19

728 17 0
                                    

Chapter 19
3rd Person's POV
Nahila ni Jasper ang braso at agad na tumayo. Kinuha din nito ang bulaklak at pinagpagan ang sarili.

"Jasp—"

"Pasensya na hindi kita nakita," ani ni Jasper. Ang bilis ng tibok ng puso ni Jasper— parang lalabas iyon sa sobrang bilis. Nilampasan ni Jasper iyong lalaki.

Napamura ang lalaki at mabilis na hinabol si Jasper na papalayo sa gymn.

"Jasper sandali!"

Napamura si Jasper at sinabing anong ginagawa doon ng lalaki. Bakit nasa iisang university na naman sila. Walang kulay ang mukha ngayon ni Jasper. Ang bilis ng tibok ng puso niya at parang sasabog din ang utak niya matapos makarinig ng maraming boses. Tapos na din naman ang class hour kaya naman dumiretso na si Jasper sa parking lot. Uuwi na siya.

"Jasper, mag-usap tayos sandali lang."

Hinawakan ni Loki si Jasper. Napatigil si Jasper at lumingon. Masama ang timpla ng mukha ni Jasper na sinalubong ng tingin si Loki.

"Ano pang kailangan mo?" tanong ni Jasper. Napamura si Loki at sinabing matagal nilang hinanap si Jasper.

"Bakit bigla ka na lang nawala! Hinanap ka namin bakit—"

Napatigil si Loki matapos siya tingnan ni Jasper na parang sinasabi pa nito na bakit pa iyon tinatanong ni Loki kung alam naman nito ang sagot.

"Sorry," ani ni Loki. Nakayuko si Loki at paulit-ulit na nag-sorry.

Kaibigan ni Jasper ang magkakapatid na Lucero noong elementary days niya. Nauna pa niya ang mga ito nakilala at naging kaibigan kay Fider. Ngunit dahil sa isang issue at sa kumalat nga na gay siya— iyong tinuturing niyang mga kaibigan ang mga unang nag-judge sa kaniya.

Sari-saring mga panghuhusga ang nakuha niya 'non at iyong mga lalaking inakala niyang pipiliin ang side niya kasama ang mga kapatid tinalikuran siya.

"Bata pa din naman ako 'non. Wala akong naiintindihan at kahit pa naman ilang years na tayo magkakaibigan ni minsan hindi ka nag-open up sa amin. Wala nga kaming alam sa family background mo basta nakikipag-hang out ka lang sa amin. Wala kaming alam tungkol sa iyo."

Kalaunan sa loob ng parking lot nasa loob ng sasakyan si Desiree. Tatawa-tawa nitong kinuhanan ng litrato si Jasper at Loki. Sa side na iyon parang nagki-kiss ang dalawa.

"Ano kayang gagawin ng mga future in laws ko kapag nakita nila ito," ani ni Desiree na ngayon ay nakangisi.

Tuluyang nawala sa isip ni Jasper sina Ceres. Nakakain si Jasper sa mga oras na iyon ng anxiety niya at wala siyang mapagsabahin. Sa school walang ginawa si Loki kung hindi kulitin si Jasper.

Agaw pansin talaga sila doon at mas lumalaki ang issue na gay si Jasper dahil may gwapong guy na hinahabol siya.

Pati si Fider nadamay. Sinabihan na ni Fider na layuan na si Jasper.

Alam ni Fider ang sitwasyon niya at ito lang ang may alam sa nangyari sa kanila noong elementary days niya. Nakilala ni Fider si Loki.

"Sino ka ba! Gusto ko lang makausap si Jasper!"

Nasa parking lot sila ngayon. Hawak ni Jasper ng mahigpit ang braso niya. Mukhang napikon na si Fider at nakisali na din si Adonis.

"Umalis ka na kung ayaw mo tumawag ako ng mga pulis. Hindi na komportable si Jasper," iritable na sambit ni Adonis. Lagi niyang nakikita ang lalaki na iyon na sinusundan palagi si Jasper.

"Anong nangyayari dito?"

Napatigil si Jasper at sina Fider. Lumingon sila— bumaba sa isang black SUV car ang apat na babae. Nakasuot pa ang mga ito ng uniform at madilim ang anyong nakatingin kina Jasper.

"Boyfriend, bumalik ka lang sa university na ito at nagkahiwalay-hiwalay lang tayo sandali nakalimutan mo na may girlfriend ka," ani ni Lucinda. Wala na ang something sexy tone nito. Iyong mga estudyante na galing sa loob ng campus ay mga napatigil at natulala matapos makita sina Ceres.

Napatigil si Jasper matapos pumunta sa likuran niya si Ceres at hawakan ang panga niya habang nakatingin kay Loki.

"Mukhang nage-enjoy ka habang wala kami," malamig na sambit ni Ceres. Nagtaasan ang balahibo ni Jasper sa katawan matapos maramdaman ang mainit na hininga ni Ceres sa likod ng tenga niya.

"Fider, kinontak ko na sina tita Paris. Susunduin namin ngayong araw itong si Jasper at ibabalik namin siya sa lunes ng umaga," ani ni Ceres. Napa-what si Jasper. Kinaladkad ni Ceres si Jasper— tiningnan nina Vesta ng malamig si Loki at puno ng pagbabanta ang tingin.

"Ceres! Sandali! Hindi—"

Tinulak ni Ceres si Jasper papasok ng SUV. Sumakay si Ceres at sa kabila naman ay si Vesta. Sinubukan ni Jasper na mag-explain. Nawala sa isip niya tawagan sina Ceres at hindi niya na din mahanap iyong calling card na binigay ni Ceres.

"Ceres, hayaan niyo ako mag-explain," ani ni Jasper. Walang nagsasalita sa mga babae either si Lucinda at Levi.

Hinawakan ni Jasper ang panga ni Ceres ngunit hindi nagpatinag si Ceres. Nanatili itong naka-upo at naka-cross arm. Salubong ang mga kilay at hindi tinatapunan ng tingin si Jasper.

Dinala nina Levi si Jasper sa isa sa resthouse nila sa pampanga. Binaba ni Ceres si Jasper sa sasakyan at dumiretso sila sa isang mansion.

Binuksan ni Levi ang pinto. Ipinasok nina Ceres si Jasper  sa loob at tiningnan nilang apat si Jasper na parang batang sinusubukang i-explain na nawala ang calling card.

"Nawala o sinadya mo para makipag-get along sa lalaki na iyon," malamig na tanong ni Ceres at tinaas ang phone niya. Litrato iyon ni Jasper. May hawak siyang bulaklak. Sa litrato parang nagki-kiss sila ni Loki.

"Anong ibig sabihin 'nan Jasper? Ginamit mo lang ba kami para i-justify na lalaki ka. Lalaki na ba tingin mo sa sarili mo pagkatapos ng ginawa mong ito sa amin. Sana kung hindi ka sigurado tinurn down mo na kami agad. Bakit binigyan mo pa kami ng hope," ani ni Levi na ngayon ay nakayukom ang mga kamao.

Sinipa ni Vesta ang table at naiinis na sinuklay ang buhok.

"Tanggap namin na ganiyan ka eh pero iyong ganito— lumabas na ginagamit mo lang kami tapos pinakita mo na iba ka. Ginawa mo akong tanga," ani ni Vesta. Lumapit si Ceres at niluwagan ang suot niya na necktie.

"Have a sex with me Jasper. Nandito na din naman tayo— pagkatapos nito at gusto mo pa din sa lalaki na iyon pakakawalan ka na namin apat at ito na ang last na makikita mo kami."

Gusto nila si Jasper. Hindi nila alam kung anong meron sa lalaki ngunit gustong-gusto nila ito. Pakiramdam ni Ceres nasasakal siya tuwing nakikita niya ang litrato na iyon na nakikipaghalikan si Jasper sa ibang tao.

Hahalikan ni Ceres si Jasper nang ihilig ni Jasper ang ulo. Sa pisngi ni Jasper dumikit ang labi ni Jasper.

"I'm sorry."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon