[Straight Bullet]
Ngayon, pinagbubutihan namin yung pag-ayos ng nawala sa company. Syempre gusto naming tulungan si manager. Hindi lang kami nagta-trabaho dito. Mga kaibigan niya din kami. Ang nagpasimuno nito ay si Ryan, ang lalaking nagmamahal kay manager. Hihi.
Si Ryan yung pangunahing nagbigay ng lakas ng loob sa aming lahat para makapagsimulang muli. Kaya ayun. Mag-iisang buwan na rin kaming todo kayod sa trabaho hindi lang para sa mga sarili namin kundi para na rin sa ikabubuti ng company.
"Manager, ano pang maitutulong namin?" tanong ko habang naka-ngiti.
"Nako, MJ. Diba magce-celebrate kayo ni Vince?"
"Edi dito nalang kami magce-celebrate!" masigla kong sabi. Alam kong kailangan niya talaga ng tulong namin. At alam din yun ni Vince Renzo.
"Oo nga, manager. Pagkatapos ka naming tulungan kakain tayo," naka-ngiting sabi niya kay manager. "Libre ko pa!" dagdag niya pa.
"Ay nako. Kayo talagang dalawa. Okay lang, promise. Ang dami niyo na ngang natulong eh. Halos hindi na kayo umuwi ng bahay niyo para sa photoshoot at halos kayo na din ang naglilinis. Aba, hindi kayo si Superman at Wonderwoman." Well, naisipan naming mag-trabaho ng maigi. Marami kaming tinaggap na contract.
"Eh—"
"Sige na guys. Hindi pwedeng hindi niyo 'to i-celebrate. I won't stand as hindrance to you. Now, go," naka-ngiti niyang sabi at tumaas taas pa ang mga kilay nito.
"Babalik kami, manager."
"Okay lang. Pero mag-bonding muna kayo. Halos hindi niyo na nga yun nagawa." Tama nga yung sinabi ni manager. Syempre kung busy ako, mas busy si VR dahil siya yung photographer. Tingin ko nga, bigat na bigat na siya sa dala niyang eyebags.
"Ay Vince Renzo!" sigaw ni manager kaya pareho kaming napalingon.
"HAPPY 23RD BIRTHDAY!" sabay-sabay nilang sigaw. 'Salamat.' ang tanging nasabi niya at pinagdaop ang palad sa harap ng labi niya at niyuko ang ulo niya na parang nag-bow. Na-touch yan! Hihihi.
October 3, 2013 ngayon at hindi ikawalo. Hindi namin monthsary kaya kami magce-celebrate. Kaya kami aalis dahil... Birthday ng piiiiinaka mamahal kong lalaki sa balat ng patatas. Joke. Sa balat ng lupa at sa buong mundo't kalawakan. Hay, baliw na nga ata ako.
Pero kung siya ang magpapa-baliw sa akin, handa akong pagbayaran ang lahat sa mental hospital.
Kakasakay pa lang namin sa kotse niya nung mag-salita siya bigla.
"Alam mo bang mag-iisang taon nang wala ang ate ko? Magtatatlong taon na rin silang kasal ng asawa niya. This October 10, one year na silang wala. Nung gabing yun, October 10, 2012, pag-uwi ko wala sila. 2nd Anniversary kasi nila yung araw na umalis sila. Sabi ni mommy, lumabas daw sila para mag-celebrate. Pero tignan mo. Haha. Isang taon na pero hindi pa rin sila bumabalik."
Nanlaki ang mata ko dahil sa kwento niya. Feeling ko malungkot siya ngayon. Ano ba yan. Birthday pa man din niya.
"Oo nga pala! Wala ka pa ring balita? Wag ka nang malungkot, VR."
"Hindi ako malungkot. Sira." Pinisil niya ang pisngi ko.
"So, ano nga? Wala ka pang balita?"
"Wala. Pero naalala mo yung sinabi mo sa akin, 'When someone leaves that means someone else is about to arrive'? Feeling ko, ikaw yun. Ikaw yung muling kokompleto ng buhay kong kulang. Ikaw lang. Sayo ko lang 'to lahat naramdaman. Lahat, sayo lang, tulo laway. Ikaw lang, pagong. Mahal kita, Monica Jane." Napasandal ako sa upuan.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]