~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
♫I got your picture
I'm coming with you
Dear Maria, count me in
There's a story at the bottom of this bottle
And I'm the pen♫
Bumangon na ako. Ayoko na kasing ma-late ulit. Saka ngayon, sigurado na ako na hindi ako duling sa oras.
Sure akong 5am palang. *Sighs* Ang sakit sa ulo ng mga pangyayari last year. Di ata kakayanin ng lahat ng parte ng utak ko.
Pero uso move on. Last year yun at ngayon ay new year at panibagong araw. Sana maging maayos lahat. Pumunta na ako sa cr at naligo. Pagkatapos, bumaba ako dahil kumukulo na ang tiyan ko. Ang bango pa man din ng naaamoy ko.
"Good morning Mj!"
"Hi manang! Good morning din po. Happy new year!" ^_^ Bati ko kahit na dalawang araw na makalipas ang January 1.
"Aba good mood. Happy new year din ulit. Oh, halika na. Kumain ka na at baka ma-late ka pa." Sinunod ko yung sinabi ni manang.
Pagkatapos kong kumain, medyo maaga pa naman kaya naisipan kong daanan na yung kotse ko. Na-flat na naman kasi yung gulong nun eh. Baka okay na siya ngayon.
***
Nakarating ako ng maaga sa BMC. Ganun talaga pag maganda. Bumabawi. Hahaha. ^o^
"Nice! Ang aga niya oh." Puri ni Megan.
"Syempre naman. Natuto na ako." Natawa nalang siya sa akin.
Nang makarating si manager, binati niya din ako. Psh. Isang araw lang naman ako na-late noon eh. T^T Saka last year pa yun eh! Parang himala na sa kanila na naging maaga ako ngayon... Early bird kaya ako! Nasira lang yung record ko nung nasira din yung kotse ko noon. At mas lalong nasira nung minalas ako dahil dun sa mayabang na yun---aish! Ayoko na yun isipin.
Natapos yung unang photoshoot namin, malapit nang mag-tanghali. Nag-pahinga muna kami at pinanuod yung ibang photoshoots.
"Meg, bili muna akong drinks ha."
"Pasabay ng Chuckie." Sambit niya at tumango naman ako. Pumunta na ako sa may vending machine.
"Bad trip." Narinig kong sabi ng pamilyar na boses. Agad akong napalingon.
"Oy pare! Ayos ah. Unang pasok sa year na 'to, late ka? Sa pagkakaalam ko, 8am pasok mo ah? 11:30am na! Pang-ilan mo na 'to?" Tatawa-tawa kong tanong.
"Eh kasi! Nahihirapan talaga akong gumising ng maaga. Bad trip nga eh. Nakakahiya kay manager. Promise, last ko na 'to."
"Okay lang yan, Ryan. Malakas ka naman kay manager eh. Haha. Basta dapat talaga last mo na 'to. Sige na, puntahan mo na sila dun." Nag-nod siya at nauna nang pumunta.
Pagkatapos ng ilang oras, nagkaroon kami ng pangalawang photoshoot at natapos yun ng 6:30 pm. Gusto kong magpa-gulong gulong sa saya dahil natapos na kami. Sobrang hectic ng mga schedule ngayon kasi panibagong mga deals. Parating ganito.
"Girl!" Tawag sa akin ni Megan.
"Oh?" Kasalukyan kaming nagli-ligpit. Tapos na kasi yung photoshoot.
"Patulog sa bahay niyo hanggang Sunday. Miss ko na yun eh." Dati kasing tambay si Megan eh. Joke. Sadyang mahilig lang siyang pumunta sa bahay. Ako lang naman kasi ang nandun pati si Manang.
Siya naman, may condo na siya lang ang nakatira. Yung pamilya niya kasi, nasa ibang bansa na kagaya sa akin. Although nanay ko lang yung 'pamilya' na yun.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]