09

674 21 0
                                    

Chapter 09
3rd Person's POV
"Nagdadala ka ng ganitong magazine sa school? Ang lakas din naman ng loob mo," ani ni Ceres. Nagsisigaw iyong lalaking ngayon ay nakasubsob sa lupa. Inaapakan ang likod ng ulo ng lalaki.

"Buti pa itong mga babae sa magazine kilala niyo at alam niyo kulay ng panty nila. Tanong ko lang kilala niyo kaya ang pambansang bayani natin at ilang kulay meron ang bandila ng pilipinas?" tanong ni Ceres. Hinampas ni Ceres sa mukha ng magazine iyong apat na kabataan ngayon na nakaluhod at halos maglupasay na sa sahig dahil sa mga kahihiyan.

Pinagtitinginan na kasi sila doon ng mga kaklase nila na napapadaan. Sakto naman bumaba si Jasper at ngayon ay nakatingin kay Ceres na napapalibutan ng mga lalaking nakaluhod.

Si Ceres Victoria ang kasalukuyan namang student council president. Lahat dinadaan nito sa dahas— walang detention-detention— kung isa sa tatlo ang makaharap mo masasabing maswerte ka pa ngunit kung si Ceres na iyon— wala ka ng palag. Mapapahiya ka na sa buong university bugbog sarado ka pa.

"Hindi na kami uulit!" sigaw ng mga estudyante na lalaki na halos isubsob ang mukha sa lupa. Napa-pokerface si Ceres at inalis ang paa sa pagkakatapak sa ulo ng isa sa mga estudyante na agad gumapang palayo.

"Linisin niyo itong buong field. Huwag kayong aalis ng hindi iyan nalilinis," ani ni Ceres. Sinuklay niya ang sariling buhok gamit ang mga daliri— napatigil si Ceres at napatingin sa direksyon ni Jasper. Tulala ito habang nakatingin sa kaniya. Ngumisi lang si Ceres— bumalik ang lahat ng senses ni Jasper pagkatapos 'non. Namula ang lalaki at tumalikod.

Mabilis na naglakad siya pabalik. Tinawag siya ng mga kasamahan dahil pupunta nga sila sa cafeteria.

"A-ano kayo na lang. Naiwan ko wallet ko sa cafeteria," ani Jasper. Nagkatinginan ang mga babae matapos makita si Jasper na tumatakbo pabalik sa building nila.

"Eh diba nag-ambag na siya? Nasa atin na iyong pera niya."

Hawak ni Jasper ngayon ang pisngi niya. Umiling-iling siya para maalis sa isip niya si Ceres. Bago siya makapasok sa building nakita niya si Lucky.

Hawak nito ang phone at napatingin sa kaniya. Tinanong ni Jasper kung anong ginagawa doon ni Lucky.

Lumapit si Lucky. Napataas ng kilay ang babae at hinawakan ang noo ni Jasper.

"Bakit ka namumua? May lagnat ka?" tanong ni Lucky. Nilapit ang mukha sa kapatid.

Napatigil si Jasper matapos may humila sa jacket ni Jasper mula sa likod. Napaatras si Jasper at napalingon.

"Who the fuck are you?" tanong ni Lucky. Hinila ni Lucky ang braso ng kapatid— kumunot ang noo ni Ceres.

"Lucky, naibigay mo na ba kay Jasper iyong pinabibigay ni mommy na allowance?"

Napatigil si Destiny matapos makita na napapagitnaan si Jasper na agad inalis ang pagkakahawak ng dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jasper kay Ceres. Tinaas ni Ceres ang hawak niya na wallet ni Jasper.

"Pinababalik ito ng mga kasamahan mo kanina. Bigla kang tumakbo papunta din naman ako sa area na ito kaya kinuha ko na," ani ni Ceres. Kinuha ni Jasper iyon at nahihiyang nagpasalamat.

"Huwag mo sabihin Jasper na may girlfriend ka na at hindi mo 'man lang sa amin pinakikilala?" tanong ni Lucky. Nagtaasan ang balahibo ni Jasper matapos maramdaman ang tingin ng dalawang kapatid na nasa likuran niya.

"Pi-friend ko lang siya. Wala akong girlfriend!" ani ni Jasper at nilingon ang mga kapatid. Nahihiya nitong sinabi na umalis na ang dalawa.

"Si Fider na nga lang guluhin niyo!" ani ni Jasper. Napangisi sina Destiny matapos makitang namumula ang kapatid nilang lalaki.

May hinagis na lalagyn si Lucky at agad naman nasalo iyon ni Jasper. Muntikan pa nga mahulog iyon.

"Pocket money iyan. Baka mawala na naman kasi ang credit card mo si Fider nag-request," ani ni Lucky. Tumalikod na ang babae at naglakad palapit sa kakambal. Napabuga ng hangin si Jasper dahil akala niya mang-aasar na naman mga kapatid niya.

Tumigil si Lucky at lumingon. Nagsalita ito.

"By the way, pera gamitin mo kapag magre-rent ka ng isang motel huwag credit card dahil siguradong malalaman nina mommy. Advice lang," ani ni Lucky. Nalaglag ang panga ni Jasper.

"Lucky! Anong motel! Aanhin ko iyon!" sigaw ni Jasper. Namumula ngayon ang pisngi ni Jasper at tenga.

"Incase lang naman. Alam mo na— kaunting celebration? Party?" ani ni Destiny. Natatawang umalis ang kambal matapos makita ang kapatid nila na parang gusto na lumubog sa lupa. Nakatayo lang naman si Ceres sa likuran ni Jasper. Tinakpan ni Jasper ang mukha gamit ang mga palad.

"Mga kapatid mo sila?" tanong ni Ceres. Sinabi ni Jasper na kalimutan na lang ni Ceres na nagkita sila ni Jasper ng araw na iyon at nakaharap ni Ceres ang mga kapatid niya.

First impression ni Ceres sa mga kapatid ni Jasper ay full of confident, independent at may intimidate aura. Hindi lang nakita ni Jasper kanina ngunit sinamaan siya ng tingin ng dalawa like binigyan siya ng — 'Stop messing him look and back off.'

Mukhang na-misunderstand ng mga ito ang ginawa niya kanina na basta na lang hinawakan si Jasper. Napakamot sa pisngi si Ceres.

Lumingon si Jasper. Nakita niya na parang may malalim na iniisip si Ceres.

"May sasabihin ka ba?" tanong ni Jasper at humarap kay Ceres. Napatingin si Ceres.

"Dalawa lang ba kapatid mo?" tanong ni  Ceres. Sinabi ni Jasper na may anim siya na kapatid na babae.

"That's cute," ani ni Ceres. Ngumiwi si Jasper at sinabing hindi totoo iyon.

"Mas mukha pang lalaki sa akin mga kapatid kong babae. Hilig din nila ako i-bully at hindi iyon cute," ani ni Jasper. Natawa si Ceres at sinabing only boy pala si Jasper. Sumimangot si Jasper. Anong nakakatawa sa pagiging iisang lalaki. Kung wala si Fider sa mansion at pinagtatanggol siya sa mga kapatid na babae baka pumunta na lang siya sa orphanage at nagpaampon.

Sa palapag kung nasaan ang art room. Nakatayo si Vesta malapit sa railing. Naka-cross arm at nakatingin kay Ceres na kasalukuyang nakikipag-usap kay Jasper.

Inabot ni Ceres ang tenga ni Jasper— namula ang tenga ni Jasper at pisngi matapos maramdaman ang init ng mga palad ni Ceres sa tenga niya.

"Jasper, nasaan na ang foods?"

Napatigil si Jasper at napalingon. Napatingin siya sa itaas. Nakita niya si Vesta. Sinabi ni Jasper na bumibili pa ang mga kasama nila sa cafeteria.

"Nagugutom ka ba? May kaunti akong foods sa bag ko," ani ni Jasper. Binawi ni Ceres ang kamay at sinabing nagugutom din siya. Napatigil si Jasper at lumingon kay Ceres.

"Ahm, taas na ba muna tayo? May pagkain doon," ani ni Jasper at nahihiyang nakatingin kay Ceres.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon