[Sinking Ship]
"AAAAH! AYOKO NA! BWISET KA LAYUAN MO AKO!" sigaw ko sa kanya habang nagtatago sa ilalim ng lamesa.
"Hindi ko na uulitin! Promise!" sigaw naman niya pabalik.
"Che! Ayoko na talaga. Wag kang lalapit sa akin kundi kakalbuhin kita!"
"Hindi na nga, MJ! Lumabas ka na diyan," pagsusumamo niya. Hihi. Ang cute niya. Pero hindi pa rin ako lalabas sa ilalim ng lamesang 'to!
"Hindi ako lalabas dito hanggat di mo binibitawan yang tweezer!" pagbabanta ko. Hindi naman niya ako masusundan dito dahil hindi siya kasya. At pag nagtangka siyang lumapit, hindi ako magdadalawang isip na saktan siya gamit ang mga upuan.
Paano ba naman kasi, kanina habang nanonood kami, tinititigan niya ako. Parang may mali daw sa kilay ko at nung tignan ko, medyo hindi pantay. Aayusin ko na sana pero siya nalang daw ang magbubunot. Tinuruan ko naman siya at oo lang siya ng oo. Pero binigla niya! Pakiramdam ko wala nang natira sa kilay ko eh!
"Oh, wala na," sabi nito at ibinaba pa ang dalawa niyang kamay para makita ko na hindi niya na hawak ang dakilang tweezer. Dahan-dahan akong lumabas saka lumapit na sa kanya.
"Asan mo nilagay? Ako nalang ang magtutuloy! Hindi ka naman pala marunong."
"Sorry na nga eh. Nandun sa sofa," sambit niya at sabay kaming naglakad papunta sa may sofa. Agad kong hinanap yung tweezer pero wala naman.
"Nasaan? Baka lumusot dito sa gilid! Pasaway ka," sabi ko pero nagulat ako nung kinuha niya yun galing sa bulsa niya. Ngumiti siya ng nakakaloko kung saan nanlaki ang mata ko. "KYAAAAH! Ayoko na! Papapulis kitang kapre ka!"
Tinawanan niya muna ako ng malakas saka sinabing, "Joke lang. Aabot ko na nga sayo eh. Paano ba kasi? Hindi mo naman kasi sinabi."
"Hoy! Anong hindi sinabi? Paulit-ulit ko pang sinabi na wag mong bibiglain at isa-isa lang! Sa ginawa mo, para ka namang nagbunot ng puno. Nakakaloka ka. Akin na nga!" Kinuha ko na sa kanya at tumayo't pumunta sa salamin.
Hinding hindi ko na pagkakatiwalaan si Vince Renzo pagdating sa mga ganitong bagay! Kahit din kasi last week, nagpresinta siyang gupitan ako ng kuko. Dahil mukha naman siyang matino, pumayag ako. Pero... Pero pinudpod niya! Ang sakit pa naman kapag ganun. Hay nako.
Sa pagkakaalam ko, lalaki ang mga nakakawawa sa ganitong bagay. Tipong pagti-tripan sila ng girlfriend nila na make-up-an sila o lagyan ng kutiks. Pero sa amin ni Vince Renzo, jusme! Ako ang nato-torture!
"Maganda ka pa rin naman, baby girl." AAAH! Isa pa yan. Isa pa yan sa pambwiset niya sa akin. Kahit kailan talaga, napaka niya eh. Napakagaling mang-asar. Inirapan ko nalang siya bilang sagot.
Wala kaming photoshoot simula pa nung Monday dahil umalis si manager. Nasa New York siya kasama yung pinsan niya. Ang taray diba! Haha. May aasikasuhin daw sila tungkol sa investment stuff.
"Sa wakas, naayos din," sambit ko nung magpantay na ang kilay ko. Buti nalang talaga't di napuruhan ni VR.
"Alis tayo," sambit niya pagkaupo ko palang sa sofa.
"Saan naman tayo pupunta?" takang tanong ko naman.
"Subic?"
"Sabog ka ba? Baka mahirapan tayo," sagot ko. Ang layo kaya ng Subic. Tapos gusto niya biglaan kaming pupunta?
YOU ARE READING
War of L's
Storie d'amoreA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]