Chapter 34 ♪ Heart Recollection* ♪

67 4 2
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Heart Recollection]

February 21, 2014--Friday

“MJ? Gising ka na ba?” narinig kong sigaw sa labas sabay katok. “Monica, gising na. 5:30 am na.”

Iminulat ko ang mga mata ko at nag-inat. This is the day na masasampal ko ang katotohanan sa pagmumukha ni Vince! Joke. Actually, kinakabahan talaga ako. Ngayon ko lang na-realize na misteryo pala sa akin ang pagkatao niya.

“Gising na po ako, ya. Maliligo na po,” sigaw ko pabalik. Kahit na tinatamad pa ako, tumayo na ako. Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako at kumain. Ang takaw ko talaga pag nasa bahay.

Pumunta ako ng banyo para mag-toothbrush at nagulat nalang sa mga tao na nasa sala pagkalabas ko ng banyo.

Sht. Buti nalang maayos ako ngayon dahil may lakad ako.

“Good morning, perfect lady,” bati nila. Napangiti ako pero kinikilabutan ako sa loob loob ko. Dati, kapag tinatawag akong perfect, ang saya saya ko. Kasi alam kong tagumpay ako. Pero ngayon, parang insulto sa akin ang salitang iyon.

“Good morning, madam. Please take a sit,” alok ko pero tinanggihan nila.

“No, thank you. We just came here to give you this,” paliwanag niya. Kinuha ko yung sobre at binuksan ito.

“Invitation?”

“Yes! Congratulations, Monica. You’re invited to the upcoming fashion event in New York. You’re very popular there. They are very amazed to know that someone has seemed to be very perfect. Of course, that's no other than you,” proud na sabi niya.

“Ah… Thank you very much for this offer, madam. But I still need to think about this. You know, I’m still busy with my scheduled pictorials.”

“No need to worry, beautiful lady. Actually, your boss is coming with you. She’s very excited to introduce you as the perfect one.”

“O-okay. Uh, maybe I’ll get to this later. As you see, I’m meeting someone now. I will send this with my answer through e-mail, if it’s okay with you.”

“Of course, it’s fine. We’ll go now. Thanks for the time and sorry for disturbing you. Think of the invitation, okay? Bye!” paalam niya. Lumabas na siya kasama yung dalawa niyang alalay.

Pagkalabas nila, nasabunutan ko nalang ang sarili ko at naupo sa sofa. Tofu talaga. Kasalanan ‘to ni Vince Renzo na yun eh! Parang kinakain ako ng sarili kong konsensya. Aabot ba ang pagpapanggap ko pati sa New York?

“Okay ka lang MJ?” tanong ni yaya.

“Opo naman. Asan nga pala si Krisha? Ang aga pa ah?"

"Hindi pa siya umuuwi simula kahapon. Baka busy siya," sabi niya na parang nagtataka. Nag-aalala ako pero alam ko namang kaya ni Krisha ang sarili niya.

"Ganun pala. Eh teka, kayo po ba okay lang? Bakit para naniningkit po yung mata niyo?”

“Wala ito. Diba aalis ka pa? 7:20 na oh. Humayo ka na para makauwi ng maaga. Ingat ha,” paalala niya pa.

“S-sige po. Bye po.” Lumabas ako ng unit ng may pagtataka. Hmm. Anong problema ni yaya?Parang umiyak siya.

Nakarating ako sa Max's restaurant na tinutukoy ni Vince bago pa mag-8am. Nag-disguise pa nga ako. Napag-alaman ko na ang restaurant na ito ay malapit pala sa building na dating modelling company. Ano daw yun? BMC ata. Oo yun nga. Sayang nga lang kasi nagsara na daw yun. Buti ang RAMA, hindi. Lucky me.

War of L'sWhere stories live. Discover now