~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Ordeal]
Okay naman kami ni Vince Renzo. Away bati pa rin in a good way. Oo, may ganun.
“Kamusta na siya?”
“Ewan. Baliw pa rin. Kung di ko lang siya kaibigan, matagal ko na siyang nasabunutan.” Sagot ko naman. Ang tinutukoy niya ay si Megan.
Yung cellphone niya, ako na ang may-ari. Binigay sa akin eh. Ayaw niya daw kasing tinatawagan siya ni Michael. Kapag pumupunta dito si Michael, ay nako. Nagta-tago siya sa aparador at nagmama-kaawang wag kong sabihin na nandito siya.
Ewan ko ba dun. May mga gabi nga na late na late na siyang umuwi kahit wala naman siyang photoshoot. Hindi ko alam kung pumupunta ba siya sa bar pero feeling ko, hindi. Umuuwi naman kasi siyang okay. Hindi lasing o magulo.
Pero kahit na. =__= Nakakainis na talaga siya. Pinapahirapan ang sarili!
Kagabi nga lang... Lasing talaga siyang umuwi. At positive akong na galing nga siya sa bar. Yun ang unang beses niyang nag-lasing simula nung nag-break sila ni Michael. Sana nga hindi na masundan.
** It’s her hair and her eyes today **
Inabot ko ang cellphone ni Megan at agad na sinagot ang tanging caller.
“Hello.”
(MJ, kamusta na si Meg?) Alam ko nang yan ang ita-tanong niya. Sa halos araw-araw ba naman na pagtawag niya eh.
“Lasing siyang umuwi kagabi. Tulog pa rin hanggang ngayon.”
(Pupuntahan ko siya.) Walang anu-ano nitong sabi.
“Wag. Baka mas lalo lang siyang magalit. Bigyan mo muna siya siguro ng space. You trust her, right?”
(Yes.)
“Wait for her. Saka ka bumawi sa kanya pag handa na siyang tanggapin yung pagbawi mo. Magiging okay rin kayo.”
(Yes, we will be. Thanks so much, MJ. Please tell her that I love her so much and that I’m giving her space. Bye.) In-end na niya yung call.
Napa-hinga ako ng malalim, maging si VR na katabi ko.
“Alis tayo.” Nasambit ko nalang. Pakiramdam ko mababaliw ako pag hindi ako naka-alis ng bahay.
“Mall?” Yaya nito.
“Yep. Parang sasabog utak ko eh.” Sa dami ng mga nangyayari, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat intindihin at unang dapat isipin. Kung pwede lang manghiram nang utak, kakailanganin ko ata ng extra pang dalawa.
“Ganun talaga pag ako katabi mo.”
“Siguro nga. Nakakapang-init ka kasi ng ulo eh.” Pang-aasar ko.
“Ako pa ah! Kaya pala mahal mo ako.”
“What-ever.” Nag-sign ako ng W at inirapan siya pero tumawa din naman pagkatapos. Tignan niyo, kahit kami na, ako pa rin yung laging talo. /wrist
Bago kami umalis, nagpaalam muna ako kay Megan. Sinabi ko yung pinapasabi ni Michael.
“Mahal ko rin siya. Pero wag mong sasabihin.” Ang tanging sagot niya at bumalik sa pagtulog.
Kahit hindi pa rin sila bati, medyo kampante naman ako kasi alam kong mahal pa rin nila yung isa’t isa. Pero mas nakakainis nga eh. Kasi talaga pinapahirapan ni Megan ang sarili niya pati na rin si Michael. -_-
YOU ARE READING
War of L's
RomansaA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]