15

743 17 0
                                    

Chapter 15
3rd Person's POV
Tumungo sila sa isang restaurant sa labas ng mga cottage. Nasa likod ni Jasper sina Ceres. Lumapit sina Jasper sa table matapos sila ayain nina Paris.

Tumabi si Jasper kay Adonis. Tinanong ni Jasper kung nasaan si Fider.

"Gising na si Fider pero sabi niya mamaya na siya kakain. Sasabayan niya yata sina Lucky," sagot ni Adonis. Nagsimula na sila kumain. Hindi naman makadampot sina Ceres mg kubyertos dahil hindi nila alam kung paano titingnan ang parents ni Jasper.

"Huwag niyo titigan ang pagkain. Kumain kayo," ani ni Paris. Ni minsan sa buhay nina Ceres hindi sila nakaradam ng pressure except sa harap ng family ni Jasper.

"Bakit ganiyan mukha niyo? Nahuli ba kayo nina mommy na nakikipag-sex kay Jasper?" tanong ni Phinea.

Napaubo si Ceres. Nabitawan ni Jasper ang kutsara na hawak at muntikan na mabuga ni Vesta ang iniinom na tubig.

Hindi nag-react si Adonis siguro dahil sanay na din siya sa pamilya na iyon.

"Ate Phinea!" ani ni Jasper. Namumula ang tenga ni Jasper. Natawa si Phinea at tinanong kung bakit.

"So far, hindi pa naman," ani ni Paige. Gusto na lang ni Lucinda lumusot sa lamesa at itago ang sarili.

"Kung uncomfortable kayo sabihin niyo lang. Normal ang conversation na ito sa family namin specially sa mga babae," ani ni Jackson na sapo ang noo. Nag-peace sign si Phoebe. Uminom si Ceres ng tubig at umiling.

"Is that— hi-hindi lang kami sanay," ani ni Levi na ngayon ay nakatakip ang bibig.

"Hmm, kung magde-decide na kayo sirain ang buhay niyo at kuhanin ang virginity ni Jasper dapat masanay na kayo sa ganitong environment especially magiging in laws niyo kami," ani Phinea. Biglang natanong ni Phinea kung sino sa apat ang girlfriend ni Jasper.

"Please ate kumain ka na lang," ani ni Jasper na halos hindi na malunok ang kinakain niya dahil sa ginagawang pangha-hotseat ng mga kapatid niya kina Ceres.

Natapos din naman ang breakfast nila kahit ilang beses na ni Jasper ninais saksakan ng tinapay ang bibig ng mga kapatid niya para mga manahimik.

Tumungo na lahat sa beach then doon nakita ni Jasper si Fider na nakaupo sa buhanginan. Umupo si Jasper sa tabi ni Fider.

"Hinihintay mo sina Lucky?" tanong ni Jasper. Biniro pa ni Jasper na bago pinagod ni Jasper ang mga kapatid niya kaya tinanghali.

Inasara ni Jasper si Fider. Natatawa naman ni Fider inakbayan si Jasper at pabirong sinakal.

"Gago ka, imbis asarin mo ako dapat nagsisimula ka na magkwento ngayon."

Napatanong si Jasper kung anong dapat ikwento niya.

"Iyong sa iyo at kina Ceres. Anong meron?" tanong ni Fider. Ito naman ang nang-aasar ngayon sinabing friends pa lang sila.

"Jasper! Gagawa kami ng sandcastle! Ayaw mo makipaglaro sa amin?" tanong ni Lucinda.  Tumanggi si Fider at sinabing sasamahan niya na muna si Fider doon.

Napa-pokerface sina Levi. Sinabi ni Fider na sumama loob nina Levi.

"Halatang gusto ka nila makasama doon," ani ni Fider. Sinabi ni Jasper na mainit. Ayaw niya masira ang skin niya.

Umayos ng upo si Jasper natawa si Fider at sinabihan ng gago si Jasper. Bumulong si Lucinda ng kj.

"Uy daming seashell. Lagay niyo diyan at tapos kuhanan natin ng picture," ani ni Levi. Nakaupo sa buhangin sina Ceres.

Marami ngayon ang lalaking kasalukuyang nakapako ang tingin sa apat dahil sa ganda ng mga ito at hugis ng katawan.

Hanggang sa maya-maya may mga lumapit sa kanilang grupuhan ng lalaki. Napatingin sina Ceres.

"Mag-isa ba kayo?  Kailangan niyo ng makakasama?" nakangising tanong ng isa sa mga lalaki. Napataas ng kilay si Lucinda.

"Nakita niyong apat kami dito. Sa tingin niyo naghahanap pa kami ng kasama?" tanong ni Lucinda. Tumayo sina Ceres. Tumawa ang mga lalaki at sinabing huwag ng magsungit.

"Nakikipagkaibigan lang naman kami," ani ng mga lalaki at nakangisi. Napatigil ang apat na babae matapos marinig ang boses ni Jasper.

"Ceres, tara na. Mainit diyan," tawag ni Jasper hindi sa kalayuan. Agad na nawala iyong apat sa harapan ng mga lalaki.

Parang mga tuta sina Ceres na lumapit kay Jasper na napabuga na lang ng hangin. Hindi niya pwede alisin ang apat sa paningin niya. Ngayon alam niya na kung bakit laging nakabuntot ang daddy at si Fider sa mga mommy niya at sa mga kapatid.

"Iyong sand castle namin. Ipo-post namin iyon sa instagram," ani ni Lucinda. Sinabi ni Jasper na igagawa niya sina Lucinda.

"Kukuhanan ko na din kayo ng mga litrato," ani ni Jasper. Inaya niya ang mga ito sa lugar kung nasaan ang mga kapatid niya kasama si Adonis na binabaon ng mga kapatid.

"Ceres!" sigaw ni Phoebe na mukhang nage-enjoy sa paglalagay ng mga ito ng buhangin sa katawan ni Adonis.

Kumaway sina Phinea. Lumapit su Jasper sa medyo basain na buhangin at nagsimula doon humulma ng something sa buhangin. Pinapibutan siya nina Ceres.

"Kumuha kayo ng gusto niyo ilagay dito. Huwag na kayo babalik doon," ani ni Jasper. Natutuwa naman na umalis sina Ceres para kumuha nga ng ipangdidisensyo nila sa sand castle.

Basta related sa art walang hindi kayang gawin si Jasper. Madali siyang nakakagawa ng sand castle. Napa-whoa sina Lucinda matapos makitang sumusubok si Jasper na gumawa ng malaking sandcastle.

"Saan ka natuto 'nan?" tanong ni Vesta. Sinabi ni Jasper na mahilig siya makipagkompetensya sa kakambal niya gumawa ng sandcastle.

"Past time namin ito ni Desiree noong mga bata pa kami kapag nagbabakasyon," ani ni Jasper. Pangkatapos ng ilang minuto ay natapos iyon.

Manghang-mangha sina Ceres. Sinabi ni Jasper na sila na ang mag-design. Habang nagde-design ang apat at nilalagay iyong mga seashells, bulaklak at starfish  ay kinuha ni Jasper ang phone niya.

Kinuhanan niya ang apat. Natawa si Jasper. Stolen shot lang iyon— kahit saang view maganda pa din ang apat.

Pinalitan niya ang lockscreen at  nilagay ang litrato ng apat.

"Cutiepie! Tingnan mo gawa namin," ani ni Levi. Pinakita nila iyong ginawa nilang design sa castle. Pinigilan ni Jasper matawa. Mukhang sinugod ng mga starfish iyong sandcastle,  nakulong iyong mga seashell at ginawang lapida iyong itaas ng tore sa dami ng bulaklak.

"Bakit ka natatawa?" tanong ni Vesta. Sinabi ni Jasper na hindi ganoon ang pade-design.

"Teka ako gagawa," ani ni Jasper. Inabot niya kay Ceres ang phone niya at lumuhod para damputin iyong mga star fish.

Saktong bukas ang screen ng phone ni Jasper at hindi ito naglalagay ng password. Nakita nilang nandoon ang picture nilang apat.

"Huwag niyo damihan masyado nag seashell. Bukod kasi masisira ang castle medyo pangit tingnan pagdikit-dikit."

Nag-selfie silang apat sa phone na iyon. Nag-peace sign sila at ngumiti sina Ceres.

Lumingon si Jasper at naitago ni Ceres ang phone sa likod niya.

"Nakikinig ba kayo?" tanong ni Jasper. Ngumiti si Lucinda ng matamis.

"Yes?" sagot ni Lucinda na patanong. Napasapo si Levi sa noo.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon