Note: Pasensya na kung natagalan sa update. Di ko na kasi alam kung itutuloy ko pa 'to. Naguguluhan ako. :| Pero ayun, ituloy ang dapat ituloy.
COMMENTSSSS VOTESSSS
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[A Twist]
Third Person's Point Of View
Walang pasok si MJ. Pero aalis siya. Kahit puyat dahil sa trabaho kagabi, maaga pa rin siyang bumangon. Medyo excited na nga siya. Naghanap siya ng magandang damit.
Isang okasyon na pasimuno ng kaibigan. Hindi siya sigurado sa mangyayari pero nararamdaman niyang excited talaga siya. First time kasi.
"Aba, san ang lakad mo? Mukhang maganda ang mood mo ngayon ah." Puna ng kasambahay. Agad na nawala ang ngiti sa mukha niya. Pilit niyang itinago ito.
"N-Nako. Wala po manang. Hehe." Pagta-takip naman nito. Nagpatuloy na siyang mag-ayos at di nagtagal, natapos na rin niyang ayusan ang sarili.
Napatingin si MJ sa orasan na naka-sabit sa kwarto niya. 7 am na! Kailangan ko nang umalis. 8 am yung sinabi ni Kaye.
Nang makarating siya sa restaurant na sinabi ni Kaye, pumasok na agad siya at hinanap ang lalaking naka-polo na blue.
"Ayun." Naka-ngiting sabi nito nang makita ang lalaking naka-polo na blue na naka-yuko.
Nang makalapit, agad na umupo si MJ at bumati ng isang "Hi."
"Hello--MJ?" Tanong ng binata na makaka-date ni MJ. Kanina'y naka-ngiti ito at ngayon nama'y parang nagulat.
"Ryan? T-Teka nagkamali lang ata ako. Sandali hahanapin ko pa yung--" Tatayo na sana siya pero pinigilan siya ni Ryan.
"Yung ka-date mo? Eh, kasi... Ako yun eh." Sabi nito na may alanganin na tingin.
Agad na nanlaki ang mata ni MJ at walang nagawa kundi maupo.
"Ikaw?! Aba't loko kang lalaki ka ah. Kagabi hindi ka nagpakita tapos makikipag-date ka ngayon? Kami ba niloloko mo?" Inis na sabi ng dalaga. Sino nga ba namang hindi maiinis kung sarap buhay lang ang dapat na nagta-trabaho? Ang masaklap pa, may nadamay ito.
"Sorry na."
"Anong sorry? Yun lang? Sa haba ng sinabi ko, 'sorry na' lang ang lalabas diyan sa bibig mo? Aba't hindi ko ata matatanggap yan. Tsk. Akala ko pa man din matino 'tong blind date-blind date na 'to." Napakamot na lamang siya sa ulo.
Wala na, sira na ang ayos pati ang mood niya. Naiinis talaga siya kay Ryan.
"Gusto mong mag-explain ako?" Takang tanong ni Ryan.
"Aba, oo naman ano!" Napalakas na sabi ni MJ kaya medyo nahiya ito pero inirapan pa rin si Ryan saka nag-hintay ng paliwanag nito.
"Si Rica kasi eh. Nagkita kami kahapon at umamin siya sa akin. Gulong-gulo ako, MJ. Halos makalimutan ko na ngang may photoshoot eh. Ang bait bait niya kaya di ko alam kung paano sasabihin na di ko siya gusto."
"What?! Eh, anong nangyari?"
"Ayun. Sa huli, wala rin akong nasabi. Hindi ko alam eh. Ayoko siyang saktan pero ayoko rin naman siyang paasahin. Si manager yung gusto ko. Siya lang."
"Wait... Sabi ko na eh! Akala ko hindi totoo eh."
"Bakit? Sino ba yung akala niyong gusto ko? Parang lahat kayo walang kaide-idea na si manager yung gusto ko." Mas mukhang problemado na sabi ng binata.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]