~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Under Construction]
Hindi rin kami nag-tagal sa Batangas. Nang matapos namin ang photoshoot, agad din kaming umuwi. Three days lang ang itinagal namin na inasahan kong isang linggo. Eh paano naman kasi kami makakatagal ng isang linggo doon eh sobrang intense ng bawat tinginan at sobrang awkward ng bawat galaw...
Saka kailangan din kasing umuwi ni manager dahil may dumating daw siyang pinsan galing ibang bansa. Ngayon ko nga lang nalaman na may iba pa palang pamilya si manager. Nasa ibang bansa nga lang kayaga ng sa amin ni Meg.
"MJ, samahan mo ako?" Sabi ng katabi kong si Megan.
"Oo sige. Anong oras?" Tanong ko naman. Ni hindi ko nga alam kung saan ko siya sasamahan. Pfft. Mga bangag lang eh. Kakagising lang kasi namin.
"Mamaya." Sagot niya at muling pumikit at nag-taklob ng unan. Napakatinong sagot naman ng mamaya.
"K." Sagot ko naman. Parang mga engot kami na nagkaka-intindihan. Ilang minuto nakalipas, bumangon na kami at nag-ayos.
"Saan ba tayo pupunta Megan?"
"Sa aking boyfriend." Sagot niya.
"Speaking of your boyfriend, may nangyari ba sa inyo bago tayo umalis?"
"Ano?! Aba MJ, virgin pa ako ano." Depensa niya. Binatukan ko nga.
"Loka! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nangyari as in kung nag-away o ano pa. Ganun." Paliwanag ko.
"Ah. Hehe. Ano kasi. Nag-away kami. Pero di naman yun yung dahilan kung bakit hindi siya nakasama. Sadyang may trabaho talaga."
"Oooh. Sabi na eh. May iba kasi sa mga mata mo nun. Ano bang pinag-awayan niyo?" Sa pagkaka-alam ko kasi, minsan lang sila mag-away eh.
"Ayaw niya kasi akong pasamahin dahil di siya makakasama. Baka daw kasi mag-two piece ako tapos may mga lalaki. Eh syempre hindi naman pwedeng hindi ako sumama. Ayun. Nagtampo. Hahaha. Pero wala yun. Magbabati din kami." Tapos tumawa ulit siya.
Sabi sa inyo eh. Iba faith ng babaeng 'to. Akalain mong nagawa niya pang mag-swimming at makiapag-talo kay Krisha sa kabila ng pag-aaway nila ng boyfriend niya.
"Ay nako. Tara na nga. Haha." Sumakay kami sa kotse niya at pumunta doon sa condo ng boyfriend niya.
Nang makarating kami sa unit, dire-diretso kaming pumasok ni Megan sa unit dahil bukas naman yung pinto at naabutan namin siya doon... na may kasama.
"A-Ano 'to?" Nauutal na tanong ni Megan. Napa-tingin naman sila sa amin. Wait--.
"SAM?!" Gulat na tanong ko nang makita ko yung babae. "Megan siya yung kaibigan ni Vince at Joe," pagpapa-kilala ko.
"MJ?! What are you doing here?" Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Samantha.
"HOY BABAE! Kami pa talaga tinanong mo niyan?! Anong ginagawa mo dito sa bahay ng boyfriend ko?! Kinwento pa man din sa amin ni Vince na galit ka kay Krisha dahil sa ginawa niya tapos ikaw pala kabit?! Leche ka." Sigaw ni Megan na halos mag-lupasay na.
"Hey, I'm not kabit!" Nag-aapoy naman na sabi ni Samantha.
"Wait Sam. Kung hindi, anong ginagawa mo dito? May boyfriend ka diba?" Takang tanong ko.
YOU ARE READING
War of L's
RomanceA fight for love. A fight for life. Entering those kinds of war is never easy. Will they put their armor down or will they keep themselves guarded with those walls they built? [VINCE RENZO BELENCION FROM "KEEP SMILING" IS HERE]