32

869 19 0
                                    

Chapter 32
3rd Person's POV
Noong friday ng hapon as usual sinundo nina Vesta si Jasper. Tinanong ni Jasper kung nasaan si Ceres.

"Maghihintay na lang daw siya sa mansion. Magluluto siya ng dinner," ani ni Vesta. Tinanong ni Jasper si Vesta kung mag problema si Ceres.

"Bakit?" tanong ni Vesta at lumingon. Hindi umimik si Jasper. Feeling niya may gumugulo kay Ceres. Tuwing weekend kasi tuwing gabi pinapasok siya ni Ceres sa kwarto.

Masyadong aggressive na dumating sa puntong nag-aalala na si Jasper. Feeling ni Jasper may mali.

Noong makarating na sila sa mansion bumaba na si Jasper sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto sina Vesta.

Tumungo na sila sa pintuan. Nakita ni Jasper si Ceres na nakatalikod at may hawak ng phone.

"Naiintindihan ko. Bukas uuwi na ako."

Napatigil si Jasper. Malamig ang boses ni Ceres at walang buhay. Tinawag ni Jasper si Ceres. Napatigil ang babae at lumingon.

Pinatay ni Ceres ang phone at tumingin kay Jasper. Ngumiti si Ceres— halatang fake iyon.

"Nandiyan na pala kayo. Luto na ang pagkain," ani ni Ceres. Tumalikod si Ceres at tinungo ang kusina. Hindi siya binigyan nito ng halik.

Nakatayo lang doon si Jasper. Nakatingin siya kay Ceres na umaakto na parang walang nangyari. Aalis ito bukas.

"Ceres, saan ka uuwi? May pupuntahan ka?" tanong ni Jasper. Tinungo ni Jasper ang kusina at nilapitan si Ceres.

"Hindi kita asawa para kailangan sabihin ko pa sa iyo kung saan ako pupunta. Narinig mo naman yata na aalis ako," ani ni Ceres habang nakatalikod at inaalis ang apron.

"Ceres, bakit ka ganiyan magsalita? Ayos  ka lang ba—"

"Sorry," ani ni Ceres at humarap kay Jasper. Sinabi ni Cere na sawa na siya sa bahay bahayan na iyon," ani ni Ceres. Napatigil si Jasper. Tumawa si Jasper at tinanong kung anong ibig sabihin 'non.

"Nakisakay lang ako sa trip nina Vesta that's it and i found it cool— wait bakit ka ganiyan makatingin?" tanong ni Ceres. Hindi alam ni Jasper ang ire-react— para kasing sinabi nito na lahat iyon act lang.

"Nasa matino pa naman akong pag-iisip para maghanap ng isang lalaki at hindi makipag-agawan sa tatlong babae. Iyong mas manly na lalaki at hindi mas maganda pa sa akin," ani ni Ceres. Parang sasabog ang puso ni Jasper matapos marinig iyon nagagalit siya kay Ceres dahil napaka-unfair nito ngunit— ayaw niya magsabi ng kung ano at masasaktan si Ceres.

Inalis ni Jasper ang pagkakayukom ng kamao at ngumiti ng bahagya.

"Hindi mo naman kailangan pahabain iyong word na makikipag-break ka na. Naiintindihan kita. Tulungan kita mamaya mag-impake then bukas ihahatid kita kung saan ka pupunta."

Napatigil si Ceres matapos marinig iyon. Sinabi ni Jasper na kumain na sila. Humila ng upuan si Jasper at kumuha ng makakain.

Nakatingin si Levi at Lucinda kay Jasper. Sabay-sabay sila nag-dinner noong gabi na iyon ngunit iba ang araw na iyon dahil lahat sila tahimik.

"Wala pa pala akong uniform," ani ni Jasper. Sinabi ni Vesta na paghatid nila kay Ceres ay bumili na sila ng uniform.

Matapos sila kumain si Jasper na ang nagligpit ng lamesa at si Levi naghugas. Hindi na pinaghahawak si Jasper ng hugasan dahil dumadami nga ang plato.

Umakyat na si Jasper sa hagdan matapos halikan sa pisngi si Levi. Sinabi ni Jasper na tutulungan niya pa mag-impake si Ceres.

Pag-akyat ni Jasper ng hagdan nakita niya si Vesta. Hawak nito ang braso.

"Kapag umalis si Ceres hindi na siya babalik," ani ni Vesta sinabi ni Jasper na alam niya.

"Hindi ba mahalaga sa iyo si Ceres? Bakit hindi mo siya pigilan?" tanong ni Vesta. Ngumiti ng mapait si Jasper at sinabing wala siyang karapatan.

"Desisyon niya iyon, pinili niya at alam niya na iyon ang makakabuti sa kaniya," ani ni Jasper. Napatigil si Vesta. Lumapit si Jasper at hinalikan ng magaan si Vesta sa labi.

Nakikita ni Vesta ng malinaw na nasasaktan si Jasper at naguguluhan ngunit tinatago iyon ng lalaki. Sinabi ni Jasper na matulog na si Vesta.

"Hihintayin kita sa room ko," ani ni Vesta. Napangiti si Jasper at tumango. Naglakad na si Jasper tungo sa room ni Ceres at binuksan iyon.

Nakita ni Jasper na may mga naimpake na si Ceres. Sinabi ni Jasper na siya doon.

Lumapit si Jasper sa closet ni Ceres at nilabas ang ilang gamit. Nakatitig lang si Ceres kay Jasper.

"Kung alam ko lang na last na sex na natin iyon sana nilumpo na kita. Iyong isang buwan ka hindi makakalakad nilubos ko na dapat," natatawa na sambit ni Jasper. Sinabi ni Ceres na may tatlo pang sex toy si Jasper.

Napatigil si Jasper ngunit hindi ito umimik at tinupi ang damit. Nilagay ni Jasper ang mga damit sa maleta ni Ceres.

"Labas na ako. Pahinga ka na Ceres, " ani ni Jasper at naglakad palabas ng kwarto ni Ceres.

Noong nagsara ang pinto itinaas ni Ceres ang mga tuhod at niyakap. Isa-isang tumulo ang luha ni Ceres at tinakpan ang bibig. Sobrang napu-frustrate si Ceres sa nangyayari hindi niya na alam ang gagawin niya. Sumubsob si Ceres sa mga tuhod at impit na umiyak.

Sa likod ng pinto ng room ni Ceres nakatayo si Jasper. Nakasandal ang lalaki sa pinto at nakayuko. Nasa likod ang mga kamay hawak ni Jasper ang door knob.

Nag-angat ng tingin si Jasper matapos bumukas ang pinto sa harap ng room ni Ceres.

"Jasper?"

Nakita ni Vesta na umiiyak si Jasper. Lumapit si Jasper sa kaniya at yumakap. Umatras si Vesta hinawakan ang door knob at sinara ang pinto ng room niya.

Kinabukasan,
"Last na ito," ani ni Jasper at sinara ang compartment ng sasakyan. Pinunasan niya ang noo at tinanong si Ceres kung may naiwan pa ito.

Umiling si Ceres. Lumapit si Jasper sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto sina Ceres.

Sinabi nga ni Ceres na dalhin si Ceres sa airport. Pumasok sa loob si Jasper at sinara ang sasakyan. Si Vesta ang nagda-drive.

Nakayuko lang si Ceres buong biyahe at tahimik ang lahat. Bahagya ni Ceres tiningnan si Jasper na malapit sa bintana katabi si Levi. Nakatingin ang lalaki sa labas ng bintana.

"Mukhang uulan ng malakas ngayong araw."

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon