Chapter 23 ♪ One hundred twenty-two days ♪

97 2 2
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[One hundred twenty-two days]

"MJ, phone oh." Sambit ni VR pagpasok sa kwarto ko. Nagli-ligpit kasi ako at siya naman, sa baba nagliligpit. Malapit na daw kasi ang pasukan o yung iba nga yata nag-umpisa na yung school year. Kaya sabi niya, maglinis daw kami ng bahay. Kahapon, yung unit niya ang inayos namin.

Kinuha ko na yung phone sa kanya at lumabas na ulit siya ng kwarto.

"Hello."

(MJ!) Na-bosesan ko agad si Megan. Sa tono nga ng boses niya, parang ang saya at sobrang excited niya.

"Megan! OMG KYAAAAH! Kamusta?" Tatlong linggo ko na siyang hindi nakikita dahil nagbakasyon sila ni Michael sa probinsya nila Michael. Gusto raw kasi ulit makita ng grandparents ni Michael si Megan. Lalo pa ngayon na engaged na sila.

(Bwiset ka, MJ. Wala ka man lang pasabi na sisirain mo ang eardrums ko!) Sabay tawa nito. (Okay naman kaya lang grabeng pagod ang dinanas ko. Biruin mo MJ, nagsaka ako! Hahahaha. Sabi ni lola, magsaka raw ako para pumayag siyang ikasal kami ng apo niya. Hay nako. Kakausapin ko na nga yung grandparents ko para pahirapan ng todo si Michael sa oras na mamanhikan siya.) 

"Weh, seryoso? Baka nalaglag na yung matress mo niyan! Hay nako bakit ka naman pumayag?" Ngayon ko lang narinig ang mga bagay na yon dahil ngayon lang naman ulit din kami nagka-usap. Mahina kasi ang signal at isa pa, syempre oras na muna nila yun. Nag-leave pa nga silang pareho sa mga trabaho nila eh. Parang bagong kasal ang dating.

(Hahaha. Eh tumulong lang naman ako. Di naman ako nanghila ng kalabaw. Saka syempre nandun si Michael. Ang mahirap lang talaga eh yung mainit. Panis ka, MJ. Tanned skin na ako ng hindi man lang naranasang mag-swimsuit sa arawan.) Tawa ako ng tawa sa mga pinagsasasabi niya.

Hay. Kahit kailan talaga 'tong si Megan, may saltik. Nag-kwento pa siya ng mga nangyari at sa palagay ko, talagang nag-enjoy siya. At halatang halata rin na nag-enjoy ang pamilya ni Michael sa company ni Megan. Pano ba naman, habang nag-uusap kami, naririnig kong tinatawag siya nung mga bata. Maglaro na daw sila.

"O Megan, mukhang tinatawag ka na ng mga soon-to-be kapamilya mo." Sambit ko saka tumawa.

(Oo nga eh. Hay nako. Mahal na mahal nila ang beauty ko. Hahaha. Ay teka muna, bago ako magpaalam, kamusta na kayo ni Vince?)

"Ah, okay naman. Heto nga't naglilinis kami ng bahay. Kahapon, yung unit niya ang inayos namin. Kasi daw malapit na yung pasukan. Ewan ko ba dun sa taong yun. Hindi naman na kami mga estudyante."

(Bagay na bagay talaga kayong dalawa eh. Pareho kayong baliw.)

"Aba nagsalita ang matino!"

(Kaya tayo naging magkaibigan eh. Hahaha. O pano, baboosh na.) Nag-paalam na kami sa isa't isa dahil talagang kinukulit na siya ng mga bata. Sa sobrang kulit naming pareho, tumagal pa ng ilang minuto yung sanang simpleng ba-bye lang.

Nung binaba na niya, nilapag ko na rin yung cellphone ko sa table saka naglinis na ulit. Mga isang oras pa ata akong nagkalikot bago natapos. Sakto, dumating si VR na may dalang pagkain.

"Labas tayo?" Yaya niya. Sinunggaban ko muna yung pagkain bago sumagot.

"Sige, okay lang." Sambit ko naman. Kapag wala kaming ginagawa, tambayan namin ang mall. "Bumili ka na rin ng mga bagong damit." Um-okay lang ito. Nang matapos naming mag-merienda ay naligo muna ako saka kami pumunta sa mall.

***

Pumunta muna kami ng department store dahil nga bibili si VR ng t-shirt dahil nung nag-ayos kami, nagbawas rin kami ng mga damit na hindi nagagamit at ng mga luma na. Kaya lang, halos maubos yata yung damit ni VR dahil puro luma na. May pagka-tamad talaga siyang nilalang.

War of L'sWhere stories live. Discover now