Chapter 02 ♪ Stupidity ♪

370 13 3
                                    

 This chapter is dedicated to her because she's one of the people who inspire me :))

Ate, salamat ng marami :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Stupidity]

[HER Point of View]

I got your picture

I'm coming with you

Dear Maria, count me in

There's a story at the bottom of this bottle

And I'm the pen

Alarm ko yan ah. Teka anong oras na ba? Tinignan ko yung cellphone ko at yung malaking display ng oras doon. Nanlaki ang mata ko.

6am? Tae! Ang aga pa ah. Istorbo naman!

"MANAAANG!!!" Nakarinig ako ng yabag ng paa.

*Eeeennkkk* Bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Hay Mj! Ano ba iyon? Bakit ka nasigaw?" Pfft! Nag-panic ata siya. Kahit kasi nakatakip ako ng unan, rinig na rinig kong hinihingal siya.

Tinanggal ko na yung unan para magkausap kami ng maayos.

"Kasi manang, yung phone ko di niyo ata in-alarm ng maayos. Ang aga pa pero nag ring na. Di ba nga po 9:30 pa pasok ko?" Sabi ko sa kanya sabay pout. Eh kasi! Ang ganda pa man din ng panaginip ko.

"Anong maaga? Alas nuebe na kaya. Male-late ka na nga eh!"

"Hala si Manang. Tignan mo oh. 6am palang kaya." Pinakita ko ang phone ko. Para patunayang maaga pa.

"Oh! Asan ang 6 dyan?" Arrggh! Ang kulit!

"Eto nga po oh! 6 pa—" Nanlaki na naman yung mata ko nang makita ulit yung oras. Yung totoong oras. "Waaaaaaaaah! Late na ako! Shete!" Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Huhu.

Ang engot ko. Nabaliktad ko yung tingin ko. Kala ko 6AM palang. Leshe! 9:30AM pa man din ang pasok ko.  9:10 na sa phone ko.

"Waaaaah! Tanga ko! Promise." Yan nalang ang nasabi ko.

May ospital ba na nagche-check kung ilan nalang ang turnilyo sa utak? Haaay! >o< Nakakainis talaga. 

Pagkatapos ng 10minutes na paligo, ligo nga ba ang tawag dun o wisik wisik? Aish. 

Kelangan ko ng magbihis! Nako kahit ano nalang! Mahirap ng mamili. Late na ako!

 Bumaba na ako...

Nakita ko si manang sa may dining area.

"Oh, kain na," alok ni manang.

"Wag na po manang. Penge na lang nito." Kumuha ako ng dalawang hotdog at umalis na. Wala pa man din yung kotse ko ngayon.

Malas ha! Nakakaiyak naman 'tong araw na 'to.

Kelangan ko pang maghintay ng dadaan na taxi dito sa may gate ng village. Kinain ko nalang yung hotdog. Nakakagutom maghintay eh.

"Mam, ayun po oh. Taxi." Tinuro ni Kuya guard yung nakatigil na taxi. Pinara ko na. Baka maunahan pa ako eh.

"Ah, thank you kuya. God bless," sabi ko kay Kuya Guard. Ngumiti naman siya. Ako naman, sumakay na...

Napatawa ako sa isip ko. May mauuna pa sana sa akin eh. Pero inunahan ko na siya sa pagpara. Sayang di ko masyadong nakita yung mukha. For sure naiinis yun!

At nagkamali pala ako. HAHAHA. Mukhang hindi nga ako yung nagpara eh. Sa katunayan kasi, yung lalaki pala talaga ang tinigilan nung taxi pero sadyang in-unahan ko lang sa pagsakay.

War of L'sWhere stories live. Discover now