07

699 18 0
                                    

Chapter 07
3rd Person's POV
Hindi maipinta ang mukha ni Levi. Sinabi ni Jasper na ayos lang kung iiyak si Levi. Napatingin si Levi kay Jasper na nakatayo sa harap niya. Dinala siya ni Jasper sa garden.

"Ayaw mo ba ng nakatingin? Tatakpan ko mata ko," ani ni Jasper. Tinakpan niya ang mga maya. Sinabi ni Jasper na pwede na umiyak si Levi at hindi na siya nakatingin.

Maya-maya narinig niya na may tumatawa. Napatigil si Jasper matapos makita niya si Levi na tumatawa.

"Bakit ka natatawa? Ikaw lang iyong nakita kong pinagpalit na nagagawa pang tumawa," ani ni Jasper na mukhang naiinis.

"Sorry, ikaw kasi— hindi naman ako naiiyak pinipilit mo ako at isa pa hindi niya deserve luha ko," ani ni Levi. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na niloko siya ng boyfriend nakipag-sex pa nga ito sa kaibigan niya at sa mismong loob ng sasakyan na niregalo ni Levi sa boyfriend niya.

"Sure ka?" tanong ni Jasper na medyo may pag-aalala sa boses. Natawa si Levi at tinanong bakit ito masyadong concern.

"Type mo ba ako?" tanong ni Levi. Napakamot sa ulo si Jasper at tinanong si Levi kung masama ba iyon.

"Ilang beses niyo ako niligtas. I thought friends na tayo— sorry, uncomfortable ka ba?" tanong ni Jasper. Napatigil si Levi at tiningnan si Jasper.

Natawa si Levi kalaunan at sinabing kahit saan niya tingnan babae pa din ang tingin niya kay Jasper.

"Mukhang ayos ka na nga. Nagiging rude ka na. Alis na ako nagugutom na ako," ani ni Jasper at tumalikod. Natawa si Levi at hinabol si Jasper.

"Cutiepie, nagbibiro lang ako. Bakit gusto mo matipuhan kita?" natatawa na sambit ni Jasper. Sinabi ni Jasper na hindi niya maintindihan ang magkapatid.

"Ayan din ang exactly na sinabi sa akin ng kapatid mo last time. Kapag ba naging mabait ba sa inyo ang isang lalaki may motibo na," ani ni Jasper. Hinawakan ni Levi ang suot ni Jasper na hood. Hinila iyon at napaatras si Jasper. Bumangga ang lalaki sa katawan ni Levi.  Hinawakan ni Levi ang bewang ni Jasper. Napatigil si Jasper.

"Nagbibiro lang ako. Masyado ka naman seryoso."

Tumama ang mainit na hininga ni Levi sa pisngi niya. Agad na namula si Jasper at lalayo ito nang hilahin muli ni Levi ang hood na suot ni Jasper.

"Bitaw, nagugutom na ako."

Parang batang hinihila ni Jasper ang hood ng jacket niya. Napatigil si Jasper matapos may humawak sa ewang niya— napatingin si Jasper at nakita niya si Lucinda.

"Kung gagawa ka ng crime scene siguraduhin mong walang makakakita at wala kang iiwan na ebidensya," ani ni Lucinda. Pinakita ni Lucinda ang pink na tumbler ni Jasper. Nanlaki nag mata ni Jasper.

"Akin—"

Tinaas ni Lucinda iyon at tumawa. Sinabing sa kaniya na iyon remembrance niya.

"Anong remembrance at anong crime scene sure naman ako hindi mamatay ang boyfriend ng kapatid mo sa pagtama sa kaniya ng tumbler," ani ni Jasper. Inaabot ni Jasper ang tumbler habang hawak ni Levi ang hood ng purple jacket ni Jasper.

"Natatakot na tuloy ako i-bully ka. Baka bigla mo akong batuhin ng cute na tumbler mo na ito tapos bigla ka din tumakbo," ani ni Lucinda na nakangisi. Namula si Jasper. Bigla siya tuloy nahiya— ano bang naisip niya at binato niya iyon.

"Makukulong ba ako?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Lucinda na hindi naman pero kapag nalaman iyon ng school dean siguradong matatanggal si Jasper sa competition. Nanlaki ang mata ni Jasper.

"Ayoko matanggal. Sigurado magagalit si papa kapag nalaman niya na nang-away ako."

Parang bata na nagmukmok si Jasper at nakaupo sa lupa. Hawak pa din ni Levi ang hood ng jacket ni Jasper.

"Siguro hindi kita isusumbong— except na lang kung bibigyan mo ako ng isang kiss," ani ni Lucinda. Napatigil si Jasper at napatayo.

"Hindi mo ako isusumbong kapag kinis kita?" tanong ni Jasper. Parang bata na hinawakan ni Jasper ang laylayan ng suot ni Lucinda na coat.

"Yes kung iki-kiss mo ako," ani ni Lucinda habang nakangisi. Napatigil si Lucinda matapos hawakan ni Jasper ang pisngi niya then halikan siya sa noo.

Nagulat si Levi at Lucinda. Nakatakbo si Jasper na mabilis na kinuha ang tumbler niya.

Unang nakabawi si Levi na bumulahandrit ng tawa matapos ma-realize kung saan humalik si Jasper.

"Siguro masyado ka na talagang matanda kaya ka hinalikan sa noo ni cutiepie," ani ni Levi. May pahawak pa si Levi sa tiyan habang tumatawa.

"What's funny?" ani ni Lucinda na ngayon ay gusot ang mukha at nakahawak sa noo niya. Maya-maya ay ngumisi si Lucinda matapos ilapit sa labi ang mga daliri niya na siyang inihawak niya sa noo sa bahaging hinalikan ni Jasper.

"He's interesting right?" ani ni Lucinda na ngayon ay nakatingin sa kapatid. Napatigil si Levi at napatingin sa kapatid. Biglang pumasok sa isip ni Levi nag scenario na nagtakip ng mata si Jasper para sa kaniya at paglampas nito sa kaniya matapos buksan lahat ng ilaw.

"He's little clumsy and naive. May unique na preference but i like his style."

Sinabi ni Levi na hindi niya maintindihan ang mga trip sa lalaki ni Lucinda.

"Sabagay basta lalaki trip mo," ani ni Levi habang naglalakad palabas ng garden. Hinabol siya ni Lucinda at natatawang hinawakan ang braso ni Levi.

"Aminin mo na-attract ka din kay pumpkin," ani ni Lucinda. Umismid si Levi at sinabing manahimik na si Lucinda.

"Wala akong fetish na katulad niyong tatlo at hindi ako interesado sa kahit na sino," ani ni Levi. Tumawa si Lucinda at sinabing boring talaga si Levi.

"Kaya ka talaga naipagpapalit ni Daniel," ani ni Lucinda. Sinabi ni Levi na makikipag-break na siya kay Daniel. Napatigil si Lucinda at nanlalaki ang matang nakatingin sa kapatid.

"For real! Anong nangyari sa iyo? Nauntog ka ba? O mamatay ka na bukas? Anong nangyari?" tanong ni Lucinda. Hinawakan niya pa sa balikat ang kapatid at inalog-alog.

Isang batok ang nakapagpatigil kay Lucinda. Napamura ang babae na hawak ngayon ang ulo.

"This bitch! Bakit mo ako binatukan!"

Tumakbo si Levi at tumatawang sinabi na ang ingay kasi ni Lucinda muntikan na siyang mabingi.

Sa isip ni Levi iyon na iyong time para unahin niya ang sarili niya at tigilan na ang paniniwalang first love never dies.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon