40

664 20 1
                                    

Chapter 40
3rd Person's POV
Bumaba sina Yuri at ang mga tauhan niya. Napatigil si Yuri at lumingon. Nagulat siya dahil maraming mga itim ang sasakyan ngayon na nakaabang sa likuran nila.

"Ibalik mo sa amin si sister in law baka sakaling maaawa pa kami at hindi morgue ang maging last destination niyo," ani ni Phinea. Lumabas si Ceres ngunit hindi nito nagawang tumakbo dahil hinila ni Yuri ang buhok ni Ceres. Napatigil sina Palisia.

"Ikaw," ani ni Phoebe na ngayon ay nagdidilim ang mukha.

"Ni sa lamok hindi pinadadapuan iyan ng kapatid ko tapos sasaktan mo," ani ni Phoebe. Sinabi ni Yuri na huwag ng mangialam ang mga babae at umalis na.

Nabitawan ni Yuri si Brent matapis may batong tumama sa ulo niya. Tumakbo si Ceres palapit kina Phinea. Agad siya dinaluhan ni Palisia.

Napaatras si Brent matapos siya lingunin ni Yuri na hawak ang likod ng ulo. Madilim ang anyong tiningnan ni Yuri si Brent.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Brent!" sigaw ni Yuri. Minura ni Brent si Yuri.

"Baliw ka! Nababaliw ka na! Sinasaktan mo si ate Ceres!" sigaw ni Brent. Idolo ni Brent si Yuri— halos kasabayan niya din ito lumaki kasama si Ceres at hindi niya akalain na magagawa nito saktan ang  ate Ceres niya.

Aatakihin ni Yuri si Brent nang malakas na sipain ni Phinea si Yuri. Nagkagulo na doon matapos tutukan ng baril ng mga tauhan ni Yuri sina Phinea.

Pinabagsak ang mga ito ng mga tauhang inakupahan nina Paris para bantayan ang mga anak.

Kinalaban ni Phinea si Yuri. Maaring blackbelter si Yuri nginit may experience si Phinea. Napaluhod si Yuri matapos sipain ni Phinea sa sikmura si Yuri at masuntok sa mukha ang lalaki.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko."

Hindi tinigilan ni Phinea si Yuri. Suntok, sipa at hinampas ni Phinea sa hita si Yuri.

Napasigaw ang lalaki ag minura si Phinea. Sinabi nito na magbabayad ang mga ito.

"Hindi niyo kilala ang pamilya ko!"

Sa hospital,
Nagising din si Jasper at ang unang hinanap niya ay sina Vesta. Hinawakan ni Vesta ang kamay ni Jasper.

"Si—si Ceres," bulong ni Jasper. Sinabi ni Vesta na nagsabi na sila sa mga pulis. Hinahanap na si Ceres. Pilit na bumabangon si Jasper ngunit agad siya pinigilan nina Levi at sinabihan na magpahinga.

"A-Anong sinasabi niyo na magpahinga. Ang Yuri na iyon— sinaktan niya kayo at hindi malayong may gawin siyang hindi maganda kay Ceres," ani ni Jasper.  Napahawak siya sa ulo matapos makaramdam ng hilo.

"Jaspe—"

"Jasper."

Bumukas ang pinto at nakita ni Jasper sina Paris. Agad na lumapit ang tatlong babae sa anak kasunod si Jackson.

"Mom, please mom. Ipahanap mo si Ceres. Please mom, hindi na ako hihingi ng pera sa inyo kahit allowance mom. Tulungan niyo ako," ani ni Jasper. Nag-iinit ang mga mata ni Jasper at halos lumuhod siya sa parents niya para hanapin si Ceres.

"Mom, masama ang kutob ko sa lalaking iyon. May hindi siya magandang gagawin kay Ceres. Please, mommy tulungan niyo ako," ani ni Jasper. Mangiyak-ngiyak ito habang yakap ni Dahlia sa ulo.

"Ano bang sinasabi mo Jasper? Tutulungan ka namin kahit hindi ka pa magmakaawa," ani ni Paige. Sinabi ni Paris na nakontak niya kanina si Phinea. Kasama na nila si Ceres ngunit sa malapit na hospital sila dumiretso. May mga pasa daw si Ceres at pinapa-full body check up nila since baka nagkaroon ng internal injury si Ceres.

"Mom, ayos lang naman siya diba?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Paris na nakausap niya si Ceres at sinabing ayos lang siya.

"Apat na girlfriend mo iyakin ka pa din. Hindi ka ba nahihiya. Pinanonood ka nina Vesta," ani ni Paris. Pinunasan ni Jasper ang pisngi niya at nilingon sina Vesta.

"Don't worry, cute ka pa din kahit umiiyak ka," ani ni Lucinda at ngumiti. Namula si Jasper at sinabing huwag maingay nasa harapan sila ng parents nila.

"By the way, ayos lang ba kayong tatlo? Ikaw Vesta— nasipa ka ni Yuri ayos ka lang ba?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Vesta na pina-check up na sila kahapon nina Paris at okay lang sila.

"Sarili mo dapat inaalala mo. Ano bang naisipan mo at sumugod ka pa. Akala namin matalino ka. Dapat tumakbo ka katulad ng palagi mong ginagawa at humingi ng tulong," ani ni Levi. Alam ni Jasper ang capability ng katawan niya sila nga nina Vesta na may alam sa taekwondo ay walang nagawa kay Yuri si Jasper pa na sa paglalakad lang ay nadadapa pa.

"Is that— gusto ko lang kayo protektahan bilang boyfriend niyo. Dapat ko naman kasi talaga kayo protektahan— ako ang lalaki at—"

"Stop talking nonsense Jasper Ortega. Ikaw ay ikaw— unique ka, may pagka-clumsy ka oo pero hindi ka reckless. Pinag-iisipan mo muna lahat bago ka gumawa ng move, ganoon ka. Hindi lahat dinadaan mo sa karahasan. Hindi porket lahat ng lalaki ganoon gagawin mo para ma-justify na lalaki ka."

Napatigil si Vesta. Umupo si Vesta sa gilid ng kama habang nakatingin kay Jasper na bumaba ang tingin.

"Jasper, apat kaming mabu-biyuda kapag nawala ka. Tanggap namin kung ano at sino ka. Posible mo naman kami maprotektahan sa ibang paraan hindi ba? Hindi iyong ipapahamak mo ang sarili mo," ani ni Lucinda. Sinabi ni Levi  na wala silang ini-expect kay Jasper either ipagluto sila kahit hindi marunong si Jasper, ihatid sila kahit hindi marunong mag-drive si Jasper, iyong makipagsuntukan para protektahan sila bilang lalaki— wala iyon sa expectation nila.

"Mas prefer namin iyong Jasper na kapag aalis ihahanda ang susuutin namin kasi hindi kami marunong pumorma, ibo-blower ang buhok namin, iipitan at lalagyan ng make up. Iyong Jasper na imbis akbayan kami manghahawak sa braso tapos biglang ngingiti, madaldal tapos spoild.  Iyong ayaw magbuhat ng mga grocery pero willing kami anytime buhatin."

"Jasper, hindi mo kailangan maging perfect guy, boyfriend or husband. Just be yourself kasi kahit ano ka pa Jasper tatanggapin namin iyon katulad ng kung paano mo tanggap ang ugali namin apat," dagdag ni Levi. Naitikom ni Jasper ang bibig at humingi ng tawad.

"Mas prefer namin iyong mga galawan mo na pailalim tumira like doon sa pagbato mo ng tumbler kay Daniel, paglagay ng something sa plastic bottle niya kaya siya na-hospital pati na din iyong pagpapahiya mo kay Brent," ani ni Vesta. Humagikhik si Lucinda at sinabing para sa kaniya si Jasper pa din ang pinaka-cool.

Strange TidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon