Chapter 37
3rd Person's POV
Minulat ni Vesta ang mga mata. Napapalibutan si Jasper ng mga babae. Umupo ng maayos si Vesta at mabilis na umalis ang mga kaklase. Salubong ang kilat ni Vesta na tiningnan si Jasper."Bakit?" tanong ni Jasper. Napataas ng kilay at sinabing natulog lang Vesta sandali napalibutan na ng mga langaw si Jasper.
Natawa si Jasper at tinanong kung nagseselos si Vesta. Hinawakan ni Jasper ang bewang ni Vesta. Sinabi ni Vesta na huwag siyang hawakan ni Jasper.
Sinabi ni Jasper na ayaw niya. Bumaba ang kamay ni Jasper sa isang hita ni Vesta. Napataas ng kilay si Vesta at tinanong si Jasper kung gumaganti ang lalaki.
"Hindi ah," ani ni Jasper na natatawa. Kinuha na ni Jasper ang kamay sa mga hita ni Vesta at hinawakan ang kamay ng babae.
"Matulog ka na ulit," ani ni Jasper at ini-interwined ang kamay nilang dalawa. Hawak ni Jasper ang libro sa isang kamay niya at nagsimula na muling magbasa.
Hindi na si Vesta pinansin ni Jasper na kina-pokerface ng dalaga. Kinuha ni Vesta ang libro na binabasa ni Jasper. Napatingin si Jasper.
"Kailan ka pa nahilig sa mga ganito? Novel?" tanong ni Vesta. Natawa si Jasper at sinabing libangan niya na iyan since elementary.
"Ibalik mo na iyan," ani ni Jasper. Sinabi ni Vesta na hindi siya pinapansin ni Jasper dahil sa libro.
"Excuse, nandito ba si vice captain."
Napatigil si Vesta at tumingin sa pinto. May apat na magandang babae ang sumilip. Napasipol ang ilang mga lalaki sa classroom matapos makita ang apat.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Vesta. Sa ibang department ang mga ito at college students.
"After ng klase punta daw kayo ng gymn. I-start na ang practice para sa game natin next month," ani ng babae. Napatingin si Jasper— umalis na ang mga babae. Tinanong ni Jasper kung ano iyon.
"Kasali kami sa women's basketball team ni Ceres. Muntikan ba mawala sa isip ko na may game kami next month," ani ni Vesta. Biglang na-excite si Jasper at sinabing gusto niya manood.
Breaktime sinundo ni Jasper at Vesta si Levi. Katabi lang naman ng classroom nina Jasper ang room ni Levi. Sumilip si Jasper sa pinto. Nakita niya si Levi na napapalibutan ng mga babae. May ilang guys din na nagnanakaw ng tingin kay Levi.
"Psst."
Napatigil si Levi at lumingon sa pinto. Lumiwanag ang mukha niya matapos makita si Jasper na nakasilip sa pinto at parang batang kumakaway kay Levi.
"Una na alo guys," ani ni Levi at tumayo. Dali-dali nitong kinuha ang bag niya at pinuntahan si Jasper.
"Tapos na klase mo?" tanong ni Jasper. Ngumiti si Levi at sinabing kanina pa. Hinintay niya lang sina Jasper.
"Tara na sunduin na natin sina Ceres at Lucinda para makakain na tayo," ani ni Jasper at kinuha ang bag ni Levi.
"Oo nga pala. May sasabihin pala ako sa inyo mamaya," ani ni Jasper. Napataas ng kilay si Vesta at tinanong kung ano iyon.
"Sinabi ko nga kasi mamaya," ani ni Jasper at tumawa. Napailing na lang si Vesta at natawa.
Lumabas na sila ng building at tinahak ang daan patungo sa building nina Ceres.
"Ceres! Tama na iyan. Siguradong mapapatawag ka na naman 'nan sa dean's office eh," ani ni Lucinda na ngayon ay nakatakip ang mata.
Binitawan ni Ceres ang kwelyo ng ilang miyembro ng tennis club. Nagkalat ang mga lalaki sa sahig.
"Kilalanin niyo kung sinong binabangga niyo," iritable na sambit ni Ceres. Masakit ang katawan niya, balakang at nanginginig ang tuhod niya— binangga pa siya ng mga ito at inaya pa siya ng mga ito makipag-date.
Natakot ang mga estudyante na nakikiusyoso matapos sila lingunin ni Ceres. Sinigawan niya ang mga ito kung anong tinitingnan ng mga ito.
Para itong isang mabangis na lobo na katatapos lang manganak. Napaatras ang mga estudyante at nagkaniya-kaniyang alis.
"Ceres."
Napatigil si Ceres. Gumapang ang mga lalaki palayo. Lumingon si Ceres at nakita niya si Jasper.
"Sweety anong problema?" tanong ni Jasper. Napaigtad ang mga lalaki matapos magbago ang expression ng babae at parang maamong tuta na tumakbo kay Jasper at tinanong kung tapos na klase nito.
Napasapo si Vesta sa noo. Inutusan niya ang ilang mga estudyanteng nasa field na dalhin sa clinic ang mga nabugbog ni Ceres.
"Ang sakit kasi ng balakang ko tapos walang lakas mga tuhod ko. Binangga pa nila ako," sumbong ni Ceres. Tiningnan niya ang mga lalaki na halos hindi na makilala dahil sa mga pasa.
"Come here," ani ni Jasper. Binuhat niya si Ceres ng parang bata. Sinabi ni Jasper na uminom si Ceres ng gamot. Pinulupot ni Ceres ang mga braso sa leeg ni Jasper at humilig sa balikat ng lalaki.
Nakahinga sina Levi dahil kumalma na si Ceres. Kapag aburido kasi si Ceres hindi imposibleng mayanig ang buong university. Gagawa at gagawa ng gulo ang babae— kung hindi lang ito kapitan ng basketball team na nangunguna sa buong distrito, nangunguna sa ranking at student council's president hindi malabong na-kick out ito.
Tinahak nila ang daan patungong cafeteria. Hindi pinansin nina Jasper ang tingin sa kanila ng mga ka-schoolmate nila dahil buhat niya si Ceres.
Humanap sila ng table sa loob at iniupo ni Jasper si Ceres. Sinabi nina Vesta na sila na kukuha ng makakain nila.
Noong bumalik na sina Vesta puno na ang table nila. Naparami order nila. Hindi nila alam kasi ang gusto ni Jasper.
"Wait ang dami niyong order," ani ni Jasper. Sinabi ni Vesta na hindi nila alam ang gusto ni Jasper na pagkain kaya ini-order nila lahat.
"Hindi ba mauubos pera niyo?" tanong ni Jasper. Tumawa si Lucinda at sinabing para iyon kay Jasper they don't mind.
"Ako dapat nagi-spoil sa inyo. Lalaki ako kayo tapos babae kayo," ani ni Jasper. Napataas ng kilay si Vesta.
"Mamumulubi ka kapag naging maluho kami. Pasalamat ka na lang mas prefer namin ang katawan mo kaysa sa pera mo," ani ni Vesta. Naibuga ni Jasper ang iniinom matapos marinig iyon sa mismong bibig ni Vesta.
"Nagugulat pa din ako sa pagiging straightforward mo minsan," ani ni Jasper. Tumawa ang si Vesta.
"Hindi niyo ako kinuhanan ng pagkain," ani ni Ceres na ngayon ay naka-pokerface. Sinabi ni Levi na may pera si Ceres bumili siya.
"Marami itong ini-order niyo. Hindi ko ito mauubos. Share na lang tayo Ceres," ani ni Jasper at ibinigay kay Ceres ang ilang putahe.
Nagreklamo sian Levi at sinabing gusto din nila na bigyan siya ni Jasper. Madalas talaga hindi niya maintindihan ang mga babae. Nagkibit balikat si Jasper at inabutan niya din ng mga pagkain sina Vesta.
Likas talagang magugulo ang babae. Katulad ng sinabi ni Fider, ni Adonis at ng daddy niya— masanay si Jasper na palaging sumagot ng oo kung ayaw ng lalaki magkagulo.

BINABASA MO ANG
Strange Tides
Narrativa generaleBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...