Chapter 31
3rd Person's POV
Nasa school garden ngayon si Jasper kasama sina Loki. Kaharap ni Jasper ngayon sina Loki."Actually, wala kayong dapat i-explain. Naiintindihan ko na naniniwala kayo sa mga issue na iyon since lambutin talaga ako at isa pa kapag nangialam kayo siguradong pati kayo ibu-bully ng mga kaklase natin. Bata pa din naman kayo that time," ani ni Jasper. Tinanong ni Loki kung bakit sila iniiwasan.
"Kasi naalala ko lahat ng nangyari sa akin. Ginawang pambabastos sa akin Brent noong may mga nagpakalat nga na crush ko siya," ani ni Jasper. Sinabi nina Loki na akala nila galit si Jasper.
"Gusto ko lang ng space at isa pa nabigla din ako sa pagdating niyo dito," ani ni Jasper. Sinabi ni Azure na hinanap talaga nila si Jasper.
"Bakit?" tanong ni Jasper. Napakamot si Tiago sa ulo at sinabing si Jasper na iyong parang pangalawang parents nila.
Kaedad ni Jasper si Loki at Tiago, bata naman ng isang taon si Azure. Naalala niyang siyang umakto na mga kuya dito since mas matangkad siya at gusto niya ng mga kapatid na lalaki.
"Pwede ba umupo kayong tatlo diyan sa bench. Sumasakit leeg ko sa pagtingala sa inyo. Ano bang kinakain niyo at ang lalaki niyong tao," ani ni Jasper. Para naman mga tuta na umupo ang tatlo sa bench.
"Kakausapin mo na kami?" tanong ni Loki. Bumuga ng hangin si Jasper at sinabing hindi naman siya galit kina Loki.
"Hindi ko din kayang magalit sa inyo ng matagal— iniiwasan ko lang kayo kasi katulad 'nan may kumakalat na naman na boyfriend ko si Loki."
"Hindi na tayo mga bata," sagot ni Loki. Sinabing kaya nilang pilipitin iyong leeg ng mambu-bully kay Jasper.
"Wala kaming pakialam sa mga iyon. Huwag mo na kami iwasan Jasper," ani ni Tiago. Niyakap siya ni Tiago na parang bata katulad ng ginagawa nito dati noong bata pa ito.
"Loko!" pinukpok ni Jasper ng mahina sa ulo si Tiago ng libro. Napahiwalay si Tiago at napahawak sa ulo.
"Ayoko ng issue at sabi niyo nga hindi na tayo mga bata. Huwag mo ng gagawin iyan tiyaka isa pa kapag nakita ka ng mga girlfriend ko babalian ka ng buto 'non," ani ni Jasper. Tiningnan siya ni Loki na may pagtatakha sa mukha.
"Mga?"
Naitikom ni Jasper ang bibig. Kalaunan napabuga ng hangin si Jasper at umupo sa kabilang bench. Ini-explain niya nga na apat ang girlfriend niya, may tatlo din siyang mommy at anim na kapatid na babae.
Tiningnan ni Jasper sina Loki. Napataas ang kilay ni Jasper at napatanong kung hindi ba ito mga nagulat o ano.
"Noong elementary tayo tatlong iba't ibang babae iyong pumupunta ng school para sunduin ka at tinatawag mo silang mommy," ani ni Loki. Sinabi ni Azure na medyo complicated iyon, kakaiba pero wala sila sa posisyon para isipin iyon at i-judge.
"May two dads din kami. I mean gay ang tinuturing na namin na mom ngayon," ani ni Azure na nakangiti. Tinanong ni Jasper kung anong nangyari. Naalala niya na hiwalay ang parents nina Loki at sa mommy nila siya nakatira.
"Pinalabas ni mom na nag-cheat si dad at pinagpalit siya sa gay. Iniwan kami. Sinabi niya iyon noong nakita niya na kasama ka namin at may nakapagsabi sa kaniyang teachers. Hindi ko alam iyong detalye basta iyon nagalit siya at sinabing layuan ka daw namin."
Hindi nakapagsalita si Jasper sa sinabi ni Loki. Sinabi ni Tiago 4 days after mag-transfer si Jasper kinuha sila ng daddy nila.
"Mabait iyong second mom niyo?" tanong ni Jasper. Iniba niya kasi may mga nilakdawan sina Tiago mukhang hindi ang mga ito komportable sabihin kung bakit sila kinuha at anong nangyari sa mom nila.
"Yes super," ani ni Azure na may malapad na ngiti. Nakatungkod ang dalawang kamay nito sa bench at nakatingin sa kaniya.
"Kapag nagagalit sa amin si dad kasi matigas ulo namin at naglilipat-lipat kami ng school para hanapin ka pinagtatanggol niya kami at isa pa nagbayad siya ng maraming detectives para hanapin ka," ani ni Azure. Natawa si Jasper at tinanong kung paano siya nahanap.
"Sa pagkakaalam ko hindi niyo alam surename ko, ani ni Jasper. Magkakaiba sila ng room at kahit grade 1 magkakaibigan sila hindi alam ng mga ito ang apilyido niya.
"Hindi din namin alam. Basta isang araw may binigay siyang pictures mo at alam namin na ikaw iyon!" ani ni Tiago. Lumambot ang expression ni Jasper matapos marinig iyon. Nagsisisi siya tuloy ngayon kung bakit hindi niya muna pinakinggan ang tatlo.
"Pero nalaman namin magta-transfer ka ng ibang school," ani ni Loki. Tinanong ni Loki kung dahil ba sa kanila.
"Hindi, nasa ibang school kasi mga girlfriend ko kaya lilipat ako."
Bumagsak ang balikat ng tatlo. Napangiti si Jasper at sinabing hindi nila kailangan sumunod.
"Bibigay ko address ko at tuwing weekend punta kayo sa bahay namin. Nandoon ako tuwing weekend. Bibigay ko din number ko para hang out tayo minsan. Hindi niyo kailangan lumipat ng school," ani ni Jasper. Natuwa naman ang tatlo matapos marinig iyon.
Binigay ni Jasper ang phone niya sa tatlo para kuhanin ang number niya at ilagay ang number nila.
"By the way si Desiree ba gumawa 'nan sa inyo? Siya lang mag-isa?" tanong ni Jasper. Napatigil ang tatlo. Sinabi ni Loki na dapat lang iyon sa kanila. Kinidnap daw nila si Desiree.
"Sa nalabas niyo pa lang siya ng school na hindi kayo nababalian ng buto duda na ako. Wala ba siyang ginawa sa inyong tatlo?" tanong ni Jasper. Napaubo si Azure. Namula ang tenga ni Loki at hindi makatingin si Tiago.
Napa-pokerface si Jasper. Tinanong ni Jasper kung anong ginawa ni Desiree kina Loki.
Maaring maliit na tao ang kakambal niya at babae ngunit isa pa din Ortega ang kapatid niya. Malahalimaw ang mga kapatid niyang babae at kung totoo nga na na-kidnap nina Loki si Desiree at nailabas si Desiree siguradong hindi nagkataon lang.
"Binugbog niya kami at binalaan na huwag kang guguluhin," sagot ni Loki. Napataas ng kilay si Jasper. Hindi makatingin ang tatlo.
Binalik ni Azure ang phone niya. Sinabi ni Azure na hindi sila gaanong nasaktan doon. Hindi sila binalian ng buto.
"Ha? Natutuwa ka pa? Puro pasa iyang mukha niyo?"

BINABASA MO ANG
Strange Tides
General FictionBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...