29

684 15 0
                                    

Chapter 29
3rd Person's POV
Nasa harap sina Paris, Jasper, Lucinda at Levi ng mga pulis.

Nasa police station sila ngayon kaharap ang parents nina Jairus at Jake. Hindi makapaniwala si Lucinda na magiging mabilis ang proseso ng kaso after 2 days kasi nadala na ng mga pulis sa presinto ang mga tinuro ni Lucinda na mga namolestiya sa kaniya at may mga witness.

Tiningnan ni Levi sina Paris. Ngayon gusto niya magtanong kung ano bang klaseng tao ang parents ni Jasper.

"Nagpapaniwala kayo sa babaeng iyan. Nakikita niyo ba tiyura nan? Kung nagalaw 'man siya ng mga anak ko siguradong kagagawan niya lang din at inakit niya. Mga menor de edad ang mga anak ko!" sigaw ng ginang. Napangisi si Paris.

"Wala sa edad ang pagiging rapist. Simula ng elementary si Lucinda minomolestiya na siya ng mga anak mo hindi lang ang mga anak mo pati na din ang asawa mo at kapatid ng asawa mo."

Sinabi ng matanda na wala itong ebidensya. Pinalabas ng mga pulis ang mga dating katulong sa mansion ng mga taong kumupkop kina Lucinda. Nagulat sina Jairus. Mga katulong nila ito noong nasa pilipinas sila.

"Nagbayad ako ng maraming tao para hanapin sila. Wala naman kayong balak sigurong sabihing hindi niyo sila kilala. Nasa kanila pa ang mga kontrata na patunay na nagtrabaho sila sa inyo ng ilang taon at pinaalis ng walang sapat na dahilan," ani ni Dahlia. Hinawakan ni Levi ng mahigpit ang kamay ni Lucinda.

"Pinaalis nila kami kasi nangialam kami. Ilang beses kami sumubok magsumbong sa pulis dahil hindi na namin nakayanan ang ginagawa nila sa batang si Lucinda. Binabayaran niya lang ang mga pulis tapos pinaalis na kami."

Nagalit ang babae at sinabihan ang mga ito na hampas lupa. Binayaran lang daw nina Paris ang mga katulong para maging witness.

"Ano naman kung ganoon nga pera-pera lang naman talaga dito diba?" ani ni Paige. Naka-cross arm ito ngayon at tinitingnan ang mga kuko niya.

"Problema lang ngayon mas marami kaming pera sa inyo kaya ito nandito kayo ngayon at wala kayong mabayarang pulis either lawyer," ani ni Paige at natatawang inangat ang tingin.

"Dalhin pa ba natin ito sa korte o isusuko mo na iyang nga anak mo at asawa para ikukulong na lang sila sa munting lupa," tanong ni Paris. May dumating na lawyer. Ngumisi si Paris.

"Marami akong wawaldasin na pera— ikaw ba? Handa ka bang ubusin lahat ng pera mo sa banko para lang sa mga hudlom mong asawa at mga anak?" tanong ni Paris. Naiyukom ng babae ang kamao.

"Mommy!" sigaw ni Jake at hinawakan ang braso ng ginang.

"Sa sitwasyon na ito hindi ako papayag na hindi makulong ang sumira sa buhay ng isa sa daughter in laws ko. Handa akong ubusin ang pera ko makulong lang kayong lahat," ani ni Paris na ngayon ay nakaupo sa table at ngumisi.

Sinabing babae na nababaliw na sila. Nagsasayang lang sila ng oras at pera kay Lucinda.

"Wala iyang delikadesa katulad ng ina niya at—"

Nagulat ang babae matapos makitang may binunot na baril si Dahlia. Kinuha niya iyon mula sa pulis na nagulat din sa mabilis na pagkuha ni Dahlia at pagkasa.

"Kanina talaga ako naiirita sa bibig mo. Iyan kaya unang pasabugin ko. Ako na bahala sa hospital fees," ani ni Dahlia. Nawalan ng kulay ang mukja ng babae.

Umikot si Paige at naglakad patungo sa side ng pamilya ng babae. Hawak ng mga pulis iyong asawa ng ginang na parang ulol na aso ngayong nakatitig sa magandang katawan ni Paige.

"I just wondering kung anong klaseng pamilya ang kinalakihan nina Lucinda. Nagpa-background ako ng ilang information about sa inyo," ani ni Paige. Nabato sa kinatatayuan ang lalaki matapos mula sa likod hawakan ni Paige ang dibdib ng lalaki. Napalunok ang lalaki. Nagsisigaw ang ginang at sinabing layuan ng higad na si Paige ang lalaki.

"Ako higad? Sa ilang years na pananatili ko sa mundong ito iisang lalaki lang ang hinawakan ko," ani ni Paige at inosenteng ngumiti.

"Ay mali dalawa pala. Binuhat ko pala iyong anak kong lalaki— anyway balik tayo sa nakatuwang tinatago nitong magaling mong asawa," ani ni Paige. Binaba ni Paige ang kamay niya patungo sa puson ng lalaki.

Napatitig ang mga pulis na nasa loob at ang mga tito nina Lucinda na nasa loob din.

"May pinatayo kayong orphanage 12 years ago ang guess what. Araw-araw nandoon itong asawa mo— akala mo naman kung sinong pilandrapo na may malaking malasakit sa mga bata.".

Noong bumaba ang kamay ni Paige. Napasigaw ang lalaki matapos iyon pigain ni Paige. As in piniga ni Paige ang  itlog ng lalaki at bumaon ang kuko nito.

Naninigas kasi iyon at naging pagkakataon iyon ni Paige para ibaon ang mga kuko at wasakin ang alaga ng lalaki. Nanlaki ang mata nina Lucinda.

Nag-iiyak ang lalaki sa sakit. Sinabi ni Paige na lahat ng bata doon minomolestiya ng lalaki at apat sa mga batang nasa orphanage ang na-rape.

Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang babae matapos marinig iyon.

Lumapit si Paige kay Jackson na may hawak na tissue. Kinuha ni Jackson ang kamay ni Paige at buong ingat na pinunasan. Napangiti si Paige at hinalikan sa pisngi ang asawa. Nilingon ni Paige ang babae.

"So? Ano ng desisyon mo, Mrs. Santos? " tanong ni Paige. Tumawa si Paige at sinabing kapag dinala pa nila iyon sa korte uubusin ni Paris ang pera ng mga Santos.

"Hayaan mo ang asawa at mga anak mo then ibigay mo ang custody ni Levi kay Lucinda, " ani ni Paige. Mangiyak-ngiyak sina Jairus. Sinigawan ng ginang sina Jake na manahimik at sinabing kasalanan nila iyon lahat.

Tiningnan ng ginang si Lucinda at sinabing kung pwede nila iyon pag-usapan.

"Alang-alang sa ginawa namin pagkupkop sa inyong magkapatid. Pag-usapan natin ito. Hindi niyo makukuha ang pera ng pamilya mo kung hindi sa amin hindi ba? Pinalaki namin kayo tapos pinatira sa bahay— Lucinda—"

Itinapon ni Dahlia ang bugkos ng pera sa table. Dalawang bag ng pera ang tinapon ni Dahlia sa lamesa.

"Bayad na si Lucinda at Levi sa mga pinagtustos niyo sa kanila mula elementary," ani ni Dahlia. Nagulat sina Lucinda. Sinabi ni Dahlia na tapos na ang usapan. Binuksan iyon ng ginang at nakakita siya ng maraming pera.

"Tita Dahlia," ani ni Levi. Ginulo ni Dahlia ang buhok ni Levi at sinabing huwag nila alalahanin ang pera. Kinindatan siya ng babae at sinabing marami sila 'non.

Nanginginig ang ginang habang nakatingin sa maraming pera. Hindi nito maalis ang mga mata sa dalawang bag na puno ng pera.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon