10

741 19 0
                                    

Chapter 10
3rd Person's POV
Sa isang table pinatong ni Jasper ang dalawang malaking junkfoods at isang chocolate bar. Iyon na lang pala ang laman ng bag niya.

Binigay ni Jasper ang dalawang junkfoods kina Ceres at Vesta na nakaupo din sa harap ng table.

"Akin itong chocolate bar," ani ni Jasper. Binuksan iyon ni Jasper at sinimulan kumagat. Napatigil si Jasper at napatingin kina Ceres at Vesta tinanong kung bakit ang mga ito nakatingin.

"Nagbibiro lang ako kanina. Here," ani ni Ceres. Inabot ang binigay ni Jasper sa kaniya kanina. Ngumisi lang din si Vesta at inilapag ang hawak niya na pagkain sa table.

"Hindi ka mabubusog sa chocolate bar. Ayan lang ba palagi mong kinakain?" tanong ni Vesta. Umiling si Jasper.

"Kapag breakfast pumupunta kami sa labas ng hotel para kumain, itong mga ito nilalagay lang ni Fider dahil mahilig talaga akos a chocolates and junkfoods, kapag lunch siyempre sa cafeteria ako kumakain," ani ni Jasper. Napataas ng kilay si Vesta.

"Fider, lagi mo siyang nababanggit— boyfriend mo?" tanong ni Vesta. Napaubo si Jasper at napahawak sa bibig.

Sasagot siya nang bumukas ang pinto at pumasok na ang mga kasama nila. Sinabi ng mga ito na binilhan na din nila si Jasper ng makakain at si Vesta.

"Salamat," ani ni Jasper matapos ngumiti. Kinuha niya ang wallet niya at binayaran ang mga babae. Tumanggi ang mga ito ngunit sinabi ni Jasper na nahihiya siya at babae pa mga nanlibre.

"Ceres, hindi ka kakain? Share tayo hindi ko na din naman ito mauubos dahil kumain ako ng chocolate."

"Oy sabi na nandito kayo! Kanina pa namin kayong dalawa hinaha—"

"Pumpkin!"

Lumapit si Lucinda at niyakap ang ulo ni Jasper. Napasubsob si Jasper sa malaking dibdib ni Lucinda. Nagpapasag si Jasper at sinabing hindi na nga siya makahinga.

Natawa si Levi at Vesta. Hinila naman ni Ceres si Lucinda palayo kay Jasper. Sinabing tigilan nito pangha-harassed sa lalaki.

"Anong harassed doon? Binigyan ko lang siya ng big hug!"

Nakaupo ngayon si Jasper at nakatingin sa apat na nakapalibot sa table niya. Hindi na alam ni Jasper kung anong ginagawa niya doon.

"Hey, hindi ito fake! Palibhasa mga inggit lang kayo mga wala kayong dibdib!" sigaw ni Lucinda. Nagkatinginan iyong tatlo. Napasapo si Jasper sa noo dahil napakapamilyar sa kaniya ng situation na iyon lalo na kapag nagtatalo-talo ang mga kapatid niyang babae.

"Jasper! Tingnan mo hindi ito fake!"

Kinuha ni Lucinda ang kamay ni Jasper. Agad na inagaw ni Vesta at Ceres ang kamay ni Jasper na nasa magkabilang gilid ng lalaki.

"Ah—"

Tumayo si Jasper at kinuha ang mga kamay niya. Tinaas niya iyon at sinabing bakit hindi na lang sila kumain sa cafeteria. Wala din pala siyang tubig na nadala.

Ayun nga ang nangyari. Sinusundan siya ng apat habang naglalakad siya patungo sa cafeteria. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante at talaga naman agaw pansin. Daig niya pa bibitayin dahil sa sitwasyon na iyon at sa paraan ng tingin ng mga estudyante doon.

Doon nag-start iyong pagsunod-sunod sa kaniya ng apat. Like parang laging nag-aagawan ang apat sa kapirasong karne at siya mismo iyong karne.

Ngayon nasa labas siya ng cafeteria. Nagtatalo ang apat kung kanino sasama si Jasper bukas after ng competition like magse-celebrate sila.

"Nasa iisang competition kami kaya sa akin dapat sasama si Jasper," ani ni Vesta. Sinabi ni Levi na sa kaniya sasama si Jasper dahil siya ang naging first friend ni Jasper sa kanilang apat. Self proclaimed.

"Hey sa akin sasama si Jasper dahil sure ako mage-enjoy siya kasama ako. Hindi ba pumpkin," ani ni Lucinda na may mapang-akin na boses at niyakap si Jasper mula sa likod.

"As a student council president ako ang dapat mag-treat kay Jasper kaya sa akin siya sasama," ani ni Ceres. Umapila sina Vesta at sinabing hindi estudyante sa university na iyon si Jasper.

Gusto na lang ni Jasper umiyak dahil sa ginagawang pagtatalu-talo ng apat at nasa gitna pa siya.

"Okay stop," ani ni Jasper. Napatigil ang apat sa pagsasalita.

"Niyayaya niyo ba ako makipag-date?" tanong ni Jasper. Tiningnan niya isa-isa ang apat. Nagkaniya-kaniyang tanggi ang mga ito. Sinabing imposible mangyari iyon.

Napaismid si Jasper. Ano pa bang ini-expect niya imposible magkainteres sa kaniya ang apat na iyon.

Tumalikod si Jasper at naglakad palayo. Sinabing wala siyang sasamahan. Walang dahilan para sumama siya sa isa sa apat sa labas ng university.

"Hey! Date iyon friendly date!" sigaw ni Levi. Hinarangan siya ng apat. Napataas ng kilay si Jasper.

"Then kayong apat ang isasama ko. Friendly date lang pala— walang reason para magtalu-talo pa kayo," ani ni Jasper. Agad sila sumagot ng no.

"No, gusto ko tayong dalawa lang," ani ni Lucinda at niyakap siya sa braso. Hinila siya ni Vesta at sinabing silang dalawa ni Jasper ang kakain sa labas.

Nag-agawan na nga ang apat ang ending daig pa ni Jasper ang na-rape. Gulo-gulo ang buhok, uniform at suot niyang jacket.

Napatigil lang ang apat matapos makita ang tiyura ni Jasper. Inalis ni Jasper ang ipit niya at tiningnan ng masama ang apat.

"Jasp—"

"Hindi ako sasama. Wala akong sasamahan sa inyong apat," ani ni Jasper at inayos ang uniform niya.

"Pero—"

Hindi na naituloy ni Levi ang sasabihin matapos siya tingnan ni Jasper ng may pagbabanta.

"Isa lang katawan ko apat kayo. Anong gusto niyo mangyari hatiin ko katawan ko?" tanong ni Jasper. Bumagsak ang balikat nina Lucinda.

"Isa pa siguradong may hinanda sa akin bukas sina mommy. Hindi din ako makakasama," ani ni Jasper. Napatigil si Jasper matapos may marinig na boses sa likuran niya.

"Levi! Nakita din kita."

Ex-boyfriend ni Levi si Daniel. May hawak itong bulaklak at chocolate. Lumapit sa kanila ang lalaki at inaabot iyon kay Levi.

"Babe, hindi mo pa din ba ako napapatawad sa ginawa ko?" tanong ni Daniel. Agaw pansin sila doon.

"Levi una na kami," ani ni Jasper. Ngumiti si Jasper at kumaway. Bumulong-bulong si Lucinda na basura.

Naglakad na sina Ceres kasama si Jasper. Sinabi ni Levi na tapos na sila ni Daniel.

"Ayoko na okay? Layuan mo na ako," ani ni Levi at naglakad. Susunod siya kina Ceres nang hawakan siya ni Daniel sa braso ng mahigpit. Pilit ito ngumiti at sinabing sana hayaan siya magpaliwanag.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon