Chapter 41
3rd Person's POV
"Makinig ka kina Vesta okay?" ani ni Paris at hinaplos ang buhok ng anak na lalaki."Yeah, kapag babae laging tama," sabat ni Jackson. Lumingon si Paris sa asawa at napataas ang kilay.
"May ibig sabihin ka ba doon Jack?" tanong ni Paris. Tumawa si Jackson at sinabing wala. Natawa ng mahina sina Levi.
Maya-maya dumating si Fider at Adonis kasunod sina Loki na may dalang mga prutas.
"Jasper," tawag nina Loki. Tinanong ni Paris kung sino ang mga kasama ni Fider.
"Wait, pamilyar sila," ani ni Dahlia. Sinabi ni Paige na sila iyong mga cute na bata na umiiyak palagi kapag inuuwi nila si Jasper at gusto sumama.
"Naalala niyo pa sila mom?" tanong ni Jasper at nilingon sina Dahlia.
"Ang gwapo kayang mga bata 'nan. Tiyaka sila lang iyong mga batang palagi mong kasama," ani ni Paige. Bumati sina Loki at namumulang sinabi na nandoon sila para dalawin si Jasper.
"Oh siya maiwan na muna namin kayo. Kakausapin namin ang doctor," ani ni Paris. Inaya ni Paris sina Dahlia at Jackson. Nagpaalam sina Levi at Jasper kina Jackson.
Noong magsara ang pinto sinabi ni Fider na siya ang nagsabi kina Loki ang nangyari sa iyo.
"Wait kailan pa kayo naging close?" tanong ni Jasper na natatawa. Umupo si Azure sa gilid ng kama.
"Sumali ako sa basketball team. Nakakausap namin si Fider madalas," ani ni Azure. Tinanong ni Loki kung anong nangyari kay Jasper.
"Wala pang isang araw ka sa university na iyon na-hospital ka na. Lapitin ka talaga mg disgrasya, " ani ni Fider. Tumawa si Adonis.
"Okay pa naman si Jasper. Buo pa naman yata ang utak mo," biro ni Adonis. Mga namura ni Jasper sina Adonis.
"Hindi ko naman gusto na maaksidente ako. Sinong gusto mabawasan ng dugo sa katawan," ani ni Jasper. Nakatingin si Tiago sa tatlong babae na nasa kabilang bahagi ng kama ni Jasper. Nakatingin ang mga ito kay Jasper.
"Gusto mo mawalan ng mata Tiago?" tanong ni Jasper at binato sa mukha si Tiago ng unan. Tinititigan kasi nito sina Vesta. Nasalo ni Tiago ang unan— napatingin sa kaniya ang tatlo.
"Ahh!"
Napaupo si Tiago sa pang-isahan na sofa. Napatingin sa kaniya sina Loki.
"Ano bang pinaggagawa mo Tiago?" tanong ni Loki. Tumayo si Tiago at hinawakan si Loki sa braso.
"Akala ko kasi mga manika," ani ni Tiago. Narinig niya tumawa si Levi at Lucinda matapos nga biglang sumigaw si Tiago.
"Nakatingin lang sila kasi kanina kay Jasper at hindi gumagalaw," ani ni Tiago. May naalala si Jasper— si Loki pa lang pala ang nakakakita kina Lucinda.
"Nasabi ko na may mga girlfriend ako. Si Vesta, Levi at Lucinda. Si Ceres wala pa dito," ani ni Jasper. Pinakilala niya iyong mga babae sa gilid niya.
"Natural sa inyo na maraminv girlfriend 'noh," ani ni Azure. Sinabi ni Azure na ang cool.
"Gusto ko din tuloy ng maraming girlfriend," ani ni Azure na may ngiti sa labi.
Biglang bumagsak ang pinto. Napataas ng kilay si Jasper at nagtanong kung hindi ba marunong magsara ng pinto si Desiree.
Napatigil si Jasper matapos biglang maglaho iyong tatlo sa harapan niya. Nilingon ni Jasper sina Fider na ngayon ay nakatingin sa mga lalaking nakatayo sa gilid ng kama.
"Nadulas ang kamay ko. Anyway, kamusta ka na? Almost 2 days ka din tulog," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na buhay pa naman siya.
"Saan ka galing? Nasaan sina Lucky?" tanong ni Jasper. Si Desiree pa lang nakikita niya ngayong araw.
"Hmm, nasa playground ko. Pinakita ko kasi sa kanila ang bago kong laruan. Mukhang trip din nila laruan ko kaya iyon pinahiram ko sa kanila," ani ni Desiree at natutuwang umupo sa gilid ng kama.
"Anong laruan? Playground?" tanong ni Jasper. Nilagay ni Desiree ang isang daliri sa labi at ngumiti ng matamis.
"Secret, stop asking. Hindi ko din naman sa iyo ipapahiram," ani ni Desiree. Nakatingin si Loki, Tiago at Azure kay Desiree as in hindi naalis ang tingin ng mga ito sa babae.
"Hindi din naman ako interesado. Masyado na akong matanda para maglaro," ani ni Jasper na ang iniisip ay maating iyong mga stuff toys na mahilig ikolekta ni Desiree.
Napatigil si Desiree matapos mag-ring ang phone niya. Binuksan niya iyon at agad na sinagot.
"Des, nasaan ka? Nasa baba na kami."
Boses iyon ng lalaki. Tumayo si Desiree at nilingon sandali si Jasper.
"Balik ako mamaya," ani ni Desiree. Sinabi ni Desiree na hintayin siya sa baba.
Lumabas si Desiree ng kwarto dala ang phone. Lumingon si Levi at tinanong kung may boyfriend si Desiree.
"Hindi ko alam. Hindi ko din sure," ani ni Jasper. Sinabi ni Jasper na araw-araw iba't ibang lalaki kasama ng kakambal niya.
"Hindi ka nag-aalala?" tanong ni Lucinda. Ngumiwi si Jasper at hindi sumagot. Paano niya sasabihin sa babae na si Desiree iyong tipong sa abductor ka mag-aalala at hindi sa babae.
"Naalala ko noong 15 years old kami may limang college student ang nagreklamo sa mga police. Nireklamo nila si Desiree— binugbog sila ni Desiree then nalaman namin na hina-harassed nila si Desiree kaya sila binugbog ni Desiree na naging reason para apat na buwan sila ma-confine sa hospital," ani ni Jasper. Napatigil sina Levi.
Hindi naman na nagtataka doon si Jasper. Nasa dugo na nila iyon at mapapansin naman sa mga mommy nila.
May mga pumasok na doctor. Sinabing itsi-check nila na muna si Jasper.
Kinabukasan,
Dumating na si Ceres. Agad na niyakap ni Ceres si Jasper na sinubukan tumayo matapos siya makita."Jasper," ani ni Phinea. Lumapit din ang tatlo at tinanong si Jasper kung kamusta na lagay nito.
"Wala namang serious injury."
Nagpasalamat si Jasper kina Phinea. Minura ni Palisia at sinabing wala pang isang linggo noong nawala sa bahay nila si Jasper naging others na ito.
"Para saan ang thank you! Sira ulo ka," ani ni Palisia at pinisil ang dalawang pisngi ng kapatid niyang lalaki.
"Aww! Aww! Hindi na nga magta-thank you!" ani ni Jasper habang hawak sa wrist ni Palisia na kasalukuyang pinipisil ang pisngi niya.
Binitawan ni Palisia ang pisngi ni Jasper at sinabing huwag na sila tatakutin ng ganoon.
"Masyado kang reckless Jasper," ani ni Palisia. Hindi kasi ganoon ang pagkakakilala nila kay Jasper. Kahit sana kumuha ito ng fire extinguisher at hinampas kay Yuri hindi ba.
"Okay na naman ako at nandito na si Ceres," ani ni Jasper at hinawakan ang kamay ni Ceres. Tumingin si Jasper kay Ceres na puno ng pag-aalala ang expression.
"Natuto na ako. Hindi talaga maganda madalas ang karahasan magpadala sa emosyon," ani ni Jasper. Muntikan na siya mapahamak and worst nadala ni Yuri si Ceres.
BINABASA MO ANG
Strange Tides
General FictionBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...