Chapter 49
3rd Person's POV
Nakatingin si Lucinda sa full size mirror. Kahit ang mismong instructor nina Lucinda ay namangha. Nakaitim na two piece si Lucinda at may pulang tela na tinupi si Jasper. Pinulupot niya iyon sa bewang ni Lucinda.Maraming mga kalahok ang namangha sa ginawang pag-aayos ni Jasper kay Lucinda.
"Perfect, pakuhanan niyo na agad siya ng litrato," ani ng instructor. Agad na niyakap ni Lucinda si Jasper at nagsabi ng thank you.
"How about tulungan mo na kami dito. Kami na bahala kumausap sa dean para dagdagan ang sweldo mo," ani ng instructor. Ngumiti si Jasper at sinabing ayos lang— dagdag pera din iyon.
"Ayos lang ba na isama natin siya sa team? Puro babae ang kasali sa competition," ani ng assistant. Tumingin sila kay Jasper.
Sinabi ni Jasper na walang gaanong problema doon. Sinabi ni Jasper na girlfriend niya si Lucinda.
Na-shocked ang instructor at ilang staffs. Natawa ang staffs at sinabing mukhang wala ngang problema doon. Walang dahilan si Jasper para humanap pa ng iba si Jasper.
Ang nangyari lahat ng babae na nasa competition siya nagde-decide kung anong susuutin at bagay na make up.
"Ahm, wait— ayos lang ba na hawakan kita?" tanong ni Jasper. Nagpapaalam si Jasper bago hawakan ang parte ng katawan ng mga client niya.
"Ahm, iyong foundation. Ang pangit ng foundation. Kapag pinagpawisan siya im sure magbubuo-buo ito," ani ni Jasper. Pinabubura niya iyong make up.
Tumalikod na si Jasper at nilapitan si Lucinda na kasalukuyang nilalagyan ng foundation. Sumandal si Jasper sa table at dinampot iyong ilang cosmetics na nasa lamesa ni Lucinda.
"Tapos ka na?" tanong ni Lucinda. Nakatingin na lang kasi si Jasper sa kaniya.
"Dalawa na lang ang kailangan pang kuhanan ng litrato para sa event."
Apat na araw na lang magi-start na ang event. Hindi tuloy ni Jasper maiwasan ma-excite makikita niya kasi maglaro sina Ceres, sumayaw si Levi at rumampa si Lucinda.
Inimbitahan din niya ang parents niya at sinabi nga ng mga ito na pupunta sila. After ng maraming preparation nagawa na din ni Jasper magpahinga at masasabi niya ng tapos na lahat ng kailangan niyang gawin.
Tapos na din kasi iyong sa auditorium. Bakante na siya. Tinanong ni Joey kung para kanino iyong mga dalang tubig ni Jasper.
"Para kina Ceres. Punta ako ngayon sa gymn. Panoorin ko sila," ani ni Jasper. Tumawa si Troy at tinanong kung hindi magseselos si Lucinda. Alam ng mg ito si Lucinda girlfriend niya siyempre girlfriend niya naman talaga iyon ngunit hindi lang si Lucinda.
"Nagwo-work din ako kina Ceres hindi ba? Sige na una na ako," ani ni Jasper. Kumaway sina Joey. Tinahak ni Jasper ang daan patungo sa gymn.
Marami ulit nanonood. Nakipagsiksikan si Jasper at naghahanap na siya ng upuan.
"Boyfriend ni captain! Dito ka!"
Napatigil si Jasper at lumingon. Tinatawag siya ng mga ka-team nina Ceres. Bumaba si Jasper at nilapitan sila na nasa bench. Nass gitnan sina Ceres at Vesta na mukhang nagpo-focus na sa practice.
"Maraming tao wala ka mauupuan doon. Wala din naman si coach kaya pwede ka dito," ani ng babae. Ngumiti si Jasper at nagpasalamat. Umupo si Jasper sa bench ngunit medyo malayo sa iba pang babae. Need niya medyo dumistansya may girlfriend na siya. Nag-gesture si Ceres. Tinaas niya ang kamay at iniyukom iyon.
Tumakbo na si Ceres pabalik. Napatigil pa ito matapos siya makita.
"Puffin, anong ginagawa mo dito tapos ka na?" tanong ni Ceres at lumapit sa lalaki. Pawisan si Ceres. Nakalugay na naman ang buhok ng babae. Tumayo si Jasper para paupuin si Ceres.
Kinuha ni Jasper ang bag niya. Kumuha si Jasper ng tubig at iyong maliit na fan. Sigurado kasi nakalimutan na naman iyon ng babae.
Binuksan na ni Jasper ang fan at iyong iinumin ni Ceres. Nakatingin lang iyong mga miyembro ng team ni Ceres.
"Ayos ah. Alilang alila ang datingan."
Napatigil si Jasper at lumingon. Mga varsity team ito na katatapos lang din maglaro kanina. Nakaupo sa kabilang bench. Inaasar siya ng mga ito.
"Alagang-alaga para hindi iwan ganoon."
Napapalibutan ng mga babae ang grupuhan. Napatingin si Ceres na kasalukuyang umiinom ng tubig.
Hindi sila pinansin ni Jasper. Napakunot ang noo ng mga ito. Pinunasan ni Ceres ang pisngi.
"Hindi ka na naman nagdala ng ipit?" tanong ni Jasper. Tinaas ni Ceres ang kaliwang kamay niya. Nandoon ang ipit ni Jasper sa buhok na last time niya binigay kay Ceres.
"Bakit hindi mo ginagamit. Hindi ba nakakasagabal sa paglalaro mo iyang buhok mo?" tanong ni Jasper at kinuha iyon. Patuloy lang si Ceres sa pag-inom ng tubig.
Inipitan ni Jasper ang buhok ni Ceres. Napatigil si Jasper matapos may bumato sa kaniya ng plastic bottle. Tinapos na muna ni Jasper ang pagtatali ng buhok ni Ceres bago nilingon ang mga lalaki.
"Kuhanin mo," ani ng lalaki. Tinatawanan ng mga ito si Jasper.
"Hindi ko alam kung anong trip niyo sa buhay ngunit huwag naman kayo papahalata na naiinggit kayo," ani ni Jasper. Naglakad si Jasper palapit sa lalaki. Napatingin si Ceres.
"Anong gusto mo? Gulo ha?"
Napatigil ang lalaki matapos huminto sa haraoan niya si Jasper. Tinungkod ang dalawang kamay nito sa sandalan ng bench. Napasandal ang lalaki at nanlalaki ang matang nakatingin kay Jasper na nilapit ang mukha sa kaniya.
"Napaghahalataan kasing walang nagkakainteres at nag-aalaga sa iyo," ani ng lalaki. Ngumisi si Jasper.
"Baka gusto mo alagaan din kita?"
Namula ng todo ang lalaki. Napa-pokerface si Ceres at tumayo. Lumapit si Ceres— sabay pang nahila ni Vesta at Ceres si Jasper palayo.
Nagkatinginan si Vesta at Ceres. Inosente silang nilingon ni Jasper. Tinanong ni Jasper kung bakit. Binitawan ni Vesta si Jasper at sinuklay ang sariling buhok.
"Kailangan ba kapag makikipag-usap ka kailangan mo pa ilapit ang mukha mo."
Tinulak ni Ceres patalikod si Jasper. Nilingon ni Ceres at Vesta ang lalaki n kausap kanina ni Jasper. Sinamaan nila ng tingin ang mga ito.
"Back off," pikon na sambit ni Vesta. Tinanong ni Jasper kung bakit siya tinutulak ni Ceres.
Naiinis sina Ceres dahil lalaki o babae nagiging kaagaw nila kay Jasper.
—Sa araw mg event,
Kasama ni Jasper ang parents niya sa pag-attend ng game nina Ceres at panonood kay Levi. Kasama ni Jasper si Lucinda since mamayang gabi pa naman iyong fashion show.Naiinis sina Ceres dahil hindi 'man lang nila mai-date si Jasper. Todo cheer sina Lucky habang nanonood sa game nina Ceres.
Shocked sina Ceres dahil nandoon lahat ng pamilya ng mga Ortega. Napangiti sina Ceres at kumaway. Sumigaw sina Dahlia ng goodluck kina Ceres.
Parang may humaplos sa mga puso nina Vesta, Ceres at Levi matapos makitang nandoon ang mga Ortega para panoorin sila. Naalala nila dati tuwing may game sila naiinggit sila sa mga ka-team mates nila na nandiyan ang parents para suportahan sila. Nakita pa nila na kinukuhanan sila nina Lucky ng picture.
Napangiti si Lucinda matapos makita ang ngiti nina Ceres habang nakatingin sa side nila. Naiintindihan ni Lucinda ang nararamdaman nina Ceres. Nandoon ang buong pamilya ng mga Ortega para mag-support sa kanila at talagang nakakataba iyon ng puso para sa kanilang ni minsan walang tumayong magulang para sa kanila.
"Galingan niyo mga sis!" sigaw ni Phoebe. Gumawa pa nga sina Phinea ng banner para kina Ceres. Natawa sina Ceres matapos makita iyong banner.
"Lucinda, huwag kang mainggit. May ginawa din kaming banner para sa iyo," ani ni Palisia. Kumindat si Palisia sa kaniya at napasapo si Jasper sa noo. Tatawa-tawa lang naman sina Fider ay Adonis.
"Pull yourself together Jasper. Mga kapatid mo iyan," ani ni Adonis na natawa. Nagyakapan pa si Lucinda at Palisia na parang mga takas sa mental.
"Hanga din ako sa pasensya meron kayong dalawa."
BINABASA MO ANG
Strange Tides
Aktuelle LiteraturBlurb "Malakas ang kutob ko na hindi ka bakla. Nagkataon lang na puro babae kapatid mo tapos nako-confused ka dahil hindi ka katulad ng ibang guy. Mas prefer mo ang art at make up," ani ni Desiree. Sinabi ni Jasper na hindi siya na-attract sa babae...