Chapter 38
3rd Person's POV
"Ah, oo nga pala. Nakagkausap kami ni dad— after class ko simula sa lunes pupunta ako sa isa sa mga shop niya dito sa pangasinan. Magi-start ako mag-work," ani ni Jasper. Napatigil sina Ceres at tinanong kung para saan."Sinabi ko kasi kay dad in future gusto ko magpatayo ng restaurant. Sinabi ko na kung pwede mag-part time ako sa shop niya and pumayag siya," ani ni Jasper. Mag-aaral siya magpatakbo ng business at kalakalan sa mga shop. May sweldo din siya doon at makakaipon din siya after niya maka-graduate.
Tiningnan niya sina Ceres. Gagawa siya ng maraming painting para ibenta. Mag-iipon siya at iyon ang gagamitin niya para magpagawa ng bahay. Hindi naman kasi siya papayag na sina Ceres ang gagastos para sa bahay nila pati na din iyong sa kasal nila in future.
Napangiti si Jasper sa idea na kukuha siya ng pera sa sarili niyang sikap. Sinabi nina Lucinda na goodluck itinaas pa nito ang kamay at sumuntok sa ere.
"Oo nga pala Lucinda next month din ang competition niyo sa pageant. Nagi-start ka na din ba mag-prepare?" tanong ni Levi. Sinabi ni Lucinda na next week pa sila magpa-practice.
Natuwa si Jasper at sinabing gusto niya manood. Sinabi ni Lucinda na dapat lanh manood si Jasper. Sinabi niya na need niya ng motivation.
Nailing na lang sina Levi matapos mag-start magkulitan si Jasper at Lucinda.
"Kung may game kayo 100% sure ako one of this days ipapatawag ako ng dean natin para kausapin ang miyembro ng cheerleaders ng university natin," ani ni Levi. Si Levi ang captain. Sinabi ni Jasper na magiging busy pala sina Lucinda for the whole month.
Niyakap ni Lucinda sa leeg si Jasper at kiniskis ang mukha sa pisngi ni Jasper. Sinabi ng babae na hindi pa din nila kakalimutan ang oras nila para kay Jasper.
Tinulak ni Ceres ang mukha ni Lucinda palayo sa mukha ni Jasper.
"Kumakalat ang make up mo sa mukha ni Jasper," ani ni Ceres. Tiningnan ni Lucinda si Ceres at nilabas ang dila.
"Hindi na ako nagamit ng make up masyado kaya walang kakalat. Natural beauty na ito," ani ni Lucinda at tinuro ang pisngi niga. Natawa si Jasper.
Pagkatapos nila kumain lumabas na sila sa cafeteria. Dala ni Jasper ang mga gamit at nag-unat ng mga braso.
"Levi."
Napatigil si Levi at lumingon. Nakita niya ang ex boyfriend niya na si Daniel at may kaakbay na magandang babae. Naalala ni Levi na ito ang vice captain sa cheering squad.
Taas noo lumapit ang lalaki at tinanong kung kamusta ito. Ngumisi si Levi at sinabing happy at kuntento.
"By the way alis na kami. Malapit na mag-start ang next class namin," ani ni Levi. Nilagay ni Levi ang ilang hibla ng buhok niya sa tenga. Napatigil ang lalaki matapos maaninag ang mga pulang marka sa leeg ni Levi.
"May boyfriend ba si Levi?" tanong ng isa sa mga barkada ni Daniel. Napako ang tingin nila sa iisang lalaking kasama nina Levi. Dala nito lahat ng bag nina Levi at may kinakain na lollipop.
Bahagyang napatingin si Jasper kay Daniel. Napatigil si Daniel matapos parang nang-aasar pa itong dinilaan ang hawak niyang lollipop.
"Ang baklang iyon," ani ni Daniel na may madilim na expression. Paakyat si Vesta at Levi sa hagdan. Tumama ang paa ni Jasper sa baitang ng hagdan at nadapa.
"Kahit kailan talaga napakalampa mo," ani ni Levi at hinawakan nag braso ni Jasper. Natawa lang si Jasper at sinabing sorry.
Nasa hagdan ang tatlo nang may dalawang lalaki ang dumating. May pinulot itong school I.D.
"Jasper Ortega? Sa iyo ba ang I.D na ito?"
Napalingon ang tatlo. Nawalan ng kulay ang mukha ni Vesta matapos makita ang pamilyar na mga lalaki.
"Ang liit ng mundo. Nagkita tayo ulit Jasper," ani ng lalaki na katabi noong taong may hawak ng I.D ni Jasper.
"Brent," bored na sambit ni Jasper. Lumapit si Vesta at inagaw ang school I.D ni Jasper.
"Yuri Toan, anong ginagawa niyo dito at sinama mo pa talaga ang pinsan ni Ceres," ani ni Vesta. Ngumiti ng matamis ang lalaki at sinabing anong masama kung nandoon siya at sinama ang pinsan ng fiance niya.
Napatigil si Jasper matapos marinig iyon. Hindi siya tanga para hindi mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Si Ceres ang fiance nito at pinsan ni Ceres iyong guy na nagpahiya sa kaniya noong elementary.
Nakasuot ang mga ito ng uniform ng university nila ibig sabihin nag-transfer ang mga ito.
Hindi maganda ang kutob ni Levi sa dalawa. Feeling niya walang magandang idudulot ang dalawang iyon sa kanila nina Jasper.
Nag-bell na ibig sabihin magi-start na ang klase.
—Sa araw na din iyon pinakilala si Brent Wu at Yuri Toan sa klase nina Vesta. Maraming mga babae ang kinikilig dahil ang dami daw gwapo sa room nila.
"Kaanu-ano mo si Ceres Victoria Mr.Wu?" tanong ng teacher na may hawak na ilang dokumento.
"Pinsan ko professor," sagot ni Brent at ngumiti. Maraming babae ang nagbulungan at sinabing kaya gwapo.
"Okay umupo kayo. Doon kayo sa likod sa kabilang side ni Mr.Ortega," ani ng professor. Sa likuran lang naman may bakangteng upuan. Hindi sila tinapunan ng tingin ni Jasper.
Habang nagkaklase. Natatawang binato ng ginumos na papel sa ulo ni Brent si Jasper. Napatingin si Jasper— nakahilig si Brent sa table at nakatingin sa kaniya.
"Mas gwapo na ako ngayon. Ano? Lumalakas pa din ba ang tibok ng puso mo sa akin?" natatawa na sambit ni Brent. Tinaasan siya ni Jasper ng kilay at sinabing walang pinagbago si Brent.
"Ang kapal pa din ng mukha mo," ani ni Jasper. Pasimpleng tinakpan ni Vesta ang bibig at tumingin sa labas para maiwasan matawa.
"Ganiyan ka ba umasta sa childhood sweetheart mo?" tanong ni Brent na puno ng pang-aasar.
Naiyukom ni Jasper ang kamao. Hindi na naman siya titigilan ni Brent.
"Jasper, huwag mo na siya pansinin," ani ni Vesta at hinawakan ang braso ni Jasper. Napatingin si Jasper then inalis na nga ang atensyon kay Brent.
"By the way— Vesta, may boyfriend ka na ba? Mas lalo kang gumanda," ani ni Brent. Sinabi ni Brent na available siya mamaya.
Nawalan ng expression si Jasper. Nagtaas siya ng kamay. Napatingin ang teacher at tinanong si Jasper kung anong problema.
"Professor, si Mr.Wu hina-harassed ako," ani ni Jasper na nag-act na natatakot. Napatigil si Vesta at napaayos ng upo si Brent.
"Mr. Wu?" nanlalaki ang matang sambit ng teacher. Nagbulungan ang mga estudyante.
"Binato niya ako ng papel," ani ni Jasper at dinampot iyong papel na binato ni Brent sa kaniya. Binuksan niya iyon at pinakita iyong laman.
Drawing iyon ng dalawang lalaki na magkapatong. May mga estudyante na nagalit.
"Ang manyak."
"Hindi porket ganiyan si Jasper dapat mo na siya bastusin," ani ng class president. Isa ito sa mga naging kaibigan ni Jasper noong competition.
"What? Wala akong—"
Nilingon niya si Jasper. Nakayuko si Jasper at nakita ni Brent na palihim na napangisi si Jasper. Si Jasper ang nag-drawing sa papel na tinapon ni Brent.
Actually, wala na itong balak patulan si Brent at hayaan na lang ito ngunit binastos na nito si Vesta at ibang usapan na iyon.
BINABASA MO ANG
Strange Tides
Fiction généraleBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...