Chapter 16 ♪ Unbreakable Intensity ♪

96 5 2
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Unbreakable Intensity]

Akala ko, hindi na niya ako ili-ligtas eh. Akala ko lang pala yun.

Whatever happens, he’s still there. Did God send him to be my guardian? Siguro, oo. Pero sana… Lover din. Hay. Dream on, MJ.

“What were you thinking? Sabi mo sa akin dati, you’re hiding something on your thigh. If you take your shorts off, makikita nila. Eh bakit mo ipapakita sa kanila?”

“Because I thought I had no choice.” Sagot ko sa kanya.

“Paano kung wala ako dun? MJ, grow up.”

“I’d rather not grow up just for you to always save me.” Selfish kong bulong. I know that was wrong.

“What?!”

“N-Nothing. Sorry. VR, alam mo ba yung tinatago ko na yun, it’s a tattoo. Kaya nga ina-abangan nila eh. Because they know I have one pero never kong pinakita. Nagta-taka sila kung bakit ayaw kong ipakita kaya ganun.”

“Tattoo?! Hindi mo man lang sinabi sa akin? And what is it, huh?”

“Ikaw lang ang makaka-alam nito. Dragon yun. Naka-palibot siya sa thigh ko. Just below my undies. I don’t let anyone see and know that my tattoo’s a dragon.”

“But you did tell me.”

“Because… I trust you. And… I don’t know. I just feel like saying it. Pero secret pa rin yun, okay?” He nodded. Pumunta kami sa sala kung saan nakalagay ang mga gamit namin. Hinanap ko yung cellphone ko saka pinakita sa kanya ang isang litrato.

“Ito siya oh. 2 days after palang yan nung pinicturan ko kaya medyo namumula pa.” Paliwanag ko doon sa litrato nung tattoo ko noong bago palang siya. Pero malapit na rin siyang mag-isang taon ngayon.

“C-Cool. It looks good. Pero bakit ayaw mong makita siya ng iba?”

“Because I’m not yet ready. Well, Vince Renzo, this dragon symbolize my life, myself, my world. I was all alone now. Diba nga, yung parents ko hiwalay na? Kaya parang dragon, magulo ang buhay ko, malikot. Parang dragon, malakas ako. Kasi kailangan eh. At parang dragon, binu-bugahan ako ng apoy ng mundong ginagalawan ko. I had to stand on my own but thankfully, friends came. Manang, Manager Karen, Magan, Joe, and you came.” Natawa ako pero nagpatuloy din.

“Hindi man halata pero thankful ako sa pagdating mo. You’ve protected me from the fire that was about to hit me again. You were there. Diba engot ako? At malas pa. Pero hindi ko yun napapansin kasi nandiyan kayo. Ayokong ipakita ‘tong dragon kasi hindi pa ako ready. Hindi pa ako ready na tuluyang harapin ang lahat ng nangyayari. Hindi pa ako kasing lakas ng dragon na ‘to. Well, one day I surely will.” Ngumiti ako matapos mag-explain.

“Siguro MJ, sa isip mo lang yan. Ikaw lang nagsasabi na hindi mo pa kaya pero kaya mo na. I believe in you, kaya mo na. At kung magkamali man ako, we’re always here to catch you. Kahit pa na gusto mong malayo ako, sasaluhin at sasaluhin pa rin kita kapag malalaglag ka na at iiiwas pa rin kita sa apoy na mananakit sayo. Tandaan mo yan, engot.” He patted my head saka tumayo at umalis na sa sala. Napa-isip ako…

Siguro nga may part na tama si Vince Renzo na turtle ako. Sadyang turtle lang ako kaya hindi ko pa nare-realize na kaya ko na pala. At sadyang takot lang para subukan nang mag-isa…

War of L'sWhere stories live. Discover now