalang parents niya ang mga taong kaharap niya.

"Wala akong pakialam kahit itakwil niyo ako bilang anak. Hindi na ako sasama sa inyo at mula ngayon wala na akong magulang. Mabubuhay ako kahit wala kayo," ani ni Ceres. Napatigil ang dalawa. Sinabi ni Jasper na pananagutan niya ang bata kung totoong buntis si Ceres.

Biglang dumating ang dean ng university. Napatigil sina Ceres.

"Gusto ko ipatawag mo ngayon din ang parents ng lalaking ito," ani ng ginang na puno ng iritasyon ang mukha at tinuro si Jasper. Nagulat ang dean dahil bigla na lang nito tinuro si Jasper.

May 20% na share ang mga Victoria sa university na iyon ngunit 60% ang sa mga Rivas. Alanganin tumawa ang dean at hinawakan ang kamay ng ginang na nakaturo Jasper at tinanong kung anong dahilan.

"Kailangan ko pa ba sabihin? Papuntahin mo sila ngayon din gusto ko sila makausap!"

"Kanino nalaman ng mommy mo na mababa ang status ng pamilya ko?" tanong ni Jasper kay Ceres. Napapagitnaan siya ni Vesta at Ceres.

"Kapag hindi kilala ang gamit mong pangalan sa society automatic na mababa na iyon para sa kaniya," ani ni Ceres. Matapobre ang ina niya at isama pa ang ama niya.

"Hindi ka ba ampon?" tanong ni Jasper. Muntikan na matawa si Ceres sa sinabi ni Jasper. Madilim ang anyo ng ginang habang nakaupo sa sofa at hinihintay nga ang parents ni Jasper.

Sa isip ni Ceres hindi naman masasabing mababa ang status ng pamilya ni Jasper. Mukhang mayaman ang mga Ortega hindi niya lang alam kung bakit hindi kilala ang mga Ortega.

Sabagay wala din siyang gaanong alam sa pamilya ni Jasper bukod sa nabanggit minsan ni Jasper na isang shop owner ang daddy niya.

"Hindi na nakakagulat na ganiyan ugali ng mommy mo. Mayaman kayo," ani ni Jasper. Lumingon si Ceres.

"Hindi lahat ng mayaman matapobre," ani ni Ceres. Sinabi ni Jasper na alam niya.

"Ngunit 80% sa mayayaman na sinasabi ko katulad ng mommy mo," ani ni Jasper. Tinanong ni Ceres kung masakit ang pisngi ni Jasper— namumula kasi ang pisngi ni Jasper.

"Hindi ko dala ang hood ko problema ito," ani ni Jasper. Tinanong ni Ceres kung may problema. Tiningnan ni Jasper si Ceres at tinanong kung halata ba iyong pamumula ng pisngi niya.

"Oo, masakit ba?" tanong ni Ceres. Sinabi ni Jasper na mahapdi at namamanhid pa din ang pisngi niya.

"Magagalit sina mommy."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon