Chapter 01 ♪ Where it starts ♪

536 14 6
                                    

Heyluu guys. Please read. :)) First, nabasa niyo na ba yung story ko na KEEP SMILING?

Kung oo, then you already have an idea about Vince Renzo. (Character dito) Kapatid siya ng bida sa Keep Smiling, diba? Kaya malaking tulong sa inyo kung nabasa niyo na yun. Lalo pa't pinakilala siya ni Viel doon. That's better kung nabasa niyo na.

Kung hindi, okay lang din. Hindi ko naman papasabugin yung utak niyo sa kakahula. XD Syempre, kung may misteryo dito, may kasagutan naman dun. So, chill chill lang, okay? :D Patience is a virtue. AJA! ^o^

Next, Keep Smiling is a short story. BUT! Hindi porket magkapatid sila, short story na rin 'to. Kasi hindi. I guess, more than 30 chapters 'to unlike KS na 21 parts lang.

Lastly, hindi ito Book 2 ng Keep Smiling. Story na po ito ng kapatid ni Viel. Though, maga-appear si Viel dito pero kay Vince pa rin naka-focus. M'kay? =))) Yun langs. XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Where it starts]

[HIS Point of View

Natapos na ako sa page-edit. Pinatay ko na ang laptop ko at inayos ang iba ko pang gamit.

"Hey, I got to go." Pagpa-paalam ko sa kaibigan.

"Ingat bro." Tumango lang ako at lumabas na sa saradong bar. Maaga pa kasi kaya sarado pa ito. Buti nga at pinayagan kaming dito muna tumambay. Inaayos kasi yung bar ng isa ko pang kaibigan.

Habang naglalakad ako, nakita ko nalang bigla ang isang babae na nadapa. Engot. Tss. Pero di ko naman siya masisi kung maliit siya at madaming dala.

Pero, pwede ko rin pala siyang sisihin. Bakit kasi ang dami niyang dinala kung hindi naman pala niya kaya lahat yun? Tss. Mga tao talaga.

Nilapitan ko ito at tinulungan. Kawawa naman eh. Mukhang high school nga lang siya dahil sa inosente nitong mukha.

"Thank you po." Sabi nito sa akin at umalis na. Parang nahihiya pa nga siya. Ako naman, di-diretso na sana sa parking lot kaso nakita kong may naiwan pa siyang gamit.

"Miss!" Napatigil naman ito at lumingon.

"Ako?" Tanong niya sabay turo sa sarili niya.

"Oo, ikaw nga! I think you left this!" Saka ko pinakita yung ballpen na may design na kung ano sa tuktok nito. Yung mga tipo ng ballpen na sobrang laki at may design pa pero tatlong araw mo lang naman magagamit pero yung presyo napaka mahal. Tsk.

"Ah opo!" Sigaw nito at tumakbo papunta sa akin. Inabot ko na sa kanya yung ballpen niya at tumalikod na pero may sinabi ulit siya...

"Thank you. You saved my life." Tsk. I saved her life?

Parang tinulungan ko lang naman siya at inabot yung ballpen? Anong you saved my life ang pinagsasasabi niya? Weird.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na talaga ako sa parking lot. Pucha. Kanina pa ako ah.

Pagpunta ko sa parking lot, naalala ko na hindi ko pala dala yung kotse ko. Engot din pala ako? Naknam.

Hindi, makakalimutin lang. Magkaiba yun.

Naglakad nalang ako papunta sa mga sakayan ng taxi. Medyo malayo rin. Tsk.

Ayun! Buti at meron. Pinara ko ito. Tumigil naman siya pero hindi ako nakasakay.

"Hoy teka—!" 

Argh! Inunahan ako ng isang babae! Nakakainis. Nagma-madali na ako tapos uunahan niya ako?! Nakakainis talaga. Malayong-malayo siya sa babaeng nakita ko sa parking lot. Nakakaawa yung isa, nakakainis naman ang isang ito.

War of L'sWhere stories live. Discover now