~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[The Chase]
"Exuse me," sambit ko. Nakasandal kasi siya sa pader na malapit sa pinto. Baka mabangga ko siya kapag lumabas ako at malaglag ang paborito niyang cake na galing sa Max's. Lagi ko siyang nakikita na kumakain nun.
Hay. Namimiss ko tuloy ang pamilya namin na palaging kumakain sa Max's noon.
"Ang laki-laki ng pinto kailangan dito pa?" tanong niya. Inirapan ko naman siya. Kainis. Pinigilan ko ang sarili ko na padabog na maglakad. Baka magtaka pa sila. Kailangan ko ng composure. Chill, MJ.
"Kunwari mabait, masama naman ang ugali," bulong niya pa. Alam naman naming lahat na hindi talaga ako perpekto pero almost, yun ang tingin nila. Tanggap nila pag nagkakamali ko kasi tingin nila anghel ako.
Nilingon ko siya. "Stop it," I said at umalis na. Kainis talaga! Never pa akong nagtaray. Sa kanya lang.
Damn it. I seriously hate that man! Kung hindi lang siya pogi at mukhang decent, I would have reported him to the police. Para siyang creepy stalker minus the creeps. Kung wala lang akong kailangang i-maintain na image, baka nasigawan ko na siya.
Madalas sa pictorials ko, nandun din siya. Of course, he's the photographer. Yeah, hindi lang siya model. Actually, he's mostly a photographer. Pero kasi, after ng photoshoot ko, lalabas din siya ng studio. At madalas, kung saan ako nagla-lunch, nandun din siya.
Pero ang pinakanakakainis, ang sungit niya pa rin! Hindi lang sa akin kundi sa lahat. Pero sure akong sinusundan niya ako minsan--or lagi siguro.
Ang nakakatakot, mag-isa ko lang ginagawa ang mga bagay tulad ng pagla-lunch. Wala ngayon si Krisha. Pinadala siya sa Singapore for an event. Cool, right? She's already trusted. Well, okay na rin. We've been here since October 2013. Ano na ba ngayon? It's almost the end of January
Hmm. May kasama naman ako sa bahay. Nag-hire si Krisha ng kasambahay at meron ding driver na hinahatid sundo ako. Pero duh! Alangan namang isama ko sila lagi dito diba? Baby lang? Psh. Nagkaroon na ba ako ng kasambahay ever? Parang wala ata.
***
Nagre-ready na ako para sa next photoshoot. Kakalabas lang ng make-up artist ko nang maramdaman kong bumukas ang pinto.
"Hi," a voice said but I need not to turn para lang makilala siya. Sa Dalawang buwan niyang stay dito, nakabisado ko na ang nakakainis niyang pagkatao.
"What do you want?"
"You?" he answered in a question manner. See?! He's annoying. He won't stop bugging me. Maraming nanliligaw sa akin dito noon pero nilinaw ko nang hindi iyon ang priority ko at nasabihan na rin sila ni Mam Ram na lumayo. But he's an exception. He won't just stop.
"Cut the crap, will you? Kung sila, hindi ka masabihan na nakakainis ang ugali mo, pwes ako, hindi natatakot sayo," I snarled. Kasi naman, kung ako ang Miss Perfect, siya naman ang Mr Right na tinuturing nila. Like, eww. Pero fine, I'll admit, talagang mabilis siyang sumikat dahil sa good looks niya.
Walang nakakalapit sa akin ng basta. At wala ring nakakalapit sa kanya. Hindi lang dahil sa pinagbawalan ni Mam Ram kundi dahil napakasungit niya! Pero ayun. Ang ending, pareho kaming nagkakalapit na nakakainis para sa akin.
"O, nasaan na ang Miss Perfect na sinasabi nila?" pang-asar na tanong niya. I'm telling you, he's getting into my nerves.
"Nasa harap mo. Hindi mo ba tanggap? Bakit, gusto mo ikaw ang nasa posisyon ko?" pang-inis rin na tanong ko. Sumeryoso siya. Don't tell me, I hit a nerve? Bading ba siya?
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]