33

659 17 0
                                    

Chapter 33
3rd Person's POV
Ilang oras din ang naging biyahe. Noong nakababa na silang lahat sa sasakyan may mga lumapit na mukhang bodyguard. Yumuko ang mga ito matapos makita si Ceres.

Kinuha ng mga ito ang gamit ni Ceres sa sasakyan. Sinabi ni Ceres na hindi na siya kailangan ihatid nina Jasper sa loob.

"Bye Ceres," bulong ni Jasper. Hindi tumingin si Ceres at nagpatuloy  sa paglalakad palayo.

Nakatayo lang doon si Jasper at nakatingin sa nakatalikod na si Ceres.

"Pumpkin, sure ka? Hahayaan mo si Ceres?" tanong ni Lucinda. Sinabi ni Jasper na ayaw niya na pahirapan pa si Ceres.

Pumasok na sina Lucinda at Levi sa loob. Sumakay na si Vesta sa driver seat. Tiningnan ni Vesta si Jasper sa labas ng sasakyan at nanatiling nakasandal sa pinto.

"Hintayin na muna natin hanggang sa makaalis ang eroplano," ani ni Jasper. Tumingin si Jasper sa langit.

Sobrang bigat ng mga paa ni Ceres. Ni ayaw niya ng gumalaw habang tinatahak ang daan patungo sa waiting area ng airport. Napapalibutan siya ng mga bodyguard ng ama niya.

Patungo si Ceres ngayon sa states. Nalaman ng ama niya na may kinakasama siyang lalaki at pinauuwi siya nito sa states. Nagagalit ito dahil kung sinu-sino daw lalaki ang pinapatulan ni Ceres.

Sa hinaharap siya ang magmamana ng company ng pamilya niya at business kaya naman hands on sa kaniya ang parents niya specially pagdating sa usapan na relationship.

Isang sikat na batikang modelo ang ina ni Ceres galing Paris at isa naman businessman ang ama niya. Parehong gumawa ito ng mga pangalan sa industriya na hanggang sa mga panahon na iyon ay iniingatan ng dalawa— to the point na napabayaan na siya ng mga ito. Kung wala itong natanggap na kahit anong balita tungkol sa kaniya 100% sure na hindi ang mga ito aabalahin na kausapin siya.

Habang naglalakad paunti-unti pumasok sa isip niya ang mga scenario kung saan nasa harap siya ng mahabang hapag kainan. Kaarawan niya iyon, puno ng pagkain, may malaking cake, maraming regalo at may maganda siyang damit.

"Mag-isa lang ako," bulong ni Ceres. Naaalala niya bigla iyong mga araw na nagmamakaawa siya sa parents niya na huwag muna umalis at tingnan siya.

'Daddy, mommy, tingnan niyo ako. Kahit sandali lang. '

May kausap sa phone ang dad niya habang ina ay busy sa pag-aayos sa sarili. Paulit-ulit ang mga ito sinasabi sa kaniya na manahimik at mag-behave.

May kausap sila o may ginagawa. Napatigil si Ceres sa paglalakad. Napatingin ang mga gwardya.

"Punta lang muna ako ng restroom," ani ni Ceres. Hawak ni Ceres ang phone niya at tinahak ang women's restroom.

Pumasok si Ceres sa restroom at nagkulong siya sa cubicle. Nanginginig na binuksan niya ang phone. Bumungad sa kaniya ang litrato nilang apat kasama si Jasper na may maliwanag na ngiti at naka-peace sign.

"Pamilya?"

Noong tumuntong siya sa tamang edad at dahil sa karanasan niya na din nangako siya sa sarili na hindi magpapakasal at hindi magpapamilya. Sa isip ni Ceres kalokohan lang ang bond at pamilya. Mabuhuhay ang isang tao kahit wala 'non basta may pera.

Napahawak sa dibdib si Ceres. Pumasok sa isip niya iyong scenario na unang nagkadikit ang labi nila ni Jasper, iyong pagtawag nito sa pangalan niya habang nasa ibabaw niya at haplos nito sa pisngi niya.

Sina Vesta at ang pamilya ng mga Ortega masayang magkasalu-salo sa hapag kainan.

"No, hindi ko kaya umalis," bulong ni Ceres. Isa-isang tumulo ang luha ni Ceres.

"That's good kasi hindi ka din namin papayagan."

Napatigil si Ceres at napaangat ng tingin. Nagulat siya matapos makita si Desiree na nasa kabilang cubicle at nasa itaas. Nakatingin ito sa kaniya.

"De-Desiree?" ani ni Ceres. Biglang sumulpot din si Lucky at Destiny. Kumaway ang dalawa.

"Nandito din kami sister in law," ani ni Lucky. Ngumisi pa ito kumaway.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Ceres at naiiyak na nakatingin sa tatlo na nasa itaas. Nakahawak ang mga ito sa pader.

"Sasama kami dapat sa iyo patungo sa states para alamin kung saan ka pupunta then susubukan namin kausapin ka," ani ni Desiree. Pinunasan ni Ceres ang pisngi at tinanong kung sinabi ba ni Jasper sa kanila.

"May connection kami ni Jasper. He's my twin brother you know. Balisa siya this past few days at kaya alam ko may koneksyon iyon sa inyong apat— tinanong ko si Levi at Vesta," ani ni Desiree. Bumaba sina Lucky at Destiny. Lumabas sila at binuksan ang pinto kung nasaan si Ceres.

"Gusto mo pa ba mag-stay kay Jasper?" tanong ni Lucky. Sinabi ni Ceres na gustuhin niya 'man hindi pwede.

"Oo lang naman at hindi ang tanong namin," sabat ni Destiny. Tinitigan sila ni Ceres at tumango.

"Then ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na," ani ni Destiny. Napatigil si Ceres at tinanong kung anong sinasabi nito na umuwi.

"Sa bahay niyo nina Jasper. Iyon ang bahay mo Ceres. Huwag kang weak— isa pa hindi ka na nag-iisa ngayon. Remember may mga magaganda ka ng in laws na anytime na naka-back up sa inyo," ani ni Desiree at nag-flip hair bago bumaba at lumabas ng cubicle.

"Paano kung hindi na ako tanggapin ni Jasper? May mga hindi ako magandang nasabi sa kaniya," ani ni Ceres. Sinabi ni Destiny na dapat humingi ng tawad si Ceres.

"Sina daddy—"

Hinila siya ni Desiree palabas at tinulak-tulak.

"Walang imposible sa isang pamilya kung magtutulungan. Iyon ang palagi mong tatandaan Ceres. Magtiwala ka lang naiintindihan mo ba?" ani ni Destiny.  Tinanong ni Ceres kung bakit nila iyon ginagawa.

Hinarap siya nina Lucky. Ngumiti sina Destiny.

"Because we're family."

Napatigil si Ceres matapos marinig iyon. Sinabi ni Desiree na nasa ilabas sina Phinea.

Binuksan ni Lucky ang pinto at hinila nila si Ceres. Lumingon si Ceres at nakita niya ang mga tauhan na nakatitig kina Phinea na nakangiti. Nakatalikod ang mga ito sa direksyon nila.

Pinasuot nina Lucky kay Ceres ang fake wig na nadala ni Desiree at pinasuot naman ni Destiny ang coat niya kay Ceres.

Nanginginig si Ceres habang tinatahak ang daan palabas ng airport. Nakita niyang nakatayo pa din doon si Jasper. Nakasandal sa pintuan ng sasakyan at nakatingin sa langit.

Maraming babae mula sa loob ang nakatingin sa labas dahil sa gwapong binata at mukhang modelong naka-pose doon tila may hinihintay.

Mabilis na naglakad si Ceres. Napatigil si Jasper nang may makita siyang babae na tumatakbo. Napatayo ng ayos si Jasper at binuka ang mga braso. Agad na sinalubong siya ni Ceres ng yakap at sunod-sunod na humingi ng tawad.

"It's okay atleast— bumalik ka. Hindi ka na aalis hindi ba?" tanong ni Jasper na may malambot na expression. Sunod-sunod na umiling si Ceres habang nakasiksik sa leeg niya Jasper. Sa unang pagkakataon gagawin ni Ceres ang gusto niya at magiging makasarili.

Wala ng hihigit pang mahalaga sa kaniya kung hindi manatili sa tabi ni Jasper at makasama ito.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon