~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[The Warfare]
February 20, 2014--Thursday
Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Vince. Iniiwasan ko siya. Mahirap kasi nasa iisang lugar lang kami pero syempre, pag gusto may paraan. Lagi akong nakadikit kay Krisha na buti hindi niya ipinagtaka. Kung napansin man niya yun, sigurado masaya siya dahil sigurado siyang hindi kami magkasama ni Vince.
Hindi naman ako ganun kasama para hindi magkaroon ng closure kay Vince kahit na away-bati pa kami. Kahit papaano parang magaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Kaya ayaw ko siyang iwan basta sa ere. Kaibigan na rin ang turing ko dun--Uh, medyo.
"Are you okay?" tanong ni Krisha. Gusto kong sabihin sa kanyang hindi pero bawal naman niyang malaman na mabigat ang loob ko sa paglalayo niya sa amin ni Vince. Bakit nga ba mabigat ang loob ko? Ugh.
"Oo naman. Sabay ba tayong uuwi mamaya?" pagbabalik ko ng tanong.
"Nope. May schedule ako with some friends tapos may isa pa akong pictorial. Baka gabihin ako," sagot naman niya. Naisip ko na baka chance na 'to para makapag-usap kami ni Vince.
Naghahanap lang ako ng tamang panahon. Ito na siguro yun. Kaya pagkatapos na pagkatapos ko sa photoshoot, lumabas agad ako at dumiretso sa dressing room ko tapos nagsulat sa papel.
7pm later. Max's. Perfect. Nakasulat sa papel na iniwan ko sa dressing room niya. Sa lugar na iyon para malayo sa RAMA at sa oras na iyon para imposibleng free si Krisha. Sana lang makita ni Vince.
****
"Vince, alam kong ilang beses ko na 'tong sinabi sayo pero ngayong pagkakataon na 'to, totoo na 'to. Kailangan, Vince. Kailangan nating layuan ang isa't isa. We shouldn't be close let alone be friends. Please, Vince," pakiusap ko.
Nandito kami ngayon sa labas ng Max's na kinainan rin namin kahapon. Dapat talaga kakain pa kami ng dinner pero hindi ko na natiis at sinabi ko na sa kanya. Labag sa kalooban ko 'to pero mas importante si Krisha at ang trabaho ko.
Sa hinaba-haba ng buwelo ko, ang dami ko pang inisip na sasabihin ko, doon din nauwi sa harsh truth. Ugh. Ako ang bumulilyaso sa sarili kong plano.
"What? Hell no, MJ. Hindi natin kailangang layuan ang isa't isa. Sa lahat—"
"I'm sorry," sabi ko nalang at tinalikuran na siya.
"MJ!" sigaw niya at hinila ako. Matapos ay hinalikan niya ako. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi ko nagawa. Ni hindi ko alam kung may nakakakita sa amin!
Napapikit nalang ako. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Matapos yun, nakarinig ako ng isang suntok. Pero hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko.
Hindi ako naiyak dahil hinalikan niya ako bigla. Naiyak ako dahil nasasaktan ako sa hindi ko alam na dahilan.
Isang lalaki at isang babae. Nagkabanggaan sila. May taxi. Naging magkaibigan. Naging magkasintahan. Nags-swimming sila sa pool ng isang hotel. Nag-kiss sila sa kotse. Sumayaw sila sa kalsada. Naglaro sila ng Calamansi relay. Kumanta yung babae. Kumain ng ube cake. May singsing. May magic.
Yabang. Tulo laway. Keep Smiling. Pagong. Unggoy. Marry Me.Chasing Cars. Evermore. War of love. War of life.
Biglaan kong naimulat ang mata ko. Nanginginig ang kamay ko at patuloy ang pag-agos ng luha ko.
"Anong nangyari?" tanong ko sa sarili ko. Bakit... Bakit wala akong maalala sa kanina? Parang may iniisip ako pero hindi ko matandaan. Parang tulog ako kanina at nakalimutan ko ang mga napaniginipan ko.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]