~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Shattered]
[Manager Karen's Point of View]
"Got to go. Don't forget to give him the cake! Thank you!" Nag-beso siya at lumabas na.
Ako at si Megan? Nabato sa mga pwesto namin. Grabe. Kanina lang, iyak pa siya ng iyak tapos ngayon, nagmamadaling ewan.
"M-Meg... Tawagan mo na. Malay mo naman, diba? Baka nagkamali lang talaga si MJ."
"B-Bukas na manager. Hindi ko ata kakayanin. D-Dito ka nalang matulog para bukas ng umaga, makausap na natin agad."
"Sige. Tama ka nga. Lagay ko na muna 'to sa ref ah." Sambit ko at pumunta na sa kusina ng bahay niya.
***
[Monica Jane's Point of View]
"Yaaaaawn," paghihikab ko habang nasa taxi papunta sa company. Leshe nga eh. Nakaka-magkano na ako kaka-taxi.
"Mam, dito na po."
"Ah, ito po..." Pag-abot ko ng bayad, agad akong bumaba at pumasok sa building.
"Mam Ram! Ready na po ako sa ino-offer niyong photoshoot," sambit ko. Last photoshoot yun para sa contract ko.
"Wow! Akala ko ba ayaw ng mommy mo?" tanong niya.
Actually, pinayagan ako ni mommy na mag-shoot ng sexy and daring pero once lang daw. Sabi niya, alam niya raw na hindi naman ako hahayaan ni VR kung sobra na. Kahit hindi pa sila magkakilala personally, she trusts him. Too bad, sinaktan ako ni VR.
Si VR nalang sana ang problema ko about sa pictorial na yun pero si mommy ang dinahilan ko kay Mam Ram na nagbabawal sa akin dahil hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa amin ni VR.
Magpapaalam muna sana ako kay VR pero sa nangyari sa amin, hindi ko na kailangang magpaalam. Hindi ko naman 'to ginawa dahil gusto ko siyang asarin o bitter ako. Para pa rin 'to sa BMC.
"Hayaan niyo na po yun. It's better if we start," sambit ko.
"As you wish," sabi naman niya at pumunta na kami sa showroom.
Pagkatapos ko dito, magpapa-book na ako ng flight papunta sa malayong lugar. Last photoshoot ko na 'to dito sa RAMA.
"1...2...3... Good shot!---Sexy!---Great!" sunod-sunod na puri ng photographer. I'm really giving my best here since last ko naman na 'to. Natapos na ang photoshoot at agad akong nagbukas ng laptop at nagpa-book dahil may naisip na akong pwedeng puntahan.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]