Humigaaaash may gelpren na si Vince! :o
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Rotten In The Dark]
“Dadating, hindi dadating. Dadating, hindi dadating."
“Aba MJ!”
“AY DADATING!” Napa-sigaw ako ng dahil sa gulat kay Megan.
“Ah, sinong dadating aber?” Pang-uusisa naman niya sa akin.
“W-Wala! Bakit ka ba kasi biglang sumu-sulpot? Psh.”
“Asus. Eh bakit ka kaya naninira ng bulaklak? Sa pagkakaalam ko rin, yung bulaklak ay ginagamit sa ‘he loves me, he loves me not’ at hindi sa ‘dadating, hindi dadating’. Sino ba kasing hinihintay mo?” Tignan mo ‘to. Pinag-tripan na naman yung ginagawa ko.
“W-Wala nga sabi. Nagla-laro lang ako.”
“Ah okay. Sabi nga pala ni Vince, hindi siya makakapasok. May date ata.” So may date nga sila?!
“Hindi siya dadating?!” Inis na tanong ko. Napalingon si Megan.
“Edi nahuli rin kita. Siya nga yung ina-antay mo. Joke lang yun, wala siyang sinabi na hindi siya papasok. Sige na, tuloy mo na yan. Hahaha!” At lumabas na siya ng garden.
“Nakakainis ka talaga, Megan!” Nakakainis. H-Hindi naman siya yung iniisip ko eh! Hindi talaga. Pakialam ko ba kung dadating siya diba?! Wala akong pakialam. Nagla-laro lang talaga ako.
Lumabas na rin ako ng garden. Naiinis pa rin ako.
“Uy!” Tawag sa akin ng isang tao saka ako inakbayan.
“Bakit?”
“Wala lang. Ganda talaga ni manager.”
“Sus. In love ka lang eh. Teka, alisin mo nga yung kamay mo.”
“Hahaha. Sungit mo talaga.” Reklamo niya pero sinunod din naman ako.
“Ewan ko sayo, Ryan. Ligawan mo na kasi si manager para di ka na nangungulit kung kani-kanino.” Sambit ko at iniwan na siya doon.
Bagay naman sila kaya lang mas matanda si manager ng 2 years. Pero age doesn’t matter nga daw diba? Sighs.
“H-Hoy!” Sigaw ko nang biglang may nag-takip sa mata ko. “Ryan ang kulit mo talaga. Sinabi ng—“
“Si VR ‘to.” Sambit niya saka tinanggal yung kamay niya sa pag-takip sa mata ko.
“W-Wow! Himala pumayag kang VR ang i-tawag sayo. A-Ano, may kailangan ka ba?” Bakit ba kasi ako nauutal?! T__T My tongue, what’s your problem?
“Nasanay na ako eh. Ikaw kasi. Uh, wala lang. Nakita lang kasi kita. Di na tayo nakakapag-usap ah. Kamusta? Bakit ka mag-isa?” Eh kasi wala ka. WHAT?! Anong bang iniisip ko? Aish!
“Busy ka kasi. S-Saka mag-isa naman talaga ako lagi eh. Ikaw—“
“Vince! I’ve been looking for you kanina pa. Oh! Hi MJ.” Masiglang bati ni Krisha with her flirty accent.
“H-Hi Krisha. Sige, I’ll go ahead. VR, una na ako ha.” Tinalikuran ko na sila at nag-madaling maglakad.
“Why does she call you VR?” Narinig kong tanong ni Krisha sa kanya. Hindi ko na narinig yung sagot ni Vince. Hindi ko nga alam kung sumagot ba siya.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]